Passenger seat

248 6 1
                                    

Story posted: Sep. 26, 2014

End? No, the journey doesn't end here.Death is just another path. One that we all must take." - J.R.R. Tolkien

 Her

"Ma, alis na po ako!" sigaw ko habang halos malaglag na ako sa hagdanan habang sinusuot ang sapatos ko. Nakita ko naman si mama na lumabas mula sa kusina habang hawak 'yung sandok at isang plato sa kamay niya.

"Oh? Nagmamadali ka nanaman. Dapat sa'yo 1 ng umaga pa lang gising na para hindi lagi nalelate." nakangiting tumakbo na lang ako papunta sa pinto pero bago ako lumabas nginitian ko si mama na nakatingin lang din sakin.

"Sige ma, next time." kumaway na ako saka nagmamadaling umalis. Tumakbo na ako hanggang makalabas ng village saka naghintay sa shed para makasakay ng jeep. 

Pumara ako ng isang jeep na papuntang Malolos. Sa unahan ako sumakay saka nagbayad at sinuot ang earphones ko. Gustong-gusto ko sumasakay sa unahan lalo na kapag single seat lang. 'Yung parang pang-kotse 'yung upuan. Komportable at walang iistorbo sa'yo. Ayoko rin naman ng may tatabi sakin dahil naiirita ako lalo na at maluwag pa sa back seat.

Umandar na ang jeep at kada naman hihinto ito para kumuha ng mga pasahero pumipikit ako at kunwaring natutulog para walang tumabi sakin. Ang kapal naman ata nila kung gigisingin pa nila ako para lang patabihin ako saka maliit lang ang upuan. 

Naramdaman kong may tumatawag kaya tiningnan ko ang iPhone ko ng biglang huminto ang jeep at may isang lalake na uupo sa tabi ko. Hindi ko pinahalata ang pagkairita ko. Umusog ako ng kaunti at binigyan siya ng 1/4 ng upuan, Nakakinis! Napakaluwag naman kasi sa loob dito pa siya sasakay? Bahala siya dian. Mahirapan siya!

Tinext ko 'yung nag missed call sakin ng EPAL!!! hindi ko na ulit tiningnan ang iPhone ko at binalik na ito sa bag ko. Nakakainis! Medyo matagal dina ng byahe papunta sa University na pinapasukan ko kaya medyo matagal pa ako magpipigil ng inis. 

Tumigil kami sa isang kanto at laking pasalamat ko ng bumaba na 'yung lalake at solo ko na ulit ang upuan. Nakangitig umayos ako ng upo at nakita ko na lang si manong driver na nangingiting umiiling na lang sakin.

Umandar na kaming muli at tulad ng dati. Pumipikit lang ako kapag hihinto ang jeep kahit na nung nagpagasolina ito. Natatawa na lang ako sa sarili dahil nagmumukha akong tanga pero wala na akong pakialam. For me it's now or never.

Time goes by at malapit na ako sa Uneversity at asual halos puno narin ang jeep. Huminto kami sa isnag College school. Nakita kong may mga estudyanteng lalake na nakatingin sa jeep kung may sapce pa. Hindi na ako umarte dahil mga apat ata sila at alam kong hindi naman sila 'yung mag tipong sasakay sa masakip na jeep. May mga itsura kasi at ang aangas ng dating. Iniwas ko na ang tingin ko bago pa nila ako makita baka mamaya isipin pa nilang nagwa-gwapuhan ako sakanila. Dumami nanaman ang mga GGSS.

Napatingin ako sa side mirror ng makita kong pasakay 'yung tatlong lalake sa loob. Ano? Nakatingin lang ako front mirror ng may naramdaman akong gumalaw sa tabi ko at viola!

"Ah.. uhm..." nakatingin lang ako sakanya. Bakit hindi ako makapagsalita? Nakakahiya ako!

Nakangiti siya sakin. 'Yung ngiti na malalag lahat kahit nakaupo ka lang. Naka plain white shirt at jeans lang siya pero napakagwapo at lakas parin ng dating niya. Hindi agad ako nakakilos at nakatingin lang sakanya pero nung narinig ko ang malakas na busina ni manong doon ko lang agad nalaman ang kahihiyan na ginagawa ko.

Agad akong umusog ng kalahati para makaupo siya. Hindi na ako tumingin sakanya dahil alam kong sobra na ang pamumula ko ngayon. Nakakahiya ako! Halatang-halata ako kanina. Nakakahiya. Halos hindi na ako gumalaw ng buong biyahe. Nakatingin lang ako sa kamay ko na nakapatong sa bagpack ko na nasa ibabaw ng mga hita ko. Hindi rin naman siya nagsasalita o nagsasalita? Ewan ko kasi nakaearphone ako. Mas mabuti na 'yung hindi ko malaman at least kahit na pinagtatawanan niya na ako hindi parin mismo sa harap ko. Sa gilid lang.

Just the start (One-shot compilations)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon