Chapter 3

2.6K 69 8
                                    

PLASTIKAN 101

 "Hi Gail, welcome pala sa NERD family." Ngumiti si Carl. Ngiting nakaka-insulto habang nilalamon ang tinapay at inabot sa 'kin ang kamay niya.

Sumukli ako ng ngiti sa kanya. Parang gusto ko siyang lapain at balatan. Uso pa pala ngayon ang plastikan?

"Bakla! Gago ka. Bampira ka!" Iyon ang gusto kong isigaw sa kanya. Pinigilan ko nalang ang nangangati kong dila. Sobrang nakakatimpi ang ginawa niya. Breath-in, breath-out. Tatlong beses kong ibinulong iyon sa aking sarili. Sinundan ko nalang ng mga tingin ang lalaking sa palagay ko ay sinaniban ng isang libong demonyo. Hindi kaya ay bakla siya at naiinggit lang sa beauty ko? Natawa tuloy ako sa sarili ko.

"Hoy Carl, ano 'yung binulong mo kay Gail? Nakita ko 'yun, ha." Mayamaya ay sigaw ni Dexter. Hindi ko sila pinansin. Talagang nagpupuyos ang damdamin ko.

Walang imik na ipinagpatuloy ko nalang ang aking trabaho. Pati sa lunch time ay mag-isang lumabas ako upang kumain. Hindi ko kayang harapin ang taong kina-iinisan ko. Sa palagay ko ay nawala ang mala-anghel niyang mukha at tinubuan siya ng napakataas na sungay at nagmumukha na siyang demonyo sa paningin ko.

Bandang alas singko na nang mapansin ko ang oras. Nagsitayuan na ang iba samantalang ako ay in-arrange pa ang mga papel na natapos kong e-print. Aksidenteng napadako ang tingin ko kay Carl. Seryoso ito pero minsan nahuhuli ko siyang nag-aabot ang kilay na napapatingin sa 'kin.

"Gail, tama na muna 'yan. Alas singko na. Uwian time na. Bukas mo na ulit pagtyagaan ang mga iyan." sabi ni ate Candy, isa sa mga kasama kong mas matanda sa akin ng tatlong taon. Nasa Designing Unit din siya kasama nina Carl.

"Opo ate Candy, aayusin ko lang muna ang mga ito." Wika ko. Matapos ayusin ang mga papel ay tumayo na ako at nagpaalam sa iba kong kasamahang naiwan pa roon. Wala si Carl nang lingunin ko nang panakaw ang mesa niya.

Ganun' nalang ang pagkagulat ko nang paglabas ko ng opisina ay muntik na kaming magkabangga sa pinto.

"S...sorry." Ang halos ay hindi ko maisatinig. Walang imik na dumeretso lang siya sa loob.

[Carl's POV ]

"You're a damned flirt and I don't like you."

Natatawang napailing-iling ako nang maalala ang reaksyon ni Gail sa aking sinabi. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang mga katagang iyon. Ang alam ko lang hindi ako interesado sa kung sino man. At wala akong pakialam kung ano ang magiging tingin niya sa akin. Galit ako sa lahat. Galit ako sa lahat ng babae! Sigaw ng aking isipan.

"Oy Carl, ano'ng minumuni mo dyan?" siko ni Nanay Perla sa'kin habang nasa labas ako ng sala, nagpapahangin. Siya na ang tumayong magulang ko nang kapwa maaksidente ang mama at papa ko noong high school palang ako. Siya ang nakakatandang kapatid ni mama.

"Wala Nay, may naisip lang ako." Kamot ko sa ulo. Nilingon ko siya ulit at nginitian. Lumabas pa ang mga gatla nito sa noo nang titigan niya ako.

"Nako, binata ka na, Carl. Alam ko na ang mga ganyan. Girlfriend mo ano?" tukso niya sa 'kin habang kiniliti ang kili-kili ko. Minsan inaakala kong manghuhula ito.

"Nanay, hindi. Ang dami ko pa lang kasing tatapusin. Nagpapahangin ako rito kasi gusto ko magka-idea sa sisimulan kong bagong designs bukas." Pagkukunwari ko sa kanya habang pilit tumitingala sa kalangitan.

"Kuu, talagang bata ka. Tatanda ka na talaga n'yan. Isipin mo bente-syete ka pa nga lang pero ang dami mo nang iniisip. Talo mo pa ang mag-aakyat ng ligaw n'yan at mag-aasawa na."

"Nanay naman, talagang workaholic lang po siguro talaga ang pamangkin ni'yo. Hindi ba?" wika ko sa kanya habang niyayakap siya. Wala siyang alam tungkol sa nangyari sa 'kin nang pinabugbog ako ng ama ni Stephanie noon. Dalawang linggo akong hindi umuwi sa bahay at nagboarding house. Pinahilom ko muna ang mga sugat ko bago ako umuwi upang hindi na siya mag-alala pa. Ang sinabi ko lang sa kanya ay nakipagbugbugan ako sa mga snatchers.

He Named Me "A FLIRT"Where stories live. Discover now