Part 7

5.6K 160 3
                                    

"NANDITO ka pa rin?" kunot-noong wika ni Scarlett.

Ito ang dinatnan niya sa kitchen. Wala ang katulong na uutusan sana niyang tumawag kay Scarlett kung saan man ito matatagpuan. Hawak ng dalaga ang isang tray na naglalaman ng isang pitsel na juice at baso. Pawis na pawis ang katawan ng pitsel sa dami ng yelo. Umandar na naman ang kalokohan sa utak niya.

"Masyado bang nakakauhaw ang binabasa mo, Calett?"

"Hoy, Rodelio, huwag mo akong inisin! Baka ibuhos ko ito sa iyo. Ang tanong ko kanina, bakit naririto ka pa? Hindi ba't kanina pa kita itinataboy?"

"Bakit, masama bang makiinom muna? Sa nauuhaw ang tao, eh." At parang sarili niyang bahay iyon na kumuha ng baso at nilapitan ang water dispenser doon. Kaagad niyang dinala iyon sa mga labi at sa malalaking paglunok ay nasaid agad ang likido. "Calett, may sasabihin nga pala ako sa iyo."

"Siguruhin mo lang na matutuwa ako. Huling tuntong mo na rito sa pamamahay na ito. Hangga't hindi dumarating ang parents ko, sasabihin ko sa guwardiya na bawal kang tumuntong dito. Oh, doon palang sa guard sa mismong gate ay ipapa-ban na kita."

"Hey! Hindi lang ang mama mo ang kliyente ko ng alahas sa lugar na ito. Mamumulubi ako kapag ginawa mo iyan. Alam mo bang bukas ay may appointment ako kay Mrs. Lachica, iyong billionaire widow diyan sa kabilang block? Isang set ng South Sea pearls and diamond baguettes ang dadalhin ko sa kanya. Close to two million ang halaga niyon kapag nagkasundo kami I'll treat you, Calett. Ikaw ang una kong tatawagan kapag binili niya iyon. So please, huwag mo akong ipapa-ban sa village na ito."

"OA mo."

"Besides, you have to listen to what I'm going to say."

"Sabihin mo na. May gagawin pa ako," kapos sa interes na wika ni Scarlett.

"Anong chapter na ang nabasa mo sa books, Calett? Do they use the term point-blank? O gumagamit pa sila ng mga salitang flower at sword?"

"Damn you!" At isinaboy sa kanya ni Scarlett ang laman ng pitsel.

He was stunned. Hindi niya matukoy kung dahil iyon sa sobrang lamig ng tubig o dahil sa pagkapuno ni Scarlett sa sinabi niya. Inihilamos niya ang kamay sa basang mukha. "Great. Hindi ko na kailangang mag-sorry, 'no? We're even."

"R-Rod..."

Tumikwas ang sulok ng bibig niya. "Huwag mo akong tingnan na mukha kang nabigla lang. Of course, hindi ka nabigla. Sa dami ng mga pang-aalaska ko sa iyo, matagal mo na nga sigurong balak gawin sa akin ito." Tinalikuran na niya ito.

"Rod, m-may towel sa CR. You can use it."

"May towel din naman sa kotse ko. Iyong sasabihin ko sa iyo, saka na lang." Tuluy-tuloy na siyang lumabas. Pasakay na siya sa kotse nang makita niyang patakbong humahabol sa kanya si Scarlett.

"Rod, wait! Rod!" tawag nito.

Hindi niya ito pinansin. Sumakay siya sa kotse at mabilis na binuhay ang makina niyon. Nang makalapit doon, hindi naman tumigil si Scarlett at kinatok iyon nang kinatok. Hindi naman niya magawang paandarin ang kotse dahil baka masaktan niya ang dalaga.

Pinatay niya ang makina at binuksan ang pinto. "All right, kaya ako nagpunta dito ay para sabihin sa iyong for bank foreclosure ang isang flower farm sa Tagaytay. I thought you would be interested para tubusin iyon sa bangko. Kaso, hindi na tayo nagkaroon ng pagkakataon na pag-usapan ang tungkol doon."

"I'm sorry, Rod," sa halip ay sabi ni Scarlett. "I-ikaw naman kasi, eh. Nakakapikon ka na."

"Simula pa lang ay ganito na ako," matabang na sabi niya at pumihit upang sumakay na uli sa kotse.

"Rod, am I forgiven?" habol na naman sa kanya ni Scarlett. Nang makaupo siya ay dumukwang pa ito sa kanya. "H-hindi naman ako ganoong kabayolente. I'm sorry."

"All right—" Pag-angat nang mukha niya ay mismong mukha na nito ang nasa harapan niya. She was just a breath away. At hindi na siya nag-isip at kinabig ang batok nito.

He kissed her. In one swift move, he pushed his tongue inside her mouth and explore the warm recesses of her mouth. And the moment he tasted her sweetness, all reasons flew in all directions. Ang tanging natira ay isang uri ng emosyon na nagtutulak sa kanya upang palalimin pa ang halik dito.

God, he never felt a kiss like this. It was so spontaneous. Ni hindi nga niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya upang pangahasang halikan ang dalaga. Basta ang alam lang niya ngayon, nang sandaling magtagpo ang kanilang mga labi, tila nagkaroon na ng kusa ang mga labi niya upang lalo pa itong siilin ng halik.

Then her lips moved against him. Tahimik siyang napamura. Her timid ways to kiss him back made him ache for more. He deepened his kiss—na para bang hindi pa malalim ang ginagawa niyang paghalik dito.

Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya. Pakiramdam niya, isang uri ng pagkagutom ang umatake sa kanya. Pagkagutom na hindi niya alam na nasa sistema niya maliban na lang ngayon na natuklasan niyang ito ang makakatighaw sa gutom na iyon.

He kissed her thoroughly. He bit, he tasted, he suckled, he nibbled. He kissed her expertly pero may palagay siyang ibuhos man niya ang lahat ng nalalaman niya sa larangan ng paghalik ay hindi pa rin siya magsasawang hagkan ang bibig na iyon.

"R-Rod!" Scarlett gasped.

Napatigil siya. At noon lang siya naging aware sa ayos nila. Nakauklo si Scarlett sa kanya. Ang kalahati ng katawan nito ay nasa labas ng sasakyan habang halos nakasampa na sa kanya ang kalahati. He could feel her fingers on her shoulder. Ang mukha ay nasa tapat pa rin ng kanyang mukha. Hindi niya alam kung ang susunod na kilos nito ay ang ilayo ang sarili nitong mukha sa kanya o kusang tawirin ang pagitan niyon upang ipagpatuloy nila ang nagsimulang halik.

Then he noticed. Her lips were swollen, no doubt because of his kiss. On instinct, dinama niya ng daliri ang mga labing iyon.

"I didn't mean to hurt you," he said gently.

Tila naman napapitlag si Scarlett sa ginawa niyang paghaplos. Mabilis din itong umahon buhat sa halos pagkakandong sa kanya at walang imik na lumayo at bumalik sa loob ng bahay.

Ilang sandali na sinundan lang niya ito ng tingin. Hindi niya alam kung tama bang sundan niya ito.

And then what? tanong niya sa sarili.

At hindi rin siya nakakuha ng sagot. Napailing na binuhay na lang muli niya ang makina at nilisan ang lugar na iyon.

- itutuloy - 

Wedding Girls Series 04 - SCARLETT MARIE - The FloristDonde viven las historias. Descúbrelo ahora