His Painful Journey (Part Three)

1.1K 16 0
                                    

Naalala ko yung sinabi ng doctor ko sakin pagkagising ko mula sa aksidente ko noon. Sabi niya, maswerte daw ako. Ako pa nga daw yung strongest patient niya so far but even the strongest can be broken. Hanggang ngayon, wala parin akong maalala sa nakaraan at hanggang ngayon, sobra akong nasasaktan. I can’t help but blame myself for Andrea’s death. I know I’ll carry the burden for the rest of my life. Siguro nung nakita ulit ako ng doctor ko, iisipin niyang nagkamali siya dahil akala niya malakas ako.

Napahinto ako sa pagtitig sa puting kisame nang tinaas ko yung isang kamay ko at nakita na nakabalot na ng bandage yung wrist ko. Sinubukan kong magsuicide pero ayaw parin yata talaga akong mawala sa mundo kaya hanggang ngayon nandito pa ako. Kailangan ko pang pagbayaran ang mga kasalanan ko. Kailangan ko pa maghirap. Dapat lang iyon sa isang tulad ko. I deserve to suffer.

Napapikit ako. Naramdaman kong may pumasok sa room ko. I pretended to be asleep. I heard a sigh and someone mumbled, “Hindi porket wala na siya, kailangan mo na din tapusin ang buhay mo. Tsk tsk. Sa tingin mo magugustuhan niya kung malalaman niya ang ginagawa mo sa sarili mo? For sure, nasasaktan yun sa nakikita niya sa’yo.”

Sino ba siya? Ano ba ang alam niya? Hindi niya naman ako maiintindihan. Hindi naman siya nasasaktan at nagsisisi tulad ng nararasanasan ko ngayon.

Inayos niya ang kumot ko. Naramdaman kong tumalikod na siya. I slightly opened my eyes at nakita ko ang isang bulto na nakaputi habang naglalakad palabas. 

Ako ang pumatay sa kanya. Ano pa ang karapatan kong mabuhay? Kung siya nga wala na sa mundo dapat wala na din ako. Tama lang to sakin. Dapat lang to sakin.

***

Ilang araw na nakalipas pero nandito pa rin ako sa ospital. Nakatulala lang at hindi makausap ng matino. Ano pa ba ang ginagawa ko dito? Okay na ako. Bakit ayaw pa nila akong ilabas dito. Ayoko na dito. Naalala ko si Andrea. Ako ang may kasalanan.

Napahigpit ang hawak ko sa kumot. Hindi. Hindi dapat ako nabubuhay.

"AHHHHHHH!"  Napasigaw ako. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdamang basa 'yon. May mga taong pumasok sa kwarto ko. Napatingin ako sa paligid ko. Si Mama, ang kapatid ko at mga taong nakaputi. 

Nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan nila ako pero nagpupumiglas ako. Pamaya-maya, may tumusok sa braso ko at nakaramdam ako ng antok at hinila ako ng kadiliman.

Nakita ko na naman si Andrea. Nakaputing damit at nakatingin sa akin. Payapa ang mukha niya at walang kahit anong emosyon. Galit, saya, kahit lungkot, wala akong makita. Nilalamon na naman ako ng konsensya ko na sumisigaw ng ako ang may kasalanan. Ako ang dahilan kung bakit wala na siya.

"Andrea. Andrea. I'm sorry." Napaluha ako at napaluhod sa harap niya. 

"Uhh--An-drea.."  Naalimpungatan ako. Nagising na ako pero hindi pa ako dumidilat. 

Nakaramdam naman ako ng presensya sa tabi ko at bigla siyang napabuntong hininga at nagsalita.

"Siguro kung nakakausap ko lang si Andrea ngayon, sisihin niya ako bakit kita pinapabayaan. Tyler, sana mapatawad mo na sarili mo." Paano ko mapapatawad ang sarili ko? Habang buhay ko na dadalhin tong pagsisi kong 'to.

Hindi ako nakatiis at nagsalita ako.

"Ano ba ang pakialam mo?"

Pagdilat ko nakita kong nagulat ang isang babaeng nakaputi sa gilid ko dahil bigla akong nagsalita. Tinignan ko siya ng blanko ang ekspresyon. Sino ba siya? Hindi ko siya kilala pero pamilyar siya.

"Don't be too hard on yourself, Tyler." Bakit ba lahat na lang sinasabi yan? Hindi nila alam kung ano ang pakiramdam na mawala ang taong mahal mo na nakalimutan mo pala. 'Yung babaeng pinagtabuyan ko tapos siya pala ang babaeng bumubuo ng mundo ko. Fuckshit.

"Huwag mo akong pakialaman. Wala kang alam sa nararamdaman ko. Mind your own fucking business!" Galit na tiningnan ko siya pero siya nakatingin lang sakin ng may simpatya. Teka, alam ko na kung sino 'to. Siya yung babaeng nakatingin din sakin noon na may simpatya sa mga mata.

"Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Sa tingin mo magiging masaya si Andrea sa ginagawa mo? Napatawad ka na niya, Tyler. Lahat kami alam 'yon, Ikaw na lang ang hindi! Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo at pati sa mga tao sa paligid mo." sabi naman niya. Lalo naman akong napatingin ng masama sa kanya at nasigawan siya.

"Paano mo nasabi yan? Ano bang alam mo?! WALA!" Bakit ba kasi siya salita ng salita sakin? Hindi ko nga siya kilala eh. 

Napapikit siya at huminga ng malalim at tska nagsalita.

"Kasi mahal ka niya, Tyler. Kasi mahalaga ka sa kanya. Kasi pati siya masasaktan kung makikita niya ang taong mahal niyang nabubuhay sa pagsisising hindi naman dapat. Palayain mo na ang sarili mo, Tyler. "

Napaiyak ako sa sinabi niya. Ang tanging nasa isip ko lang ay si Andrea. 

Lukot na lukot na ang kumot sa higpit ng kapit ko. Halos mapunit ko na 'to. Hinawakan naman ng babaeng 'to ang mga kamao kong nakayukom ng mahigpit.

"Hindi ikaw ang pumatay kay Andrea. Ang sakit niya. Tyler, lahat tayo may nakatakdang oras kung kailan mamatay. Sadyang nakatadhana si Andrea sa panahon na 'yon. Wala tayong magagawa dahil nakaayon ito sa plano ng Diyos. Kailangan lang natin 'to tanggapin." pamaya maya lumapit siya lalo sa akin at may tinusok sa braso ko at hinila na naman ako ng antok at dumilim na naman ang paningin ko.

The Casanova's Regret (His Painful Journey)Where stories live. Discover now