Chaptet 14

1.5K 25 7
                                    

What's up? Haha. Ngayon lang nakapag update dahil kung gaano kayo kasipag mag vote and comment ganun din naman ako kasipag mag update. So, ito na.

============================================================

Chapter 14

Gaile's POV

Oh my gosh!!! Tell me, hindi naman ito totoo diba??? Waaah. Panaginip ba ito? Kasi kung oo. Sana naman magising na ako.

"Ouch!!" mahinang reklamo ni Nica

"Bakit ka ba nangungurot?" dugtong niya.

"Eh kasi akala ko nanaginip ako eh." sabi ko.

"Eh bakit hindi na lang sarili mo ang kurutin mo? Bakit kailangan pa ako yung kurutin mo?" inis na tanong niya.

"Ayaw ko nga. Baka mamaya magkapeklat pa ako eh"

"Ewan ko sa iyo" sabi niya.

Binaling na ulet namin ang tingin namin kila Julia Montes at Daniel Padilla na magkayakap.

Nagkatinginan kami ulet ni Nica.

"Magkakilala ba sila?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam."sabi ko

Tumingin ako ulet kila DJ and Julia. Nagbitaw na sila ng yakap kaya agad kaming tumakbo ni Nica sa kainan dito sa hotel.

"Oh. Anong nangyari sa inyo? Bakit kayo tumatakbo?" tanong ni Kath.

"Ah? Eh? Ano kasi eh. Ahm. Nagpapapayat ako. Oo. Tama. Nagpapapayat ako. Hehe" palusot ko

"Eh bakit pati si Nica tumatakbo?Eh ang payat na nga nyan?" sabi ni Bianca.

"Eh sa gusto ko eh. Mind your own bussiness." palusto niya rin.

"Whatever"

"Ahm wait. Where are Julia and Daniel?" biglang singit sa amin ni Mr. M

"Ah eh. Hindi po kasi namin sila nakita eh." I lied.

"Oh ayan na pala sila eh."

Lumingon kaming lahat sa kanilang dalawa.

"Maupo na kayo and let's eat." sabi ni Mr. M kaya umupo na rin kami.

And seriously? Pinaghila pa ng upuan ni DJ si Julia Montes ha? WOW. Ang gentleman mo brad. HIndi naman sa bitter ako pero bakit parang ang bait naman ata ni DJ kay Julia pero pagdating kay Kath hindi? Ano bang meron sa kanilang dalawa na hindi namin alam? Namimili lang ba siya ng pakikisamahan niya? Kung ganun ang unfair naman ata nun right?

Nag-uusap kami nila Bianca, Caryl and Nica habang kumakain. And si Julia? Kausap lang naman niya ang LAHAT ng artista na kasama namin ngayon. Minsan sumasali sa usapan nila si Mr. M. 

Si Kath lang ang namumukod tanging tahimik. Kung tatanungin naman namin siya isa o dalawa lang na salita ang lumalabas sa bibig niya.

Naawa na  nga ako kay Kath eh. For sure iniisip pa rin niya yung nangyari sa Airport. Ikaw ba naman, sigawan ng IDOL mo? At ito namang BFF niya parang walang paki alam sa kanya. Basta makausap lang niya ang artista eh okay lang kahit hindi na niya pansinin itong si Kath. Hayy. Hindi talaga ako sanay na malungkot si Kath. Lagi kasi yang nakangiti kahit wala namang dahilan.

Hanggang sa natapos na kaming kumain, andito na rin kami sa lobby paakyat ng room namin pero wala pa ring imik si Kath.

"Bago ko makalimutan,pwede pala kayong mamasyal bukas but before 4PM dapat andito na kayo dahil may rehearsal pa kayo." sabi ni Mr. M

The Hottest Star Of The GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon