Wattpad Original
This is the last free part

Chapter 6

112K 4.4K 2.4K
                                    

Chapter 6


"Let's go! Come on! Come on!" Tanya was screaming demandingly as we went inside the so-called hideout in the basement of the shop. "Fire na!"

Ginala ko ang tingin, maayos ang lugar. Iyon lang ay foggy dahil sa usok na hindi ko alam kung saan nagmumula. Iba't ibang amoy ang magkakahalo roon kaya batid kong sa flavored juices ng vape. Napansin ko agad ang kumpletong band instruments sa kaliwang side ng silid; natuwa ako sa mga iyon.

"Wala namang alak, Anya! Let's go, let's go ka pa riyan!" Chandler said while playing a video game with Aladdin.

"Bakit, kumpleto ba? Wala nga si Kees!"

"Hindi talaga siya kasama ngayon. Busy raw sa business training!"

"Business training? Ang alam ko dentistry ang tinapos n'on, ah!" Halakhak ni Tanya. "Ano ba 'yan, hindi pala siya makakatikim ng libre ko!"

Dentistry pala ang tinapos ni Kees? That's my second program option when I was in high school. Iyong Mommy ko kasi ay nakapag-aral din ng dentistry, hindi nga lang natapos dahil nabuntis ni Daddy. Iyon at pagiging chef lang naman ang dalawang kursong gusto kong tahakin. Kalauanan akong napunta sa culinary dahil mas nagustuhan ko ang pagluluto lalo pa't iyon ang libangan namin nina Mommy noong nabubuhay pa siya. She's also a good chef of our family.

"Bakit, 'di ba puwede? Business training sa company nila?"

"Ano naman company nila, e, manufacturer ng semento?"

"Oo, COO na agad 'yon. Baka akala mo magsisimulang trabahante at taga-halo ng semento?" ani Aladdin.

Nagtawanan sila. Bumusangot si Tanya at naupo. Sumunod ako roon at binati agad ako ni Tanner na abala sa pag-aayos ng kanyang acoustic guitar sa sofa. Kulay abo iyon na may ilang anime stickers sa paligid; it's cute!

Nginitian ko siya at nag-iwas naman siya ng tingin pero naiwan ang ngiti sa labi.

Ginala ko ang tingin sa silid. Air-con ang kabuoan, studio type na may tig-isang pares ng mahaba at single type couches. The floor was carpeted and the wall has paintings and vandals. May malaking vandal sa pinakasentro na Epicenter. Sa paligid ng band's name ay buong mga pangalan ng miyembro na ngayon ko lang din nalaman—Kees Wycliffe Zhang, Tanner Voight Guidotti, Chandler Ajax Quesada, Hesperus Wolfe Delacerde, at Elkin Riesly Arriaga na may kanya-kanya pang pirma sa itaas ng bawat isa. Parang pinaglaruan lang ang pader ng silid pero nagmukhang artistic doodle.

I could imagine how playful they were while doing this wall with laughter. Kapag nakikita ko kasi sila ay hindi ko maiwasang isipin na madalas silang magkulitan. Si Kees lang yata ang tahimik sa kanila, e. I can now precisely see the passion around.

"Nandiyan pala si Dacia!" Binati ako nina Aladdin at Chandler.

"Hi, Dash!"

I waved my hand a bit, and smiled at them.

"Musta? Balita ko start na rin ng class mo sa August, a?"

Tumango ako.

"Yes, kaka-enroll ko lang noong nakaraang araw."

"And you also applied for a part-time job?" Tanner asked. From his guitar, he looked up to see me.

Sigurado namang maririnig nila ang tungkol doon dahil iisang squad lang sila ni Tanya. Madaldal pa naman si Tanya.

I nodded again. "Yup, for extra income rin."

"Great."

"Taga-Cagayan ka talaga, 'di ba? So naroon parents mo?" Aladdin asked, still busy playing video games with Chandler.

icon lock

Show your support for tenten, and continue reading this story

by tenten
@cinnderella
After getting hurt by the people around her, aspiring chef Dacia Holg...
Unlock a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 41 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @cinnderella.
Epicenter Tape #1: Eleventh HourWhere stories live. Discover now