Entry #10

2.6K 28 6
                                    

Entry #10

*Khalil's POV*

"Pre! Bukas na lang ulit. Susundin ko pa si Yen. Nag text sa akin eh." usal ni Neil habang naka-tingin sa cellphone na hawak niya at napapakamot sa batok niya.

Nag kibit-balikat na lang ako sa kanya at tinapik ang balikat niya. "Goodluck diyan sa panliligaw mo!" natatawang singhal ko sa kanya.

Bigla naman niya akong binatukan. "Konti na lang sasagutin na ako.nito!" mayabang na usal niya.

"Si pinsan ang gusto niyan hindi ikaw!" sigaw ko at ginantihan ko siya ng pag batok.

Hinimas-himas niya ang ulo niyang binatukan ko. "Grabe! Kaibigan talaga kita ano? Tch." sarkastikong sambit niya habang inaayos ang bag niya. "Alis na nga ako! Bukas ah! Mag training ka na!" sigaw nito sa akin habang pinag-lalaruan ang bolang hawak niya.

Kakatapos lang namin mag basketball ngayon at kanina pa niya akong kinukulit na sumali sa team nila. "Oo!" minura naman niya ako at tumakbo paalis dito. Gago talaga 'yung Neil na 'yon! Ayokong makita 'yung topakin kong pinsan! Napaka-sungit lagi sa akin ni Dansom daig pa ang babae.

Paalis na kasi si Neil sa team nila dahil college na siya nagagalit ang ibang estudyante dahil masyado raw bias ang coach nila. Kaya nag-hahanap siya ng papalit sa kanya at ako pa ang naisipan niyang ipalit! Alam naman niyang ayokong makita 'yung pinsan kong si Dansom na 'yon! Si Neil lang ang nakaka-alam na pinsan ko si Dansom, kung tutuusin siya lang ang maituturing kaibigan ko, mag kapit-bahay kami niyan dati sa dating bahay namin kaso lumipat na sila sa kabilang street.

Inayos ko na ang gamit ko at napagdesisyonang mag lakad pauwi sa bahay namin. Pasipol-sipol akong nag-lalakad dito sa daan, walang gaanong sasakyan ang nag dadaan dito kaya ang iba tao sa gitna mismo ng kalsada nag-lalakad.

Biglang nanliit ang mga mata ko sa natatanaw ko di kalayuan sa kinatatayuan ko.. Teka! Si Kit-Kath ba 'yon? Bakit parang matutumba na siya sa kinatatayuan niya?

"Kit-Kath!!"

***

"Doc, kamusta po siya?" natatarantang tanong ko pagka-tapos niyang tignan ang kalagayan ni Kit-Kath.

Tumingin siya sa akin at napabuntong hininga. "Ayokong mag salita hanggang wala pa rin ang mga magulang niya iho." hindi ko maintindihan umasta ang doctor na 'to.

Kaninang pag hatid namin ng isang lalaking tumulong sa akin dito sa pag dala kay Kath sa ospital na 'to agad niyang inasikaso si Kath at idinala agad sa emergecy area. Narinig ko rin na pinatawag niya sa isang nurse ang mga magulang ni Kath.

"Madalas po ba si Kath dito, doc?" hindi ko napigilang tanong.

Nag kibit-balikat naman ito at inayos ang salamin niyang naka-suot sa mata niya. "Ayokong mag bigay impormasyon sayo iho." usal nito at tinapik ako sa balikat.

Nag lakad na ito sa kabilang pasyenteng nasa tabi lang ng kama ni Kath. Napailing na lang ako at bahagyang lumapit sa kinahihigaan ni Kit-Kath. Marahan kong hinimas ang tuktok ng ulo niya.. Napaka-ganda niya talaga, kahit natutulog siya. Mukha talaga siyang prinsesa.

"Kath!" napa-ayos bigla ako ng tayo nang narinig ko ang boses ng Mama ni Kath.

Hindi yata ako nito napansin at niyakap niya bigla si Kath habang umiiyak. "H-hello po." nauutal na bati ko.

Nilingunan naman ako nito at bahagyang hinalikan si Kath sa noo. "Ikaw ba ang nag dala dito kay Kath?" tanong nito sa akin habang panay ang punas ng mga luha sa mukha niya. Kawawa naman 'yung Mama ni Kath.

Now Or Never (The Diary)Where stories live. Discover now