MakataPH's Chain Poetry

431 25 0
                                    


Yakap sa Wikang Pambansa

By: MakataPH

Wikang pambansa na Filipino

Tatak sa pagkatao ng isang Pilipino

Ngunit bakit ngayon ay nag kakaganito

Unti unti ang pagkamatay nito.

Wikang Filipinong pag-aari natin

Dapat ito'y bungkalin at pagyamanin

Ngunit sa pagdaan ng mga panahon

Wika ngayo'y unti-unting pinapatay at binabago.

Pilipinas na kay yaman sa diyalekto

Bawat lalawigan, pinag mamalaki ito

Ibang lengwahe ay hindi tinatanggihan

Wikang pambansa lang sana'y wag kalimutan.

Mga taong nakikibagay sa panahon

Na siyang dahilan ng pagbabago ngayon

Laging tandaan ikaw ay Pilipino!

At nararapat lamang na ipagtanggol at ipagmalaki ang Wikang Filipino.

The Wattpad Filipino Block Party 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon