Lost

250 6 3
                                    

Story posted: September 13, 2014

There is never a time and place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment.

"Hala! Anong eyebags 'yan? Dinaig pa ang araneta sa lake. 'Yung totoo may meeting 'te?" hindi ko na lang siya pinansin at umupo na ako sa usual seat ko at yumuko sa bag ko. 

"Hala! Snabbers! Porke't may gwapong admirer ganyan ka na ah!" agad akong napaayos ng upo at tiningnan siya ng masama. Kainis! Pinaalala pa! Bigla naman siyang napahawak sa bibig niya at napaatras ng makita niya kung gaano kasama ang reaksyon ko sa sinabi niya.

"Sorry na. Hahahaha bakit? Ayaw niya na raw? Baka naman kasi pa hard to get ka kaya umayaw na. Hi-" hindi ko na siya pinatapos at tumayo na ako at lumabas. I can deal with my best friend later but now I have to deal with this pain first. Lakad-takbo akong pumunta ng field. Umakyat ako sa pinakataas na bleachers atsaka niyakap ang tuhod ko. And as I closed my eyes flashbacks happen

Nakatingin parin ako sa ceelphone ko habang nagto-toothbrush ako sa sink namin. My gosh! Anong oras na? 11:00 na and yet gising parin ako kakahintay sa text niya. Ilang beses narin ako nakapagtoothbrush. For the first time na hindi siya nagtext sakin ng isang araw simula nung binigay niya ang no. niya.

Dati kahit hindi siya naka-unli mage-effort parin siyang makitext sa mga ka batchmates or kaibigan niya just to check if I'm okay o kaya kung nakauwi na ako dahil nga alam niya ang schedule ko for this semester. Minsan nga kahit nagdo-dota pa siya nakakareply siya agad or minsan tinatawagan niya pa ako kapag matagal akong magreply. Pero ngayon ni hi or hello wala! Kinakabahan na ako kaya nilunok ko na ang pride ko at tinext siya ng 

Hey =)

Kinakabahan na nilapag ko ang cellphone ko sa tabi ng sink at nagbilang ng 20 seconds saka ulit tiningnan pero wala parin. Naiinis na ibaba ko na sana ng bigla nagvibrate! Napatingin ako at nakita kong siya ang sender! Agad ko itong binuksan at nung nakita ko na biglang nalaglag ang toothbrush ko sa sink at unti-unting namamasa ang mga pisngi ko.

Who you?

 

Pinunsan ko ang luha ko saka pinunasan ang sipon ko na nagbabadya sa pagtulo. Hindi ko alam kung paasa ba siya o assuming lang talaga ako. Iyon na ata ang unang gabi na inakala kong araw dahil hindi talaga ako nakatulog. It took me more than one hour to gain myself and so gross of me na halos isang oras din akong hindi nagmumog at nakatingin lang sa phone ko. Naaalala ko nung gabi na iyon na nanginging-nging pa akong nagreply ng wrong send habang ayaw tumigil ng luha ko sa pagtulo. Yunuko nanaman ako habang inaalala ang masasakit na pangyayari sa buhay ko.

Tinapos ko muna ang hilamos ko bago muling tingnan ang phone ko at halos lumubog na ako sa kinatatayuan ko ng mareceive ko ang text niya na

Ah. Huwag ka na ulit magtetext sa no. na ito. Hindi naman kita kilala. 

It's like my whole world crash. I felt my knees no more and my body is starting to shake so I just hold on to the sink to support my entire body pero hindi parin iyon enough kaya napaupo na ako. So ano? Lahat ng care, lahat ng effort, lahat ng happy memories, lahat ng hatid at sundo, lahat ng iyon wala lang? Lahat ng iyon ano? Past time? Hindi ko alam kung paasa ba talaga siya o assuming lang talaga ako. Either of the two I don't care and I don't want to know. Masyadong masakit 'yung nararamdaman ko to the point na hinihiling ko na sana... sana hindi ko na lang pinilit na sumakay sa jeep noong araw na iyon. Sana. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Hindi ko alam ang rason kung bakit nagkaganoon at ayoko ng alamin. He's  the best man for me way back then but now... now that I know better he's the worst! 

Just the start (One-shot compilations)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon