Mr. famous and I

363 6 2
                                    

Story posted: August 8, 2014

Once in a while in the middle of ordinary life, love gives us a fairy tale.

Him

"Bro, balita ko kinuha ka na raw  na commercial model? Shit pre! Bigtime ka na!" sabay suntok sakin sa braso ni kolokoy. Hindi ko na siya pinansin dahil lalo lang siyang magpapapansin kapag ganoon. Nakakairita lang. 

"Mas lalo kang sisikat at mas lalong dadami ang admirers, stalkers, at likers mo niyan!" napakainggay lang talaga! Hindi hihinto hangga't hindi mo sinasagot! Badtrip!

"Oo nga raw." napasimangot naman siya sa sagot ko kaya tumahimik narin. Paakyat na kami ngayon sa next room namin ng makita ko ang kabatchmate ko dati sa all for boys school ko noong high school.

Nakikipagtawana 'yung kaklase ko dati sa babaeng katabi niya. 'Yung babae na wagas makatawa pero ang ganda parin. 'Yung babae na biglang linipad 'yung buhok dahil lumakas ang hangin. 'Yung babae na napatingin sakin at biglang nahiya at namula. 'Yun 'yung babae na saglit nagpatigil ng lahat na pati oras at pagtibok ng puso ko na biglang nawala.

Her

"Grabe ka naman Jai!" sabi ko sabay hampas sakanya ng mahina habang tumatawa. Nandito kasi ako sa school ng bestfriend kong bakla na si Jasper a.k.a Jai para makapagbonding naman daw kami. Pababa na kami ng building nila ng may makita akong lalake na paakyat at nakatingin sakin. Huminto siya sa paglalakad habang nakatingin sakin kaya agad naman akong nahiya at namula. Nakakahiya! Grabe pa naman ako tumawa. Parang wala ng bukas.

"Uy bakla si Gab! GAB!" kumaway naman si Jai habang 'yung lalake slow motion na tumingin sakanya mula sakin kaya napayuko na lang ako sa hiya. Nakakahiya talaga! Baka mamaya kung ano-ano ng iniisip niya tungkol sakin.

"Jasper." cool lang nitong sabi. Bumaba kami ni Jai ng ilang baitang at sila naman umakyat para magkapantay kami. Meron kasing harang sa pagitan nitong hagdan na naghihiwalay sa magkaibang daan.

"Naku naman Gab! Hanggang ngayon Jasper parin? Bakla ka! Jai na lang! Nahiya naman sa Jasper mo ang foundation ko." narinig ko ang mahinang pagtawa nung Gab at ng isa pa niyang kasama na lalake.

"Pakilala mo naman kami diyan sa kasama ko Jas." narinig kong tukso ng isang lalake. Hindi ako makaimik at nanatiling nakayuko lang. Nahihiya parin kasi ako.

"Ah ito ba? Psh. Nevermind. Huwag niyo na lang 'to pansinin!" napatingin ako kay Jai ng masama. Nakatingin lang siya sa mga lalake habang nakangiti kaya napatingin ako sa tinitingnan niya at halos mapasinghap ako ng sumalubong ang isang pares na mata na titig na titig sakin. 

Eto na ba 'yun? 'Yung feeling na gustong-gusto ko ng alisin ang tingin ko pero hindi ko magawa ng bigla nanamang may umepal na itago natin sa pangalang Jasper.

"Ehem! Do you two mind?" nangiinis niyang tanong samin habang nakatingin sakin at may ngiting nakakaasar! Nagpaalam narin naman kami ng hindi man lang ako pinakikilala ng baklang 'to! Napaka talaga!

Pagkauwi ko binuksan ko agad ang laptop ko saka siya hinanap. Ang daming Gab ang lumabas saka hndi ko rin naman alam ang surname niya kaya hindi ko siya makita. Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng nakita ko sa news feed ko 'yung isang picture na ni-like ni Jai. 

Lumakas ang tibok ng puso ko habang hinihintay itong luminaw at nung luminaw na ito hindi ko na mapigilan at nagpagulong-gulong na ako sa kama ko habang pasulyap-sulyap sa screen ng laptop ko na may picture ni Gab. Parang nakapost siya ng pang-model at ang likes!! Grabe!! 100K? Srsly? Napaayos ako ng upo saka pinindot ang profile niya at kaboom! Famous pala. Ang daming followers, mga nasa 10K.

Nawala ang ngiti ko sa labi. Halata naman na hindi niya ako mapapansin. Sa gwapo na 'yun? Sa dami ng babae sa mundo at alam kong higit ang ganda sakin asa pa ako. Tumayo na ako saka naglinis ng katawan at kumain. Pupuntahan ko na lang muna si papa.

Ibinaba ko ang bulaklak na dala ko sa lapida ni papa saka ako nagkwento ng buong araw ko sakanya. Ganito ako araw-araw. Lagi ko siyang binibisita tuwing 6 ng gabi dahil daddy's girl ako nung buhay pa siya kaya naman hanggang ngayon walang nagbago.

Nagdaan ang ilang buwan at hindi na ako ulit pumupunta sa school nila Jai para hindi ko na siya makita. Hindi naman ako feelingera at assuming kaya alam kong wala akong pag-asa. Pahihirapan ko lang ang sarili ko. Napatayo ako ng biglang may nagdoorbell kaya lumabas ako ng bahay at nagulat ng nakita ko si Jai kasama si Gab na nasa labas ng bahay habang may mga hawak na pagkain.

Nagmovie marathon lang kami maghapon. Wala naman daw kasi silang klase parehas dahil wala silang mga prof. kaya pumunta na lang sila rito para manggulo. At kasalukuyan kaming nanonood ng 'The fault in our stars' sa isang website. Tahimik na umiiyak lang si Jai sa lapag habang ako nasa sulok ng mahabang set namin at nasa kabilang dulo naman si Gab. Napatingin ako sakanya at nagulat ng nakatingin siya sakin kaya agad akong napasubo ng popcorn na hawak ko. Ako ba ang nahuli niyang nakatingin sakanya o siya ang nahuli kong nakatingin sakin?

Halos manigas ako ng maramdaman ko ang ulo niya sa hita ko. Napatingin ako pababa at nakita ko siyang nakapikit habang nakaunan ang ulo niya sa hita ko at nakataas naman ang braso niya para takpan ang mga mata niya. Hindi ako makagalaw pero nung nakabawi na ako sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko. Nakita kong napangiti naman siya kaya agad akong tumingin sa TV.

Lumipas ang ilang taon at kami na. Oo, kami na. Itong araw na ito ang pang-apat na taon namin sa relasyon namin. Ngayon ko lang nalaman na ang hirap pala magkaroon ng famous na bofriend! Ang dami kong bashers at haters! Pero kada naman may nagco-comment sa FB o kahit anong social networking site na meron ako si Gab mismo ang sumasagot at nangbabara sakanila in a nice way.

Nandito ako ngayon sa puntod ni papa kasama siya. Nakahiga lang kami sa damuhan habang nakatingin sa langit at binibilang ang bituin ng bigla siyang tumayo kaya napaupo ako. Pumunta siya sa sasakyan na dala namin na pagmamay-ari niya saka inilabas ang isang gitara.

Tumabi siyang muli skain saka nagsimulang kumanta. Napatakip na alng ako ng bibig ng malaman ko ang kinakanta niya. Hindi ko mapigilan ang umiyak habang patuloy lang siya sa paggigitara at pagkanta. Kinakanta niya ang 'Marry your daughter' habang patingin-tingin sakin at kay papa. Nang matapos niya ang kanta tumingin siya sakin saka pinunasan ang luha niya at lumuhod habang nakahawak sa isa kong kamay.

"Jo, please marry m-" hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko na siya saka nagsisigaw ng 'YES!'. Humiwalay siya sakin at nakita kong naglabasan naman sila mama, Jai at iba ko pang kamag-anak na nagpupunas din ng luha. 

"Nakapagpaalam na ako lahat sakanila. Hahaha! Syempre kailangan ko rin hingan ng permiso ang nagiisang king ng magiging princess ko habang buhay."

Napangiti ako sa sinabi niya saka siya hinalikan sa harap ng maraming tao.

_____________________________

SABAW! Hahaha! Credits to the owner of the video and picture at the side. Don't forget to vote and comment!

Just the start (One-shot compilations)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon