His Painful Journey (Part One)

1.3K 21 0
                                    

     Payapa at maaliwalas tingnan ang kanyang mukha. Tila ba walang masakit na pinasan noong may malay pa siya sa mundo. Parang walang matinding pinagdaanan. Iisipin mong wala siyang naging problema at nabuhay ng puno ng saya. Masaya katulad ng ekspresion na nakalagay sa kanyang magandang mukha habang nakahiga siya. Pinagmasdan ko itong mabuti.

      Hindi.

     Because I’m a living reason of her pains and sufferings, her heartbreak and tears, and her death. Maraming hinanakit ang dinanas niya dahil lang sa isang katulad ko. Sakit lang ang naibigay ko sa kanya. Ni hindi ko man lang siya nabigyan na ikinatuwa niya. Ni hindi ko man lamang siya napangiti. Ang nagawa ko lang ay ang paiyakin siya at ang saktan siya.  Wala akong kwenta. Dapat ako nalang ang nakahiga nang walang buhay at hindi siya. Hindi karapatdapat sa isang taong tulad niya ang sinapit. Ang katulad niyang walang ibang ginawa kundi ang umunawa, umintindi at mahalin ang isang tulad ko. Maraming umiiyak dahil sa pagwala niya. Nawala siya dahil lang sa isang walang kwentang katulad ko.

     Tanging salamin lang ang ang pumapagitan sa aking kamay at sa kanya. I stared at her face full of regrets. Wala na akong magagawa. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan at lalo nang hindi ko na maibabalik ang buhay na nawala sa kanya. Tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nasasaktan at nagsisisi, Ito yung nangingibabaw sa nararamdaman ko.

    Hindi ko man lamang siya nakausap ng mabuti. Yung hindi sinisigawan, yung hindi ko siya tinataboy. Hindi ako nakahingi ng tawad sa kanya. Pero kung nabubuhay pa kaya siya, magagawa ko kayang humarap sa kanya at ipakita ang mukha ko? Hindi siguro. Wala akong karapatan humarap sa kanya. 

The Casanova's Regret (His Painful Journey)Where stories live. Discover now