Chapter 30

585 19 2
                                    

Hello guys!!! Another update again. Try ko mag update ng mag update ngayong sembreak ah? Alam ko namang matagal akong mag update. Dalawa lang dahilan niyan, its either busy ako sa school o hirap akong magdugtong ng ilalagay sa isang chapter. Kasi kung pipilitin kong magupdate, baka maging panget ang kalabasan. Although aminado ako sa sarili ko na hindi masyadong kagandahan itong story ko. Pagpasensyahan niyo naman diba? Hindi naman talaga ako magaling gumawa ng story eh. Oh siya ito na update. Salamat sa pagbabasa ng wala kong kwentang mensahe sa inyo. Lels.

==================================================

Third Person's POV

Naunang pumasok si Neil sa loob ng kanilang bahay kasunod ng kanyang kapatid at mga kaibigan. Samantalang si Daniel ay nanatiling nakatayo sa kanyang pwesto magmula noong hinatid ang babaeng si Kathryn.

Hindi alam ng binata kung susunod ba ito sa loob ng bahay ng 'dating' kaibigan o hindi. Dati. Mapait na napangisi ang binata sa naisip. Hindi niya alam. Wala siyang kahit isang ideya kung tinuturing pa rin ba siyang kaibigan nila Neil matapos ng dalawang taon na walang komunikasyon. Kahit isang balita ay wala siyang narinig patungkol sa tinuturing niya na ring na tunay na kapatid.

But for him? They are still his friend. They've had been part of his life. At para sa kanya mahirap na lang basta itapon ang pinagsamahan nilang magkakabarkada. Oo, hindi siya nakipag bonding sa mga ito sa loob ng 2 years pero nanatiling kaibigan pa rin ang turing niya sa mga ito. Pinili lamang niya na putulin 'pansamantala' ang koneksyon niya sa mga ito sapagkat di pa niya kaya. Masyado pang masakit sa kanya ang nangyaring paghihiwalay nila ni Kathryn dahil kung patuloy itong makikisama sa kanila, maalala lamang niya ang mga alaala kasama si Kathryn. 

Balak niyang kalimutan lahat ng sakit na naramdaman niya. Kailangan muna niyang tanggapin sa sarili niya na hindi siya mahal ni Kath. Na hindi na maaring maging sila ni Kathryn. Dahil sa isip niya nung mga panahon na yun ay mas madali niyang makakalimutan ang mga bagay na yun kung wala yung mga bagay, mga tao na madaling magpapa alala sa kanya kay Kathryn.

Pero ano ba yung napala niya sa paglayo nito mula sa barkada? Wala naman itong napala. Dahil may sakit pa rin siyang naramdaman nung nakaraang dalawang taon, dahil hindi pa rin nito nakakalimutan ang nararamdaman nito sa dalaga.

Gusto niyang pumasok sa bahay nila Kath. Gustong gusto. Gustong gumalaw ng paa niya, pero parang may pumipigil dito. Hindi niya alam kung paano nito haharap sa mga taong nasa loob ng bahay na yun. Paano nga ba?

Sasabihin niya bang, "Hi guys!!! Long time no see. Kamusta?"

Hindi ba parang awkward? Matapos nitong hindi magpakita ng dalawang taon sa mga ito, bigla na lamang siyang susulpot at makipag kamustahan sa kanila na parang wala lang nangyari? Tsk kung gagawin man niya yun, baka bugbog lang ang aabutin nito sa kanila.

"Ano ba? Kailangan pa ba naming lagyan ng red carpet ang dadaanan mo para pumasok sa loob? O kailangan mo pa ng marshall para masiguro ang  kaligtasan mo dito? Tsk. Don't worry. Walang bubugbog sayo dito. Tsk. Wag kang pa-espesyal. Kung ang iba eh halos sambahin ka pwes kami hindi. Kaya pumasok ka na sa loob." sabi Neil na tuluyang nagpa-gising sa diwa ni Daniel.

Agad pumasok si Neil sa bahay nila pagkatappos nitong papauskin si Daniel sa bahay na yun. Samantalang lalo naman nag alinlanagan na pumasok si Daniel sa bahay nila Neil dahil base sa mga sinabi nito sa kanya ay galit ito sa kanya.

Huminga ito ng malalim bago lumakad patungo sa bahay nila Neil. Naisip niya na kung hindi papaosk baka pagisipan ng mga ito masamang bagay patungkol sa kanya Ayaw naman niyang mangyari yun dahil gusto niyang maayos ang lahat. Gusto niyang bumalik na sa dati, hindi man lahat pero gusto niyang bumalik sa dati ang samahan nilang magba-barakada. Gusto niyang mabalik kung ano man ang relasyon nila ni Kath. 

The Hottest Star Of The GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon