Chapter 21

1.3K 32 4
                                    

Hello guys!!!. Sabi ko naman sa inyo kapag hindi umabot ng 20 votes and 20 comments yung last chapter ay ngayong year na lang ako maga-update. Hihi. Tsaka salamat sa mga new readers dyan and sa mga new followers ko. Natuwa naman ako dahil kahit papaano, nakakita ako ng mga readers na mga silent readers. Sana maglabasan na kayong LAHAT dyan. HAHA. Maikli nga lang pala itong UD kaya pagpasensyahan niyo na ^___^V

Anyways, sa mga nagagalit kay DJ sa story, chill lang kayo ah? Bago matapos ang authors note ko babatiin ko muna kayo ng HAPPY NEW YEAR.  I love you guys. Tsaka add niyo nga po pala ako sa facebook ko. Just click the external link -----------------------> CHAT niyo ako ah? Thank you :*

=====================================================================

Chapter 21

Julia's POV

"Inoperahan siya nun kinabukasan. Pero bago siya inoperahan, nanuod muna siya ng balita. At alam mo kung anong balita yun? Yun yung pumirma ka na ng kontrata. Yun yung araw na nagsimula lahat ng pangarap mo. Siya mismo ang pumili ng araw na ooperahan siya Dahil bago siya operahan gusto niyang makita kung paano nagsimula na makamit mo ang pangarap mo."

Huminga muna ako ng malalim bago ipagpatuloy ang nangyari last 2 years ago.

"After niyang napanuod yung balita, pinasok na siya sa operationg room. Almost 8 hours siyang inoperahan nun. Hindi kami mapakali sa mga oras na yun. Sobra kaming nagaalala sa kung ano mang posibleng maging kalabasan ng operasyon na yun. Ang sakit sakit sa puso kasi habang inooperahan nun si Kath, ang tanging magagawa lang namin ng mga oras na yun ay yung magdasal para sa kanya. After naming magdala, hindi na namin alam ang gagawin namin. HIndi na kami makapagsalita at makakain dahil andun pa rin yung 'what ifs'. What if hindi na namin makita yung ngiti niya. What if hindi na namin marinig yung tawa niya. What if sumuko siya What if hindi niya nakayanan. What if mawalan kami ng isang totoong kaibigan na kagaya niya. What if mawalan kami ng nag-iisang Kathryn Chandria Manuel Bernardo sa buhay namin. Kasi para sa amin, maging kaibigan mo lang siya, napaka swerte mo ng tao.....

...Napakaswerte kasi siya yung kaibigan na andyan lagi sa tabi mo sa oras na kailangan na kailngan mo  siya, andyan sa tabi mo sa araw na napaka importante sa iyo. Siya yung kaibigan na handang makinig at maging adviser mo. Siya yung kabigan na napaka protective na kung umasta parang nanay mo na. Siya yung kabigan na pahahalagahan ka niya na parang kapatid ka na niya. Siya yung kaibigan na rerespetuhin ka niya..sa mga decisions at gusto mong gawin. Siya yung kabigan na masarap kasama. Siya yung kaibigan na kayang magsakripisyo para sa kaligayahan mo. Kaya ang SOBRANG hirap na mawala sa buhay mo ang nag-iisang KATHRYN BERNARDO...

...After niyang operahan nun, inilipat muna siya sa recovery room. Nabunutan kami ng tinik sa mga oras na yun. Kahit papaano nakahinga kami ng maluwag. Kahit paano nakakain na kami. After 3 hours inilipat na siya sa private room. Umuwi kami nung nalipat na siya at nagpahinga ng konti. Kinabukasan bumalik din kami agad, tulog pa rin siya nun simula nung operasyon niya. Naghintay muna kami ng ilang sandali at nagising siya. At alam mo ba ang masakit nun mga panahon na yun?

Kahit ano wala siyang maalala. Hindi niya kami maalala. Hindi kami malala kahit isa sa amin even her own family. Gusto naming umiyak pero pinakita namin sa kanyang okay lang kahit hindi niya kami maalala. Na gagawa na lang kami ng  panibagong memories na mas magaganda. Even how to walk, to eat, to write and to read nakalimutan niya. Para siyang bumalik sa pagkabata nun. Her family and I never left her side. Inalagaan namin siya nun at tinuruan. Good thing at sa loob ng 5 months ay natuto agad siya sa lahat ng tinuro namin. Ang barkada, hindi nagpakita or nagparamdam sa kanya after niyang magising. Si Tita Min ang nagdecision nun for Kath's sake. Kaya kahit na mahirap para sa barkada na gawin yun, ginawa at naintindihan nila ang desisyon na yun. Lumipat din sila ng bahay. Tinago nila lahat ng mga pwedeng magpaalala sa kanya sa nakaraan niya. Kahit yung mga gift and pictures niyong dalawa? Tinago nila yun.

The Hottest Star Of The GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon