Entry #02

3.8K 49 6
                                    

Entry #02 (First half)

*Kath's POV*

"Twin, hindi pala ako makaka-sabay sayo sa pag-uwi mamaya kasi sabay kami ni Diego." suminghap ako at nilingunan siya, bumungad naman sa'kin ang nag pipigil na ngiti niya habang hawak-hawak niya ang kanyang cellphone.

Si Diego ang nanliligaw kay Julia, halos isang taon na yata nanliligaw si Diego sa kanya pero hindi pa niya sinasagot hindi pa raw kasi siya handa. Pero nakikita ko naman na mahal na niya si Diego ayaw niya lang sabihin. Bilib din ako kay Diego kasi handa siyang mag hintay kahit gaano pa raw katagal.

Sinundot ko ang tagiliran ni Julia. Napaigting naman siya at tumingin sa'kin na naka-ngisi. "Sagutin mo na kasi. Haha. Sige okay lang." nginitian ko siya na nag pakunot naman ng noo niya.

"Nako twin kilala kita, nag tatampururut ka na naman diyan."

"Medyo.."

"Ngayon lang naman twin. Hmmm.. Babawi ako bukas ililibre kita ng ice cream."

"Talaga?!"

"Hahaha! Oo twin kaya wag ka na mag tampo."

"Sige." nginitian ko siya at niyakap naman niya ako. Alam na alam talaga ni Julia kung ano ang isusuhol sa akin!

Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at tinignan ulit ang cellphone niya. "Twin, nag text na siya sa'kin..Una na ako ah." sinulyapan naman niya ako habang inaayos ang gamit niyang nasa lamesa.

"Sige ingat! Basta bukas huh!"

"Haha! Oo naman!" aniya at hinalikan ako sa pisngi bago umalis.

Nang naka-alis na siya halos kokonti na lang ang naiwan dito sa canteen.. Kanina pa kasi ang uwian pero naisipan naming tumambay muna ni Julia dito, gumawa na rin kami ng ibang mga assignment.

Naalala ko bigla ang oras, tinignan ko agad ang relong nasa kaliwang braso ko. Halos limang minuto na akong late sa pag inom ng gamot, kinuha ko ang isang tabletang gamot sa bulsa ng bag ko bago ko ito inumin tumingin-tingin muna ako sa paligid baka kasi may makakita sa akin kung ano pa ang isipin at ayaw ko namang kaawaan ako ng ibang tao.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at naisipang pumunta munang garden ng school namin, doon kasi sobrang hangin at tahimik.

*Dansom's POV*

Kakatapos lang ng practice namin sa basketball at bukas may mag tatry-out, naka graduate na kasi ang isa naming kateam kaya naisipan ng coach namin na mag hanap ng bago.

"Captain, una na kami." bigla akong tinapik ni Albie sa balikat, tinanguan ko naman siya pero bigla naman niya akong binatukan.

"Anak naman ng teteng oh!" reklamo ko habang hinihimas ang ulo kong binatukan niya pero tinawanan naman niya ako.

"Suplado mo pre!" naiiling singhal niya habang tumatawa. Si Albie lang ang pinaka-kaibigan ko sa lahat ng kateam ko, hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ang may saltik na 'to.

"Captain! Dota tayo!" yaya sa'kin ng ibang kateam ko.

"Pass muna! Next time na lang."

"Sige captain una na kami, dudurugin ko lang ung mga weak na 'to! Hahaha."

"Sige! Ikaw na mamaw!" tinawanan ko na lang sila habang umaalis dito sa court.

Inayos ko na ang bag ko at napagdesisyonang pumuntang garden. Habang nag-lalakad ako palabas dito sa gym napansin kong kokonti na lang ang mga natitirang estudyante ang iba naka-tingin sa akin, ang iba naman nginingitian ako. Hindi ko na lang sila pinapansin, diretso lang ako naka-tingin sa dinaraanan ko. Hindi ko sila maintindihan kung bakit sila ganito lagi, dahil na rin siguro sa pagiging captain ko ng basketball dito sa school namin.

Nang nasa garden na ako, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Bumungad sa'kin si Kath na naka-upo sa bench. Bahagya akong nag lakad papunta sa bench na inuupuan niya at simple akong umupo sa pinaka-dulo.

Ito na naman 'yung pagkakataon na sobrang lapit namin sa isa't-isa pero hindi ko 'man lang masabi na gusto ko siya.

*Kath's POV*

Kamusta na kaya si Prince? Parang hindi ko siya nakita ngayon araw. Kanina pa ako palinga-linga dito pero kahit anino niya hindi ko maaninag. Humugot ako ng malalim na pag hinga at muling tinignan ang nasa paligid ko.

Biglang nanliit ang mata ko nang naaninag ko kung sino 'yung nasa kabilang dulo ng bench na inuupuan ko.. Hindi ako nag-kakamali! Si Prince Dansom Padilla 'yon! Bahagya ko pang tinitigan kung totoo ba itong nakikita ko o nananaginip lang ako..

Pero siya talaga eh!

Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya nang bigla niya akong sinulyapan. Napansin niya kayang nakatingin ako sa kanya? Napansin niya kaya ako?

*Dansom's POV*

Tama ba 'yung nakita ko kanina?! Nakatingin siya sa akin o ilusyon ko lang 'yon? Kung kausapin ko kaya siya? Kung lapitan ko kaya? Kung makipag-kaibigan kaya ako sa kanya? Kung tanungin ko kaya kung bakit siya nandito? Ugh! Too many questions in my mind. But the heck! I don't know what to do!

Sa sobrang inis ko sa sarili ko inilabas ko na lang 'yung maliit na notebook sa bag ko. Here we go again, the gay thingy to do. The heck. Bwisit na diary 'to! Sa kanya ko na lang lagi nasasabi ang mga gusto kong sabihin!

Hoy Diary!

                  Anak naman ng teteng oh! Ikaw na naman susulatan ko! Naiinis ako sa sarili ko alam mo ba 'yon?! Nakakainis! Nandito si Kath sa kabilang dulo ng bench na inuupuan ko pero hindi ko magawang lapitan! Hindi ko magawang kausapin! Bwisit! Kaso, ayos na rin 'to. Kahit papaano nakita ko siya ngayong araw na 'to. Bye na diary. Bwisit talaga.

PS: Nagkatinginan pala kaming dalawa. Isang segundo lang yata 'yon. Pero lintek! Sobrang dumadagundong 'yung puso ko!

Isinara ko na ang notebook na hawak ko at ibinalik sa loob ng bag ko. Bahagya akong tumayo mula sa kinauupuan ko at simpleng sinulyapan siya habang naka-tingin lang siya sa kawalan, napangisi ako bigla. Kakaiba talaga ang ganda niya kung sana lang nalalapitan ko siya at nasasabi ko kung gaano siya kaganda.

"I less than three you my Princess..."

Huling katagang binulong ko bago ako tuluyang umalis.

Sana narinig niya.

Now Or Never (The Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon