Chapter 8

1.9K 50 3
                                    


 "Surprise!" sabay kaming napalingon nang bumukas bigla ang pinto at halos magkasiksikang pumasok ang mga kasamahan namin sa opisina na may dala-dalang mga balloons at prutas.

Gusto ko silang sigawan at murahin. Bakit ngayon pa? Gusto ko silang palayasin.

"Carl, kaya pala wala ka sa kwarto mo. Ang aga mo namang nanligaw." Tukso ni sir Mikee kay Carl dahilan nang pagtatawanan ng mga kasamahan ko. Hindi ko nilingon ang reaksyon niya dahil ayaw kong makita iyon. Ayaw kong kumapit sa kahit kaunting lubid ng pag-asa na mayroon ako ngayon.

"Oh siya Gail, Carl. Kumusta naman kayong dalawa? Ikaw Carl, alam kong may sugat ka. Kumusta na?" sunod-sunod na tanong ni sir Mikee sa'min habang papalapit sa kama ko at umupo sa silya.

Ginalawa-galaw ni Carl ang siko niya. "Medyo okay naman po, sir Mikee. Hindi naman po masyadong grabe iyong sugat ko." sagot nito.

"Mabuti naman Carl. Kuu, sobrang nag-alala talaga kami sa nabalitaan namin. Lalo na nang makita ko iyong motorsiklo mo roon sa tabi ng tulay. Akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo." Nag-aalalang sagot ni ate Candy. Napaka-exage nito kung maka-react. Natawa nalang kaming lahat sa sinabi nito. Hinampas pa siya sa balikat ni Ate Susan kaya napatakip siya sa baba niya habang humahagikhik ng tawa.

"Ikaw, Gail, okay ka na rin ba?" baling sa akin ni sir Mikee. Tahimik lang kasi akong nagmamasid sa kanila.

"Opo, okay na naman po ako. Kaunting galos lang naman." Kiming wika ko.

" Oh siya ito, may mga dala kaming kunting salo-salo. Since andito ka na rin Carl, dito ka nalang maki-kain." Wika ni ma'am Leah habang nilalagay sa mesa ang bitbit nitong mga pagkain. Sobrang ingay sa loob ng kwarto ko. Alam kong hindi na rin nakisali sina mama dahil halos ay magsiksikan na sila. Hindi naman kasi ganoon kalakihan ang kwarto ko sa ospital.

Mayamaya pa ay napalingon kaming lahat nang bumukas ang pinto at pumasok si Dexter. May dala itong kumpol ng mga bulaklak. Alam kong para sa'kin iyon. Kanino pa ba? Ngumiti siya nang makita ako at lumapit.

"Gail, for you." In-abot niya ang bulaklak sa'kin. Natahimik ang lahat. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa aming dalawa.

"Oyyyy!" napalingon ako sa mga kasamahan ko. Lahat yata sila ay nagkagulo. Napuno ng tuksohan sa aking kwarto. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Nang abutin ko ang kumpol ng bulaklak ay palihim na nilingon ko si Carl na nasa kabilang sulok. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko. Nagulat ako sa reaksyon niya. Nakasimangot siya. Tila ba hindi nito gusto ang nangyayari sa paligid. Sa mga sandaling iyon ay tila gustong magbunyi ng aking puso.

"Gail, sorry talaga. Kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari sa iyo ito. Sana hinatid nalang kita noon." Hingi niya ng paumanhin sa akin habang umuupo sa tabi ko. Hindi ko alam na nagsasalita pala si Dexter. Lumilipad ang utak ko sa reaksyon ng mukha ni Carl kani-kanina lang. "Gail, I am really sorry." Hinawakan ni Dexter ang balikat ko dahilan ng ikinagising ng diwa ko.

"Uh...Dexter, okay lang. You don't have to ask sorry. At least naligtas 'yung bata, 'di ba? Kung hindi nangyari ito, panigurado ay nabenta na pati kaluluwa ng batang iyon sa mga masasamang tao. Everything has a purpose." Ani ko kay Dexter dahilan nang mapayakap siya sa'kin na halos ay ikinabigla ko. Nakita kong lumingon si Carl. At kitang-kita ng dalawang mata ko ang reaksyon niya. Galit siya! Nakita ko ang paniningkit ng kanyang mga mata at ang tila pagtiim ng bagang nito. Sinadya ba nitong salubongin ang mga tingin ko upang ipakita sa akin ang reaksyon niya? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Lihim na napangiti tuloy ako.

He Named Me "A FLIRT"Where stories live. Discover now