Entry #32

1.9K 28 1
                                    

Entry #32


*Yen's POV*



Bukas na ang JS Prom nila sempre kahit naman hindi na kami pwede sumali doon pupunta pa rin kami ni Baby Neil. Bumili ako ng ticket para sa JS, kapag college kasi hindi na libre. Dati akala ko mahal ko talaga si Dansom pero hindi pala siguro infatuation lang ang naramdaman ko sa kanya.



Tayo kasing mga babae akala natin mahal na natin sila pero sa sobrang na dala tayo ng damdamin natin nakaka-pag desisyon tayo ng wala sa oras.



'Yung akala natin sila na.. Pero hindi pala.


Minsan nakaka pag bitaw tayo ng mga pangako na alam naman natin sa sarili natin na hindi tayo sigurado kung matutupad ito.        

Minsan nakaka gawa tayo ng hindi inaasahan at hindi karapat-dapat na gagawin.      

Minsan nakaka pag sabi tayo na mahal natin ang isang tao pero hindi naman pala.        

Minsan akala natin mahal natin sila pero hindi naman pala.        



Lahat yan ng dahil sa bugso ng damdamin natin.


Ano ba itong mga sinasabi ko?!



"Baby..." naramdaman ko na lang ang kamay niyang humahaplos sa kaliwa kong kamay. Bahagya akong napatingin sa kanya at nginitian siya.

"Bakit?"

"I love you."



Tulad niyan. Lahat pwede natin sabihan ng I LOVE YOU.        

Pero bago ka mag bitaw ng salitang yan dapat you mean it.



Hindi yung mag bibitaw ka lang ng salitang I LOVE YOU dahil trip mo lang.        

Kapag kasi masabihan ka lang ng I LOVE YOU akala mo talagang mahal ka niya.

Pero ano ang na pala mo sa inaakala mo? Masasaktan ka lang.



Minsan kasi wag tayo maniwala agad-agad sa mga taong nasa paligid natin.


At kailan pa ako natutong mag salita ng mga ganito?! Gosh!


"I love you too baby!"

Sobrang dami na namin pinagdaanan ni Neil bago namin masabi ang salitang I love you ng totoo sa isa't-isa. Kahit na puro kalokohan at katarantaduhan lang si Neil nararamdaman kong mahal niya ako at ako lang talaga wala ng iba.


Effort. Si Neil 'yan, kahit na sinusungitan ko siya ng todo dati, kahit na tinataboy, kahit na ilang beses kong sinabing hindi ko na siya mawala.. Hindi pa rin siya sumusuko.


I really love this man.


"Baby. Punta na tayo 'kila Julia. Kailangan na namin mamili ng susuotin sa JS bukas!"

"Sige baby. Kiss muna."


Ngumuso siya sa harap ko habang naka-pikit. Sandali akong tumingin sa paligid namin na busy ang mga katulong nila sa pag lilinis ng bahay nila. Idinala niya ako dito sa bahay niya para raw masolo ko siya kapal din nito e.


Sumulyap ulit ako sa kanya na nanatili lang naka-nguso sa akin. Mabilis kong hinalikan ang noo niya at tumayo na sa sofa nila. "Let's go." ngising usal ko sa kanya.

"Ang daya mo! Pakiss na kasi!"


*Julia's POV*


"Kung yellow dress kaya?" itinapat ni Yen ang dress na hawak niya kay Kath at umiling ito.


Napahimalos na lang ako sa mukha ko gamit ang mga palad ko. Tapos na kami maka-pili ng damit dito sa bahay pero itong si Yen masyadong maarte hindi pa rin napipili ng damit si Kath!

"ANG TAGAL NIYO NAMAN DIYAN!!!"


Buti na lang at kami lang ang tao dito sa bahay kanina pa sigaw ng sigaw itong si Khalil nagugutom na siguro yan.


"Lahat na Yen! Pinagsama-sama na natin lahat ng dala nating dress tapos wala ka pa rin mapili?" nakatitig lang siya sa katawan ni Kath habang mistulang nag-iisip pa ito.

"Alam ko na!!" biglang sigaw niya habang pumapalakpak pa. Nag lakad siya patungo sa maletang dala niya na puro dress niya, may kinuha siya doong damit at itinapat ulit sa katawan ni Kath.


"PERFECT!"


Bagay na bagay kay Kath 'yung dress! Nakaka-excite para bukas!

Now Or Never (The Diary)Where stories live. Discover now