Part 1

18.1K 239 0
                                    

"SCARLETT O'Hara. Sis, bagay na bagay, hindi ba? I'll immortalize Vivien Leigh. How I wish, bigyan ako ng atensyon ni Chad." Habang nagsasalita ay kinukulot niya ang makitid na ribbon ng bouquet na dinala niya sa Romantic Events.

Wala namang bride na gagamit ng bouquet na iyon. Kagaya nang dati nang ginagawa niya, nagdala lang siya sa shop ni Eve para naman mayroong fresh wedding bouquet na display ang shop.

Isa pa, kae-eksperimento lang din niya ng arrangement na iyon. At tagumpay naman siya dahil wala pang nagsabi na pangit ang pinagsama-sama niyang calla lilies, tulips, heliconia at white freesia.

"Scarlett, do you love Chad?" tanong ni Eve.

"Siyempre, mahal ko siya. Alangan namang hahabulin ko siya kung hindi ko siya mahal."

Tinitigan siya ni Eve. "Sigurado ka? Baka naman nagkataon lang na O'Hara ang last name ng lalaking iyon kaya mo siya gusto? If I'm not mistaken, hindi mo pa nakikilala ang lalaking iyan ay big fan ka na ni Vivien Leigh ng Gone With The Wind."

"I love Chad," pakli niya at tumayo na. "Pupunta nga pala ako kay Dindin. Nagpagawa ako sa kanya ng brownies, dadalhin ko kay Chad." Nakipag-beso siya kay Eve. "Bye for now, sis. Be ready, ha?"

Kumunot ang noo nito. "Be ready for what? Another wedding in my wedding girls?"

Ngumiti siya. "How I wish. Pero hindi muna iyon. I have a plan, sis. A big seduction plan. May inorder na akong mga libro sa internet. I'm going to read them at hihingi na rin ng opinion sa iyo. Tulungan mo ako, ha?"

"Tutulungan kitang mang-seduce?" Ang itsura ni Eve ay nasa pagitan ng kaaliwan at disgusto.

"I'm determined to win Chad. Gagawin ko ang lahat para hindi siya makatanggi sa akin." Binitbit na niya ang signature bag. "I'm going."

"Scarlett, you're beautiful. At umpisa pa lang iyon sa maraming magandang katangian mo," banayad na wika ni Eve. "Bakit mo hinahabol iyang Chad na iyan? Ang daming lalaki, darling. I'm sure, hindi lang isa o dalawa ang manliligaw mo."

Bumuntong-hininga siya. "What can I do? Kahit isang dosena pa silang pumila sa akin, hindi ko naman sila type. Si Chad ang gusto ko, sis. Si Chad O'Hara."

"What if hindi ka niya gusto? Scarlett, kung may gusto sa iyo ang Chad na iyan, hindi mo na kailangang magpakita nang motibo, much more ang gumamit ng seduction tactics. Ang lalaki na iyan ang mismong lalapit sa iyo."

Bumalik uli siya sa kinauupuan. "Eve, hindi ako liligawan ni Chad. He's my father's business associate. At hindi lang iyon, protégé siya ni Papa. I know, hindi niya ako maligawan dahil nahihiya siya kay Papa. Of course, ayaw niyang isipin ni Papa na may vested interest siya kaya niya ako liligawan. But he's already made. Kahit naman sabihing tinulungan siya ni Papa, kung hindi naman siya likas na matalino, wala ding mangyayari sa kanya. You know, naniniwala akong kulang lang siya sa lakas ng loob kaya hindi niya ako maligawan. Pero sa naiisip kong gawin, masosolusyunan ang problemang iyon. After my seduction to him, kasalan na ang susunod."

"Pipikutin mo ang lalaking iyon?"

"No. Ang ibig ko lang sabihin, I'll make Chad feel na hindi betrayal sa trust ni Papa sa kanya ang pagkakaroon namin ng relasyon. Siyempre, kapag nagkaroon na kami ng relasyon—romantic relation to be specific, dapat lang na kasalan na ang susunod."

"May sasabihin ako sa iyo, Scarlett," maingat na wika ni Eve. "At hindi ko ito sasabihin sa iyo dahil gusto kitang mainsulto. Please, don't stoop to that level. You're very much a lady para mang-seduce ng lalaki. Baka sa halip na magtagumpay ka, lalo lang lumayo sa iyo ang Chad na iyan. Bakit hindi mo na lang isipin na kung para kayo sa isa't isa, there would definitely a way. Hindi mo makukuha sa apurahan ang pag-ibig."

Wedding Girls Series 04 - SCARLETT MARIE - The FloristTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon