Chapter 16

1.6K 28 9
                                    

Hello. Hello. Hello. UD again? HAHA. Pinagbigay ko si CARYL.😝

THANK YOU SA LAHAT NG NAGCOMMENT LALONG LALO NA SA MGA SILENT READER DYAN. SA WAKAS NAPALABAS KO RIN KAYO. HAHAHA

Ito na guys.

==============================================================================

Chapter 16

Bianca's POV

Shopping pa rin kami ng shopping hanggang sa nakaramdam na kami ng pagkalam ng tyan namin. Kaya nagdecide kami na kumain sa isang Italian Resturant dito sa Mall. Sagot naman na daw ng ABS-CBN ang mga gastos namin dito kasama na yung pagkain dun. MALIBAN na lang sa mga gusto naming bilhin na personal things.

Alam niyo bang pinanindigan ni DJ yung pagbibitbit ng LAHAT ng bibilhin ni Kath? HAHA. Ang sweet nga nilang dalawa eh. Dapat nga bibitbitin din ni DJ yung mga bibilhin naming apat eh pero tumanggi na lang kami. Wanna know why?

Well dahil gusto naming makita kung ano ang magiging reaksyon ni Julia Montes. Dahil hindi kami titigil na malaman ang katotohanan. Katotohanan na inililihim sa amin ni Julia M.

HIndi naman kami nabigo dahil mukha na siyang natataranta. Lalo na't itong si DJ eh dikit ng dikit kay Kath. Lagi kasing binabantayan ni DJ ang bawat bibilhin ni Kath. Hindi hinahayaan ni DJ na may magbuhat ng bibilhin ni Kath ng iba. I mean, si Enrique. You know.

"Ano order niyo guys?" tanong ni Khalil

"Lasagna" sabay na sabi ni Kath and DJ. Nagkatinginan sila pero agad din nila itong binawi.

WOAH! Ang pagkakaalam ko kasi favorite ni Kath ang lasagna noon pa. Marunong nga daw siya magluto nun pero hindi pa namin natitikman yung luto niyang yun. At syempre dahil fan ako ni DJ alam ko ring  favorite niya ang lasagna. Yun kasi ang sabi niya sa 'Princess And I Plus' eh. May nagluto daw kasi para sa kanya nyan. Kaya simula nun naging favorite na niya yun. Hindi na niya sinabi kung sino. Basta SECRET na lang daw. At dagdag niya, yung lasagna na yun ay may FOUR different cheese ang nakalagay dun.

Ang MEANT to be talaga ng dalawang ito. Ewan ko ba. Kinikilig nga ako sa kanila eh. Ang lakas ng chemistry eh. Ah basta from now on, KATHNIEL na ako. BWAHAHAHAHA. Pwede namang magkatuluyan ang isang fan sa kanilang iniidolo right? Kung sino man ang tutol sa KATHNIEL mamatay ako sa sindak ni Julia Montes. HAHA. Joke lang.

So yun, ang napili kong kainin ay Baked Mac at pizza naman para sa lahat. Habang kumakain kami, kwentuhan at tawanan lang kami ng tawanan. Grabe nga eh. Hindi ko akalaing magiging close naming mga ordinary fan ang artistang kagaya nila lalong lalo na ang nag-iisang DANIEL PADILLA. Hello?! artista kaya sila

After naming kumain, nagshopping na kami ulet. Nung nakabili na kami ulet at nabayaran na namin yun, kiinuha na namin ang paper bag. Huling nakuha ni Kath yung kanya.

"Kath, akin na yang paper bag."  sino pa ba ang nagsabi nun? Edi ang dakilang tagabitbit ni Kath na si DJ. Sosyal ni Kath noh? Si DJ pa yung naging tagabitbit ng pinamili niya. Inggit much ako.

"Ahh. Hindi na. Ako na lang. Ang dami mo ng dala eh. Look, yung mga pinamili ko plus yung mga pinamili mo yang bitbit mo. Kaya ako na lang. Isa lang naman ito." pagtatanggi ni Kath.

Totoo naman kasi. Masyado na siyang maraming bitbit. I think mga 20 paper bags na ang hawak niya. Mukha na nga siyang nahihirapan eh

Kaya nga lang baka kuhain rin ni Enrique yung nag-iisang paperbag na hawak ni Kath. Onti lang naman kasi yung pinamili ni Enrique eh.  

"Sabi ng akin na yan eh." sabi ni DJ na biglang nag black aura. Gosh. Katakot. Ngayon ko lang siya nakita ng ganyan. Parang mangangain ng tao eh. TT_____TT

"Sabi ko nga ikaw na magdadala." sabi ni Kath sabay abot ng paper bag kay DJ.

"Tss. Ibibigay rin pala eh. Ang dami pang arte." Sino ba naman kasi ang hindi susunod sa kanya eh yung aura niya nakakatakot. Buti na lang bumalik na agad yung aura. 

After makuha ni DJ yung paperbag kay Kath, nauna na siya sa aming maglakad.

Mga 10 minutes na rin kaming naglalakad nang biglang sumabay sa paglalakad ni Kath itong si Enrique. Palibhasa eh nauna si DJ sa amin kaya ang lakas ng loob sabayan si Kath.

"Ayan. Nakangiti ka na rin ngayon. Mas lalo kang gumanda beacause of that smile." tuwang tuwa na sabi ni Enrique

"Bolero. Tsaka stress releiver din kasi itong pagsha-shopping eh." nakangiting sabi ni Kath.

"Mga babae talaga patay gutom sa pagsha-shopping." biro ni Enrique.

"Ang sama mo." sabi ni Kath sabay pout.

"HAHA. Ang cute cute mo." sabi ni Enrique habang kinukurot ang kaliwang pisnge ni Kath.

Infairness bagay rin sila. Pero KATHNIEL pa rin ako noh. Loyal ito men.

Biglang lumingon si DJ pero hindi  pa rin yun napapansin nila Kath and Enrique. Tinanggal na ni Enrique ang pagkakakurot niya sa pisnge ni Kath. Pero hindi pa rin nila pansin na nakatingin si DJ sa kanila.

WAAAAH. Is he jealous? 

"Ouch!" reklamo ni Kath at hindi pa rin natigil sa pag pout niya.

"Bakit ba ang bagal mong maglakad Kathryn. Tsaka wag ka ngang magpout dyan, hindi bagay sa iyo." inis na sabi ni DJ

"Deejay."  suway ni Julia Montes.

Agad namang naglakad si Kath ng mabilis papunta kay DJ.

"Kumapit ka lang ng mabuti sa braso ko. Wag na wag mong tatanggalin yan kundi, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa iyo." banta ni DJ kay Kath.

Agad namang kumapit si Kath sa braso ni DJ at lumakad na silang dalawa palayo. Wow. Sa itsura nila ngayon eh mukha silang mag boyfriend/girlfriend. Ehhh. So sweet. 

*____*

Hindi na tinanggal ni Kath yung pagkakapit niya sa braso ni DJ hanggang sa natapos na kaming magshopping.

3PM na nung napagpasyahan naming pumunta sa pagre-rehearsan nila DJ. Sumabay na lang kami sa kanila dahil pagod na rin kami mag shopping. Pinanuod na lang namin sila magpractice. Hanggang sa natapos yun at bumalik na kami sa hotel namin.

Pagdating namin dun ay kumain na agad kami at naghanda para matulog.

Julia's POV

Bago ako matulog, napagpasyahan ko munang tawagan si Neil.

Calling Neil...

"Hello?"

"Ui Neil."

"Oh? Napatawag ka?''

"We have a problem." agad kong sabi sa kanya.

"Ano naman yun?"

"Nagdududa na sa akin yung mga kaibigan ni Kath. At tsaka si DJ and Kath masyado na ulet silang nagkakalapit sa isa't isa. HIndi ko na alam ang gagawin ko."

"*SIGH* Juls. You know what? Wala na rin naman na tayong magagawa dyan eh. Malalaman at malalaman rin nila ang totoo especially DJ. Juls. Walang lihim na hindi nabubunyag. Kaya kung malaman man nila ang katotohanan, wala na tayong magagawa dun okay?"

"But Neil--"

"No buts Juls. 2 years na yun. I think, this is the right time para malaman ni DJ ang katotohanan. HIndi naman natin matatago ito habang buhay eh. Sige na Juls. Kulang pa rin ako sa tulog. Bye."

toot tooot.

Aissh. Napahiga na lang ako sa kama ko at nakatingala sa kisame ng hotel.

Iniisip ko lang naman si Kath eh. Iniisip ko rinn kung ano ang magiging reaksyon ni DJ kung malaman niya ang totoo. Lalong lalo na si Kath. Sigurado akongmahihirapan, maguguluhan at masasaktan siya kung sakaling malaman niya ang totoo, kung ipapaalala pa namin yun sa kanya.

Hindi ko yata kayang makitang umiiyak si Kath ulet. Tama na yun. Tama na yung hirap na naranasan niya nun. She doesn't deserves this. Mabait na tao naman si Kath. Ayoko na. Hindi ko kayang makitang ganun si Kath.

The Hottest Star Of The GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon