Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 1

154K 5.4K 2.4K
                                    

Chapter 1

"So, as I was saying..." I trailed off and looked at Tanya who's busy biting on her pizza.

Nahihiya akong magsabi agad, baka mabigla ko siya kaso bakit nga ba ako nagpunta rito? Para kumbinsihin siya. I should go to the main reason why I was here now.

"Uh-huh?"

I sighed. "Ate Den left the country for work. Alam mo naman na bago lang ako rito at hindi sanay mag-isa sa unit."

"Takot ka sa multo, yes." Tumango siya at natawa. "And?"

Kinagat ko ng ibabang labi dahil sa hiya. Hindi ko talaga alam kung paano mag-uumpisa sa pangungumbinsi. Mukha kasing payapa na siyang namumuhay independently.

Bahagya kong nilingon ang paligid namin. Abala na ang band members sa kanilang rehearsal na tila normal jamming lang. Tanner was singing while sitting on the beatbox, si Kees naman ay tahimik lamang na nakikinig sa tono at nakapikit ang mga mata. Si Chandler, tawa nang tawa sa hindi ko malamang dahilan.

Tanner got a voice, too. Or so I thought...

"Per, tumono ka naman!" sigaw ni Tanner habang tumatawa.

"Your voice is the one out of tune, not my hits!" nakairap na ganti ni Hesperus habang pumapalo sa drum set.

Humagalpak sila sa tawa. Nakumpirma kong iyon ang kanilang pinagtatawanan dahil sa malakas na pagsabog ng kanilang tawa.

"Sana sinabi mo, para 'di na umasa pang nasa tono ang boses ni Tanner!" pakantang sinabi ni Chandler sa tono ng isang usong kanta.

Mas lalo silang nagtawanan. Nangunot ang noo ko. Maganda naman kasi ang boses ni Tanner at hindi ko akalain na uulanin pa iyon ng lait.

Paano pa kaya kung ako ang kumanta? I quivered at the thought of my singing voice in the middle of these band members! Nakakatakot! Nakakakilabot talaga!

"You're just for instrumental use, really!" humahalakhak na sabi ni Eris habang nagsa-strum ng gitara at nakatayo sa likuran ng mic stand.

He looked good in that view. The strap of his guitar was hanging down on his muscular shoulder, and when he noticed the fall, he swiftly put it back on his broad shoulder for a better position of his instrument. Muli niyang inangat ang gitara at ini-strum ito.

Okay, that position really suited him well. I mean, holding an instrument gave him more appeal.

Narinig ko ang hagikgik ni Tanya nang hawiin ni Eris ang kanyang buhok pataas at agad din iyong bumagsak mula sa sentro dahil sa kalambutan. Huminto si Eris sa pagigitara; kinagat niya ang guitar pick at yumuko habang dala pa rin ang gitara para kunin ang isang goma sa lapag. Sinundan ko ng tingin ang kanyang gagawin lalo dahil sa kuryosidad. Muli siyang tumuwid at saka sinikop ang kanyang buhok pataas upang itali. My lips parted a bit while watching him doing that like it was a normal thing for him to do when his hair's falling and it made him look unique. Nakatawa siya dahil sa pang-aasar ng iba kay Tanner.

"Mahiya ka naman, Ner! Pangit na ng boses mo, wala pa sa tono! Akala ko ba may didiskartehan ka na?" humahalakhak na panloloko ni Chandler.

"O bakit, magaling naman ako sa instruments! Ang masama kung walang talent!" ani Tanner. He bit his bottom lip and put the bass guitar on his lap. His eyes suddenly glanced at my side.

Uminit ang pisngi ko nang mapansin din ang mapanuksong hiyawan ng mga kaibigan niya. I quickly met Eris' curious eyes. Nang magkasalubong ang tingin namin ay napangisi siya at pailing na umiwas ng tingin para sa gitara niya na tila iyon ang sentro ng kanyang atensyon. Napanguso ako at iniwas na rin ang tingin sa kanila, kahit pa halata ko na sa akin tinutukso si Tanner.

Epicenter Tape #1: Eleventh HourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon