Chapter 20

1.4K 38 10
                                    

WOOOH!!! Ito na guys. The most awaited chapter. You will know why DJ and Kath broke up. So I'm expecting na icocomment niyo kung ano ang reaction niyo dito *pretty please* and thank you sa mga new readers dyan *kaway *Kaway*. Yung mga nakaraang araw kasi maraming nagadd sa RL nila. SO SALAMAt guys. I hope na magustuhan niyo ang story ko. So this is it ^___^ 

ENJOY

Chapter  20

Julia's POV

"Gusto mo ba talaga malaman?" I ask. Dahan dahan siyang tumango. Kitang kita sa kanya na gusto niya talaga malaman kung bakit ginawa ni Kath ang desisyong iyon after 2 years. 

"Kahit na wala ako sa posisyon na magsabi sa iyo ng totoo, I guess kailangan ko ng sabihin ito dahil kung hihintayin ko pa ang tamang panahon, paniniwalaan mo pa rin kung ano sinabi sayo ni Kath at patuloy mo ring masasaktan si Kath sa mga salitang binibitawan mo sa kanya na walang katotohanan."

Tumungo kami ni DJ kung saan walang tao para makapagusap kami privately. Although hindi kami maiintindihan dahil nasa ibang bansa kami pero mas maganda na yung maingat kami. Mamaya may mga pilipino dyan at isa pa, artista si DJ, baka may makilala sa kanya.

Nung makakita kami ni DJ ng mauupuan ay hindi muna kami nagsalita. Katahimikan muna ang namayani bago niya napagdesisyunang basagin ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

"Juls. Please let me know the truth. Masyado na akong naguguluhan sa mga sinasabi mo. Linawin mo na kung ano man ang hindi ko alam sa mga nangyari noon. Kung ano man ang tinago niyo sa akin sa loob ng 2 taon." Nakatingin lamang si DJ ng diretso. Ni ayaw niyang tumingin sa akin. 

"Yung mga nakita at sinabi sayo ni Kath nung iniwan ka.....Lahat ng yun hindi totoo...Dahil ang totoong dahilan ni Kath ay nagkaroon siya ng sakit."

Bahagyang natigilan si DJ at agad na napalingon sa akin.

"Juls. Look I dont have-"

Pinutol ko na agad kung ano man ang nais niyang sabihn. Dahil for sure, kung ano ano na naman ang sasabihin niya sa akin at halatang hindi niya kayang paniwalaan ang mga sinasabi ko sa kanya ngayon. Hindi  ko rin naman kasi siya masisi dahil 2 years ago, sobrang sigla ni Kath, hindi mo masasabi na may sakit pala  siya noon kaya hindi ko  rin nahalata na may sakit nga siya. Pero hindi pa rin yun tamang dahilan para sabihan ni DJ kung ano man ang nais niyang sabihin sa akin ngayon patungkol kay Kath.

Sa totoo lang, walang balak sabihin ni Kath ang tungkol sa sakit niya pero sadyang may nangyari lang kaya naman nalaman namin ng barkada maliban kay DJ.

Ipinagpatuloy ko yung kwento kung ano nangyari last 2 years ago.

F L A S H B A C K.

"O.M.G Kath. Malapit na ang 1st anniversary niyo ni DJ. So what's your plan?" Excited na tanong ko.

"Wala." walang ganang sagot ni Kath habang gumagawa ng assignments namin.

"Anong wala?" Takang tanong ni Kiray.

"Wala. As in walang celebration. Hindi naman na kailangan icelebrate yun eh." sagot ni Kath ng hindi tumitingin sa amin.

"Nagaway ba kayo ni DJ?" tanong naman ni Yen.

"No." mabilis na sagot ni Kath.

"Tampuhan?" tanong ko.

Kami nila Yen, Kiray at Kath ang nandito sa bahay nila Kath. Yung mga boys, ayun nagbabasketball. Sinasamahan lang namin si Kath dahil wala siyang kasama dito. Yung parents kasi niya eh nasa ibang bansa dahil sa business.

The Hottest Star Of The GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon