Entry #07

2.7K 41 15
                                    

Entry #07

*Princess Kath's POV*

 

Hinihingal akong naka-tayo dito mismo sa harap ng ice cream shop na pag kikitaan namin. Napasapo ako sa dibdib ko at pinikit ng mariin ang mga mata ko. Humugot akong muli ng malalim na pag hinga at idinilat ang mga mata ko, agad kong tinanaw kung nasa loob na ba si Prince. Kokonti na lang ang mga tao sa loob ng shop na ito at ang iba halatang tumatambay na lang.

Nanginig bigla ang tuhod ko at nararamdaman ko na naman ang pag dagundong ng puso ko lalo na ang pag bilis ng hurumentado nito. Mula sa kinatatayuan ko natatanaw ko si Prince na nag-hihintay pa rin at hindi mapakaling tingin ng tingin sa relong nasa braso niya.

Buong akala ko wala na siya dito o hindi niya tutuparin ang sinabi niya... Kanina pa kaya siya? Kakarating lang ba niya?

"Ma'am, papasok po ba kayo sa loob?" nagulat ako bigla sa pag bukas ng sliding door ng guard.

Dahil sa ginawa niya na agaw ko ang atensyon ng ibang customer sa loob. Ngumiti na lang ako para itago ang kabang nararamdaman ko. "Opo.." nag-aalangan kong sagot.

Nanginginig akong humakbang papasok ng shop na iyon. Tumama agad sa akin ang malamig na hangin dulot ng aircon sa loob at narinig ko agad ang mahinang tugtog dito. Pakiwari ko pinag-papawisan ako sa sobrang kaba ng nararamdaman ko..

Pinunasan ko agad ang tutulong pawis sa noo ko. Habang nag-lalakad ako papunta sa kinaroroonan niya lalong lumalakas ang pag tibok ng puso ko, hindi ko mawari kung normal pa ba ito...

"Prince..." tawag ko sa pangalan niya. Agad siyang tumayo sa pagkaka-upo niya at tumingin sa akin. Halos nanlalaki ang mga mata niya habang naka-tulala lang sa harap ko. "Kanina ka pa ba? Sorry kung late ako kasi si Mama..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong sinunggaban ng yakap. Nanigas ako dito sa kinatatayuan ko, para bang biglang nag break-down o shut-off 'yung buong sistema ng katawan ko... Hindi ako maka-galaw, lalo ko lang nararamdaman na humihigpit ang pagkaka-kulong ng bisig niya sa katawan ko. Halos nararamdaman ko na 'yung pag tibok ng puso niya.. Mabilis, sobrang bilis.. Mas mabilis pa yata sa pag tibok ng puso ko..

"Akala ko hindi ka na darating." nanindig ang lahat ng balahibo sa buong katawan ko. Nararamdaman ko ang mainit na pag hinga niya sa tainga ko.

"Upo ka na." naka-ngiting usal niya sa akin habang hawak niya ang isang silya sa harap ko. Nginitian ko naman siya at umupo doon.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, nasa harap ko siya ngayon at nararamdaman ko ang pag titig niya sa akin. "Ma'am, Sir. Anong pong order niyo?" biglang utas ng lalaking crew dito.

"Chocolate ice cream sa akin at..." usal ni Prince at binaling niya ang tingin sa akin.

Tumingin ako sa crew na nag hihintay ng sasabihin ko. "Chocolate na lang din po." sabi ko sabay iwas ng tingin. Narinig ko na lang na inulit ng lalaki ang order namin. Kung saan-saan na lang ako tumitingin para lang hindi maka-tingin sa mga mata niya. Pakiwari ko ako 'yung ice cream na unti-unting natutunaw sa pag titig niya!

"Congrats pala kasi naka-perfect ka." sambit niya. Sumulyap ako sa kanya at bahagyang tumingin kung saan-saan. Ano ba 'to! Hindi ko mapigilang hindi kiligin!

"Salamat." sinulyapan ko ulit siya na naka-ngiti sa akin.

Wala na.. Pakiramdam ko tunaw na tunaw na ako sa panay ngiti niya sa akin! Maya-maya pa'y dumating na 'yung ice cream namin at doon ko binaling ang atensyon ko.


"Kamusta ka?" tanong niya sa akin. Simple akong tumingin sa kanya at nakita kong sumubo siya ng ice cream niya.

"O-okay lang naman." nauutal na sagot ko. Nanginginig akong sumubo ng ice cream ko.


Sinulyapan ko ulit siya at nakita kong tumango-tango siya habang nasa bibig niya ang kutsara. Bakit parang hindi siya kinakabahan? Bakit parang ako lang ang halos mamatay sa kaba dito?

"Princess. Kung ibenta mo na lang kaya ang bahay niyo." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Nanliit bigla ang mga mata ko. "Bakit naman?" mariing tanong ko.

Simple siyang ngumisi. "Dito ka na lang tumira sa puso ko." natatawang sabi niya at kinindatan pa ako.

Hindi ko alam kung anong irereact ko.. Kahit anong pigil ko sa pag angat ng mag kabilang dulo ng labi ko hindi ko pa rin mapigilan! "Baliw ka." natatawang sambit ko sa kanya. Tumawa naman din siya.

Sumubo ulit ako ng ice cream at kinagat ang kutsara sa bibig ko.  Narinig ko ang pag iba ng kanta dito sa shop na ito. "Corny ba?" tanong niya sa akin habang natatawa.

Sunod-sunod naman akong tumango sa harap niya habang tumatawa. "Saan mo naman nalaman 'yan?" tanong ko habang ngiting-ngiti pa rin.

Umiling naman siya habang naka-ngisi. "Hindi ko alam. Bigla ko na lang naisip." nag kibit-balikat naman siya habang naka-ngisi pa rin.

Bigla siyang tumahimik. Hindi na rin ako nag sasalita habang inuubos ko ang ice cream ko. Hindi ko lubos maisip na totoong nangyayari talaga ito, para bang hindi kapani-paniwala.. Para bang panaginip lang ang lahat-lahat..

 

Nang naubos na niya ang ice cream niya tinanong niya ako kung paano kami naging mag bestfriend ni Julia. Sinabi ko naman na katulong si Mama sa kanila at simula grade 1 mag kaklase na kami. Puro lang siya tanong at ako naman sumasagot lang, hindi siya boring kasama kahit na hindi ako gaanong nag sasalita siya lang ang nag bibigay topic sa'min dalawa.

Maya-maya pa'y nag-yaya na akong umuwi dahil baka pagalitan ako ni Mama. Ang sabi niya ihahatid naman niya ako sa bahay, konting lakad din naman bahay na namin. Sa ilang oras kaming mag kasama ang sarap niyang kausap, parang ayokong tapusin ang sandaling 'to gusto ko pa siya makasama ng mas matagal...


"Dito na lang Prince." sambit ko nang nasa tapat kami ng bahay. Nako! Baka mahuli kami nila Mama!

Bahagya siyang napakamot sa batok niya. "Salamat sa araw na 'to ah." naka-ngiting sabi niya.

Ginantihan ko siya ng ngiti at tinanguan. "Salamat din." nahihiyang utas ko.

Sandali siyang nag-iwas ng tingin sabay tingin ulit sa akin. "Pwede bang date ang itawag natin dito?" bahagya siyang tumawa at napahilamos ng palad niya sa mukha niya.

Wala sa sarili akong tumango sa harap niya, lumawak naman bigla ang pag ngiti niya. "Talaga?! Salamat!" masayang singhal niya at mabilis akong niyakap pero kumalas agad siya.

"Sorry.. Nadala lang ako." tumatawang saad niya. Natawa na lang din ako sa inasta niya.

"Sige.. Uwi ka na." imbis na umalis siya sa harap ko bigla siyang sumeryoso at lumapit sa akin. Bahagya akong napa-atras sa harap niya, halos isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa.


"Bye!! I less than three you!"


Kumakaway na sigaw niya habang tumatakbo palayo sa akin.


Sa sobrang bilis ng pangyayari.. Naramdaman ko na lang ang malambot na labi niya sa pisngi ko..

He kissed me on cheeks...

Now Or Never (The Diary)Where stories live. Discover now