Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter 4

107K 5.5K 4.1K
                                    

Chapter 4


Tahimik akong nakikinig sa usapan ng mga kasama habang sinasalubong ng palakpak ang papalapit na sina Tanner, Kees, at Chandler.

"Ang guwapo mo, Kees!" agad na bati ni Tanya, tila ngayon lang iyon sinabi pero kanina pa talaga siya puro puri kay Kees.

Kees nodded and smiled curtly. "You've been telling that for years, Tanya."

Nagtawanan sila,. Madaling tumayo si Tanya para kapitan sa braso si Kees at hampasin sa pabirong paraan.

"Alam mo namang crush talaga kita—"

Hinila ni Tanner ang kapatid para paupuin ulit sa tabi ko.

"Okay, okay... enough now, baka kung saan ka na naman mahawak."

Kees laughed a bit at that remark. Bumusangot si Tanya at pabulong-bulong. Natawa na lang ako.

Baliw talaga 'to, masyadong open sa nararamdaman niya. Hmm, there's nothing wrong with it but I'd never do that kind of thing in front of the man I'm admiring because I know my level. I'm a woman.

Don't get me wrong. I was not belittling those girls who are so open like this but I just didn't feel like seeing girls confessing to boys first.

I'm really a judgmental person but never with my friends. I don't know why I'm being too loud judging people in my head because of their image. Mahilig akong magtimbang kung magugustuhan ko ba ang isang tao na maging kaibigan o hindi, sa una pa lang. Ayaw ko kasing madismaya sa huli kaya pinipili ko na lang asahan sa negatibong paraan kahit hindi naman sigurado kung totoo.

"KJ talaga kapatid ko, epal pa," bulong ni Tanya.

I chuckled then I softly tapped her thigh. "Chill, Tanny."

"Ih, ang sarap kayang hawakan ng guns ni Kees. Kala mo ba," aniya sabay sulyap kay Kees na abala ngayong kausap ang mga kaibigan. "Mabait pa, sobra. Hindi talaga ako nagkamali ng lalaking hahangaan. Ilang taon na akong baliw sa kanya pero hanggang ngayon, 'di pa rin kami close."

"Mukhang tahimik lang kasi talaga siya, prim and proper type," mahina kong sambit at sumulyap din kay Kees.

Hindi naman siya nagsisinungaling. Talagang guwapo si Kees at mukhang edukado kumpara sa ibang lalaking nakikita ko sa paligid. He looked so prim and proper in a manly way, palagi pang tahimik at focused sa gawain niya bilang leader ng kanilang banda. Siya rin iyong parating naka-formal clothes, button down shirts, and jeans. Isang araw ko pa lang naman siyang nakakasama pero kita ko na agad kung gaano siya kaayos na lalaki.

"Oo nga, e. Hirap lapitan niyan noon, parang palagi kang i-snob-in. Buti nga ngayon, medyo light na siya kasama."

Tanya is beautiful and sexy, hindi lang siguro talaga babaero si Kees kaya kahit may magandang nagkakagusto ay hindi tine-take advantage iyon. Plus the fact na si Tanya pa ang lumalapit at umaamin, parang wala lang kay Kees iyon. Kung ako siguro si Tanya, medyo masasaktan ang ego ko roon.

Tumango ako, hindi na sumagot doon at sumimsim na lang sa aking inumin. Hindi ako palainom ng kahit anong alak, pangalawang beses ko pa lang itong pag-inom ng beer. Bago umalis si Ate Den, pinilit niya akong uminom para naman daw matikman ko at hindi ako ignorante sa ganitong bagay. Hindi masamang uminom, huwag lang sosobra. Balita ko kasi ay nakakabaliw ang alak, may umiiyak at nag-aamok kapag lasing na.

"Isang bucket pa, kaso wala bang bucket of hard?" Simon asked.

"Kumuha ka!" ani Aladdin.

"Beer lang sina Dacia at Tanya, siyempre. Makulit 'yan 'pag natatamaan ng hard," Tanner reminded.

Epicenter Tape #1: Eleventh HourWhere stories live. Discover now