Chapter 7

2K 44 3
                                    


Flashback

"I don't know how to say thank you again. Thank you for saving me." Napataas ako ng tingin nang maibalik ko na pababa ang kanyang damit. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Mabuti nalang pala at hindi grabe ang pagkakatama kay Carl.

"Are you sure na okay ka na? Carl, walang signal kaya hindi ko sila makokontak." Sabi ko sa kanya nang tingnan ko ang cellphone ko. Ngayon ko pa kasi naisipang tumawag upang humingi ng tulong.

"I said thank you." Ulit niyang sabi sa mahinang boses.

"It's...it's okay Carl." Sumandal na rin ako sa kahoy. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na ako ng pagod. "Biruin mo, we we're enemy from the start, right?" Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagsasalita."Halos sabunutan at tadyakan na nga kita noon, eh. Kasi from the very first day that we met, wala ka nang pinakita sa'kin kundi pang-i-insulto, lagi mo akong iniinis and you even named me a flirt." Tumawa ako ng pagak at inayos ang pagkaka-upo ko. Naramdaman kong ipinilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Medyo nailang ako ngunit hinayaan ko nalang siya. Wala na yata akong lakas upang sawayin siya.

"Gail, I am sorry." Iyon ulit ang narinig ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Carl ngayon sa'kin. Kailangan pa ba talagang mangyari ito bago kami maging magkaibigan?

"Hindi ako makapaniwala, Carl. Dumating pa talaga ang pangyayari na ito para lang maging magkaibigan tayo." Nilingon ko siya. Nabigla nalang ako nang magkasalubong ang aming mga tingin. Kaunting dangkal lang ang namamagitan sa'min sa pagkakataong iyon. Pagkatapos ng mga ilang sandali, namalayan ko nalang na magkalapat na pala ang aming mga labi.

Kasabay ng paghalik niya ay pumikit ako. Biglang sumilay ang kalitohan sa isip ko at ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

"Ano ito, Carl? Ano itong nararamdaman ko? Bakit naguguluhan ako sa damdamin ko ngayon? Ano ang ibig sabihin nito?"

End of Flashback

Isa...dalawa...tatlo. Tatlong sigundo bago ako sumukli ng mga halik sa kanya. Mga iilang minuto ba kami na nasa ganoong sitwasyon? Hindi ko na masyadong matandaan. Mayamaya pa ay parehong habol namin ang aming mga hininga nang kumuwala si Carl. Bigla siyang yumuko.

"I'm sorry." Sabi niya sa mahinang boses . Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Bakit 'sorry'? Hindi ko maintindihan kung nasasaktan ba ako sa mga oras na iyon. Mabuti nalang at madilim dahil hindi niya nahalatang umiyak ako.

"I..I'm sorry rin." Umayos ako ng pagka-upo at isinandal ang likod ko sa kahoy. Mga iilang minuto kaming tahimik na dalawa. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at in-on iyon. Madaling araw na pala.

Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ni Carl. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at pilit pinipigilan ang pag-iyak. Hindi ko alam kung tama bang malito ako sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung may sumibol ba akong damdamin para sa binatang katabi ko.

May gusto ka na ba sa kanya, Gail? Papaanong nangyari iyon. Hinalikan ka lang niya bumigay ka na kaagad? Huwag ka nga'ng ambisyosya. Papaano kung mahal pa niya ang ex niya? Papaano kung masasaktan kalang ulit? Papaano kung wala lang palang ibig sabihin para sa kanya ang paghalik niya sa'yo? Huwag ka nga'ng tanga, Gail. Once is enough!

Nakaramdaman ako ng kaunting kirot sa puso ko habang kinakausap ko ang aking sarili.

Pinilit ko nalang na ipikit ang mga mata ko. Bahala na! Hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na rin pala ako.

He Named Me "A FLIRT"Where stories live. Discover now