Chapter 10

1.7K 40 0
                                    



Kinahapunan ay nagplano ako na umuwi ng maaga. Nagpaalam na rin ako kina ma'am Leah, sir Mikee at sa ibang kasamahan namin. Sinadya ko kasi iyon upang makaiwas kay Carl na masyado pa yatang abala sa ginagawa. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin ngunit hindi ko pinapansin iyon. Kung may itatanong siya ay sinasagot ko naman siya ng pormal at hindi na umiimik pagkatapos niyon. Bahala na nga siya kung ano ang iisipin niya.

Nang paandarin ko na sana ang scooter ko ay napalingon ako nang tawagin ako ng isang pamilyar na boses. Patakbong lumapit siya sa'kin.

"Gail, mabuti naman at naabutan kita. Uhm, pwede ba'ng humingi ng pabor sa'yo? Pwede ka bang makausap sandali? Simula kasi nang lumabas ka ng ospital ay hindi na kita nakita at hindi na tayo nagkausap pa. Kahit ngayon nga na nasa iisang kwarto lang tayo nagtatrabaho." Wika ni Carl sa'kin. Bumababa ako mula sa motorsiklo.

"Tungkol ba sa project nina, Luke? Ika-cancel na ba nila?" wika ko. Medyo nagulat pa siya sa mga sinabi ko.

"Cancel? Hindi. Tayong dalawa ang naka-assign 'dun, 'di ba?" sagot niya. Nilipat ko sa daan ang mga paningin ko. "May problema ba, Gail? Kanina ka pa kasi hindi umiimik sa'kin. Ni hindi ka nga nagpaalam 'nung lumabas ka na ng ospital. May nagawa ba akong mali?" Gusto ko siyang sumbatan, sampalin at ipamukha sa kanyang nasaktan ako. Na sa tuwing nakikita ko siya ay pinipigilan ko ang damdamin kong kay hirap gawin. Na gustong-gusto ko siyang iwasan pero sa kabila ng lahat ay hindi ko magawa.

"Akala ko kasi hindi na matutuloy 'yung kina miss Stephanie?" pagdidiin ko ng pangalan niyon. Narinig ko siyang tumawa.

"Gail, hindi kasi ako magaling manghula pero sa palagay ko ay galit ka sa'kin. Hindi ko rin alam ang tamang rason pero sa palagay ko ngayon ay alam ko na." nagulat ako sa mga sinabi ni Carl? Siya pa ba ngayon ang mukhang dismayado? Ako pa ngayon ang may kasalanan?

"Ano'ng alam mo, Carl?" Nilingon ko siya. Akala ko ay kasiyahan ang makikita ko sa mga mata niya ngunit iba ang aking nakikita. Tila kalungkutan ang naroroon.

"Alam kong wala akong karapatang sabihin ito ngayon. Gail, alam kong gusto ka ni Dexter. Noong una palang ay nakikita ko na kaagad iyon. Narinig ko kayo sa ospital noon na nag-uusap at niyakap ka niya." Medyo nagulat ako. Iyon yata 'yung nagkunwari siyang humihingi ng pagkain.

"Oo nga, eh. Umiiyak kasi ako 'nun. Umiiyak ako kasi umasa ako. Umasa ako sa isang bagay na napaka-imposible pala. Sorry, Carl, ha. Kung akala ko ay pwede na akong kumapit 'dun sa kaunting pag-asang naramdaman ko. Hindi pala, Carl. Kasi hindi pala natin dapat bigyan ng kahulogan ang mga ginawa ng tao sa atin malaki man iyon o maliit." Wika ko sa kanya. "Kailangan ko na yatang umuwi. May aasikasuhin pa kami ng mga magulang ko." sinubukan niyang pigilan ang braso ko ngunit winaksi ko iyon. Hindi na niya ako pinilit pa. Walang lingon-lingon na pinaharurot ko ang motorsiklo at dumeretso na ng bahay.

[Carl's POV]

"Carl," napalingon ako sa likod. Si Dexter iyon. Lumapit siya sa'kin. Akala ko ay susuntukin niya ako dahil kung nagkataon ay hindi ako papalag. Maybe, I deserve it.

"Masama ba akong tao, Dexter? I think nasaktan ko siya." Bumikit-balikat lang ito at sumandal sa motorsiklo niya.

"Alam mo, pare, may katangahan ka rin pala, ano? Ano sa tingin? Hindi ba halata?" nakakunot ang noong nilingon ko si Dexter.

"What have I done wrong?" tanong ko.

"Alam kong alam mo na gusto ko si Gail, Carl. Matagal na." sandaling hindi ako umimik.

"Kayo na ba?" iyon ang tanging lumabas sa baba ko na halos ay masaktan ako.

"Gago ka pala, pare, eh. Hindi mo ba nararamdamang ikaw ang gusto niya? Na ikaw ang mahal niya? Noong isang linggo nang nasa ospital kami, nang bigyan ko si Gail ng bulaklak, nakita ko kung 'panu ka niya tingnan. At nakita ko rin ang reaksyon mo. Lumabas ka ng kwarto ni Gail ngunit sinundan ka niya nang nagkaroon siya ng pagkakataong makalabas ng kwarto niya. Sinundan ko siya dahil akala ko ay hahanapin lang niya ang mga magulang niya at sasamahan sana siya ngunit nagulat nalang ako nang papunta si Gail sa direksyon ng kwarto mo. Ngunit hindi siya tumuloy, hindi ko alam kung ano ang nakita o narinig niya ngunit nakita ko siyang tumakbo palayo at umiiyak. Alam mo ba 'yung pakiramdam na nagtatago ka habang minamasdan ang taong gusto mo na umiiyak at nasasaktan dahil sa ibang tao? Nang lumabas si Stephanie ng kwarto mo ay alam ko na ang dahilan. Ngayon Carl, kung hindi mo gusto si Gail o nakokonsensya ka nang dahil sa ginawa mo noon sa kanya, just please let her go and give her to me. Huwag mo siyang paasahin sa isang bagay na hindi mo naman kayang ibigay." Mula sa mga narinig ko ay nagulat ako. Kaya pala biglang sumara ang pinto noon. Hindi ko akalain na nandoon pala si Gail. Ano ba ang narinig niya o alin ba roon ang narinig niya? Hindi ko maintindihan.

He Named Me "A FLIRT"Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora