His Painful Journey (Part Four)

1.2K 20 5
                                    

Matagal akong nakulong sa lungkot, sakit, at sa pagsisising hindi naman dapat. Buti na lang natauhan ako at nagising sa reyalidad.

Salamat sa pamilya kong hindi nagsawa sa akin at kay Nicole na nag-alaga sa'kin noong mga panahon ng depression ko.

I was about to lose all my senses but thanks to them I managed to survive.

Si Nicole yung babaeng nakaputi dati. Siya yung nakausap ko noon sa ospital. Isa siyang nurse at pinsan ni Andrea. Lagi siyang nasa tabi ko at naging personal nurse ko na din siya. Inalagaan niya talaga ako gaya ng pangako niya kay Andrea.

At ngayon, nang bumukas ang malaking pintuan ng simbahan nakita ko na siyang pumasok.

Napangiti ako ng makita ko siya. She's smiling as she's walking down the aisle with her father beside her. She looks happy. I am too.

Hanggang sa makarating siya sa groom niya na si Zac Adam at lumapit sa'kin.

Yes, I'm a priest now and I'm happy that I'm with God.

Masaya akong nalampasan ko ang mga pasakit sa buhay ko. Masaya na ako ngayon sa piling ng Diyos at sa paninilbihan sa Kanya at sa mga tao.

Masaya din si Nicole at ang pamilya ko sa pinili kong landas. Alam ko ding payapa na si Andrea ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Casanova's Regret (His Painful Journey)Where stories live. Discover now