Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter 2

140K 4.9K 3.9K
                                    

Chapter 2

Hindi pa rin ako mapakali sa nalaman tungkol kay Eris. Hindi ko nga alam kung bakit ako dismayado gayong hindi naman kami magkaibigan at magkakilala nang matagal.

Hindi ko lang siguro lubos akalain na nagawa niyang ipagpalit ang pag-aaral sa pagbabanda lamang. I don't think being a band member will make him money for a lifetime. Hindi sa minamaliit ko ang pagbabanda pero hindi naman sila iyong tipo ng banda gaya ng mga sobrang sikat at nakakapag-concert around the world na may milyong fans para magbayad.

Panay ang kuwento ni Tanya tungkol sa mga kaibigan habang naghihintay kami sa oras ng gig. Puwede pa nga akong makatulog dahil mamaya pa namang alas otso ng gabi ang simula n'on. Dadaanan daw kami ni Kees dito dahil malapit lang din ang apartment niya sa lugar.

So, Kees was the richest member or I must say-the blessed kid. Based on Tanya's story, talagang mayaman ang pamilyang Zhang at kilalang may-ari ng karamihan sa Chinese cuisine sa Pilipinas ngayon. Doon pa lang ay alam kong hindi na biro iyon. Magkaroon pa nga lang ng isang restaurant ay pangkabuhayan na. Chef kasi si Daddy; pangarap niyang magkaroon ng kahit isang restaurant noon dahil sure win daw sa pangkabuhayan.

Ngayon, bahala na siya. I quickly erased him in my thoughts because my heart was already aching. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa pagproseso at pakikinig sa kuwento ni Tanya.

"Hindi naman kami gaanong mayaman kaya masasabi kong nasa sentro lang, fair share. Hindi rin mayaman iyong mama ni Kuya at may ibang asawa na kaya si Kuya, nagsusumikap lang din mag-isa. Normal life."

Tumango ako at ngumiti. Robbie crooned on my stomach. Inaantok na siya roon dahil hinahaplos ko ang balahibo niyang makapal.

Chandler and Tanner, who is Tanya's brother, were in the middle lifestyle, normal at tipikal na buhay. Kalaunang napunta iyon kina Hesperus at Eris, ang dalawang rebelde sa kanilang marangyang pamilya; pinipiling mamuhay sa pamamagitan ng kanilang sariling diskarte. Nakakatuwa na ganoon sila ka-independent pero tuwing maiisip ang tungkol sa pag-aaral na nakakasira sa pagbabanda ay siya ring panlulumo ko para sa pagkakataon. Iyong ibang tao kasi na gustong mag-aral ay walang pampaaral at heto namang may pagkakataon ay nagsasayang.

"Kahit bulakbol 'yon si Eris sa eskuwela, matalino at madiskarte 'yon! Ganoon din si Hesper! Kaibahan lang, si Hesper nag-aaral na habang si Eris, tamad pagdating sa usapang edukasyon," natatawa at naiiling niyang sinabi.

I sighed. "Pero importante pa rin ang edukasyon, e. Saka, siguradong nasayang ang pinaghirapan ng mga magulang niya para mapag-aral siya tapos pinagpalit niya lang sa banda."

I knew I was not on the right stand to judge him already but hearing how education ruined his band career really bothered me. Baka baliktad iyon, nakakasira sa pag-aaral ang pagbabanda niya dahil mas minamahal niya iyon gayong musika lang naman ang nakapaloob doon. Education was wholesome, may music din at iba pa na magagamit sa bagay-bagay na hindi natin alam.

She gasped at my remark. I didn't know which part she got offended. Namimilog ang mga mata niya, mukhang dismayado at kabado.

"Naku! H'wag mong sasabihin 'yan sa harapan nila, a?"

Nangunot ang noo ko.

"What?"

"Na nila-lang mo ang pagbabanda! Jusmiyo, grade school pa lang, 'yan na ang pangarap ng mga iyon at hindi na mawawala sa kanila ang pagmamahal at dedikasyon doon."

Nagkibit-balikat ako. Hindi ko naman siguro sasabihin iyon sa harapan nila. Siyempre, mahihiya ako lalo pa't halata naman ang kagustuhan nila sa ginagawa. Ayaw kong ma-offend sila; kay Tanya ko lang nasasabi iyon dahil bothering para sa akin. Ayaw ko mang aminin pero nasasayangan talaga ako sa mga taong may pagkakataong mag-aral pero pinipili pa ring maging tamad.

Epicenter Tape #1: Eleventh HourWhere stories live. Discover now