One moment

265 7 7
                                    

Story posted: December 8, 2014

Her

"Kookie babes! Sandali lang!" sigaw ko sa hallway habang tumatakbo papalapit kay Kookie babes ko. Wapakels kung bawal sumigaw maabutan ko lang si babes atsaka uwian na naman na. 

Kinapitan ko siya sa braso ng maabutan ko siya saka ngumiti ng parang commercial model ng lahat ng toothpaste. Ngumiwi naman siya bago tinggal ang kamay ko na para akong may sakit. Nasaktan ako pero hindi ako nagpaapekto. Sa tatlong taon na ganito ang turing sakin ni Kookie babes namanhid na ata ako. Tinago ko ang nararamdaman ko sa isang ngiti.

"Kookie babes, daan muna tayo doon sa isang coffee shop na sinasabi nila. Masarap daw ang waffle doon eh. Sige na, please?" nakangiting nagpapacute ako sakanya habang nagp-puppy eyes. Poker face parin siya at nagpatuloy ng paglalakad. Sabi sa inyo eh. Mamanhid talaga kayo sa sobrang lamig niya. Pasalamat siya mahal ko siya kung hindi pinasok ko na siya sa oven!

"Waitlalu langs my Kookie babes!" habol ko naman. Ako naman lagi ang naghahabol kaya wala ng mawawala sakin. 

"Sa tingin mo ba dadating ang panahon na mamahalin mo rin ako?" seryoso kong tanong. Kinakabahan ako ng tinanong ko ito pero mas maigi ng marinig ko ang sagot. Napatigil siya sa paghigop niya sa kape niya at seryosong napatingin sakin. Nandito kasi kami sa coffee shop. Hinatak ko kasi talaga siya para lang pumunta dito kaya wala na siyang nagawa. 

"Hindi." sabay tayo at labas ng coffee shop. Ouch. Akala ko immune na ako kasi all this time alam ko naman iyon pero masakit parin pala talaga. Ganoon ba ako kapanget sa paningin niya? Nakangiting pinunsan ko ang luha ko saka binayaran lahat ng kinuha namin. Ako naman ang may kasalanan kung bakit ako umiiyak ngayon. Tatanong-tanong pa kasi ako. Hindi pa ba halata sa mga galaw niya? Ganoon na ba ako kasadista? Pero alam ko naman eh. Umasa lang ako na baka iba na. Ang sakit pala talaga kung manggagaling mismo sa bibig niya.

Lumabas ako ng coffee shop saka siya hinabol. Oo, alam kong ang tanga, ang bobo pero kapag nagmamahal ka hindi mo na iisipin kung ano ka man. Ang mahalaga sa'yo ay makasama ang taong minamahal mo dahil nasasaktan ka man siya lang ang nag-iisang dahilan para malaman mo ang tunay na halaga ng kaligayahan.

Malapit ko na siyang maabutan ng biglang sumakit muli ang dibdib ko. Shit. Hinalungkat ko ang bag ko at kinuha ang isang garapon. This will do. Huminga muna ako ng malalim saka nagpahinga. Hindi muna ako kumikilos hangga't hindi nawawala ang sakit ng nakita kong may parating na truck sa direksyon ni Kookie babes. Sinigawan ko siyang tumabi pero hindi niya ako ata ako naririnig.

I need to stay paralyzed for another 5 minutes para madissolve ang gamot. Hindi ako dapat kumilos pero bago ko pa ito masunod tumatakbo na ako papunta kay Kookie babes. Tinulak ko siya saka ako sumunod ng lundag. Oo, mahal ko siya pero hello? Hindi ako suicidal. Paano na lang ang love story namin kung patay na ako? Mag-isip nga kayo.

Narinig ko pa ang pagmumura nung driver ng truck. Hindi ko na siya pinansin at nilapitan ko si Kookie babes. Nakasuot pala siya ng earphones kaya hindi niya naririnig. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa daan. 

"O-okay k-ka lang, 'dib-a?" tanong ko sakanya na nakapagpatino sakanya. Nakahawak lang ako sa dibdib ko. Ang sakit! Eto ata ang epekto dahil gumalaw agad ako kanina. Ngumiti parin ako kahit na halos mamilipit ako at hindi na makahinga. 

"A-anrielle, ang putla mo." natataranta niyang sabi. Ngumiti ako saka siya hinawakan sa braso.

"O-okay lang ako. U-uwi na tayo?" nag-thumbs up muna ako bago tumayo. Bakit parang tumaba ako sa pagkakadapa ko kanina? Inalalayan ako ni Kookie babes sa pagtayo ng muntik na akong bumuwal. Ngumiti na lang ako sa connection namin. Ganito ko nga siguro siya kamahal na kahit halos hindi na ako makahinga kinikilig parin ako sa kaunting pagmamalasakit niya sakin. Maliit na bagay man sakanya iba nang kasiyahan ang dulot nito sakin. 

Just the start (One-shot compilations)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon