Part Five

1.5K 29 2
                                    

Nagulat ako sa mga nabasa ko. Lalo na nang mabasa ko kung kanino itong journal na 'to.

Andrea Silvantes

I was confused at the same time. She was my girlfriend? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Bakit pinili pa niya na umabot kami sa ganitong sitwasyon? Pwede naman niyang sabihin na "Hi, Tyler. Ako 'to si Andrea, ang girlfriend mo." Is this even real? Lalo na, bakit wala siya nang magising ako mula sa pagka-comatose? Wala din naman nabanggit ang parents ko tungkol dito.

Binuklat ko pa ang ibang entries.

July 6, ****

Nakita ko siya may kahalikan sa library. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kumikirot yung puso ko nung nakita ko yun. Parang tinutusok ng libo-libong karayom yung dibdib ko. Hindi ko kinaya yun kaya nagpunta na lang ako sa cr at umiyak.

August 30, ****

Lagi ko siyang tinitingnan sa malayo. Nagiging stalker na nga yata niya ako e. Lagi ko rin nakikita ang pakikipaghalikan niya sa iba't ibang babae. Masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Natatakot akong lapitan siya. Hindi naman na niya ako kilala. I no longer exist to him.

Hindi ko parin alam kung bakit naging ganito siya sa mga babae. Paiba-iba, Papalit-palit. Ibang iba na siya kaysa sa dating Tyler na kilala ko.

Pero kahit nagbago na siya, Hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sa kanya.

September 15, ****

Nakapag-isip isip na ako. Gagawin ko ang lahat para kay Tyler. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko na hahayaang maging anino na lang ako niya. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na para sakin.

September 18 , ****

Kanina naglakas loob akong lapitan siya. Kahit natatakot ako, ginawa ko. Nagpakilala ako sa kanya. I gave him towel and a bottle of water after nung basketball practice nila. Pero hindi niya tinanggap. I wondered why, kasi kapag yung ibang babae naman ang nag-aaproach sa kanya, he would gladly entertain them.

Sabi niya sakin, "I don't know why, but I fuckin' feel irritated when you're around."

I couldn't blame him. Maybe even if he had an amnesia, somewhere deep inside of him knows that I was the reason of that fateful accident. His painful accident that made him forget everything.

Tumitibok ng malakas ang puso ko. There's something in me that's telling these are all true but why can't I still remember?

Ano ba talaga ang nangyari bago ako naaksidente? Uhh! Fck. Nakakagago ang pakiramdam ng wala kang kaalam alam. Shit lang.

Gusto ko malaman ang lahat ng nangyari kaya nakapagdesisyon na ako.

**

Hinanap ko yung lalaking nag abot ng journal sa'kin. Alam ko siya lang ang makakasagot ng mga gumugulo sa isip ko.

Hindi naman ako nabigong mahanap siya. Nakilala ko kasi ang uniform niya na sa isang department kaya hindi ako masiyadong nahirapan.

Nilapitan at kinausap ko siya. Napag alaman kong Allen Suarez ang pangalan niya at matalik na kaibigan daw niya si Andi-- Andrea.

"Pwede bang sabihin mo sa'kin ang lahat? Lahat ng nangyari bago at pagkatapos kong maaksidente. Alam kong ikaw ang makakasagot sa akin niyan." Napabuntong hininga siya at tumingin sa malayo. Ilan segundo ang nakaraan bago siya nakapagsalita.

"Isa kayo sa kilalang magsyota ng halos lahat. Lahat ay tingin sa inyo ay perfect couple. Na para bang walang problemang kinakaharap sa relasyon nila. Marami ngang nagsasabi na hanggang sa huli kayo e. Kaso nga lang nabigo sila. Nagkahiwalay kayo. Andrea broke up with you. Aalis siya papuntang Canada. Sinasama siya ng parents niya."

"Bakit siya nakipaghiwalay? Pwede naman maging kami kahit malayo diba?"

"Medyo nanlalabo na din ang relasyon niyo noon. Andrea felt you're slowly drifting apart. Walang kayong kasiguraduhan kaya pinutol na niya. Wala na ding kasiguraduhan kung babalik pa siya. " Kumikirot ang puso ko habang naririnig ko ang mga 'to. Bakit?

"But after a week, you realized na hindi mo siya kayang mawala. Naglalasing ka na din noon. Then one night when you were drunk, you decided to go to Andrea para magkabalikan kayo. Kaya lang, sadyang mapaglaro ang tadhana sa inyong dalawa, pilit kayong pinaghihiwalay. Hindi mo nacontrol ang pagdadrive dahil sa kalasingan kaya ka naaksidente at nawalan ng alaala."

"Umalis pa rin ba si Andrea kahit na naaksidente ako?" Napangiti siya sa tanong kong yun pero isang malungkot na ngiti.

"Hindi. Alam mo, tila gumuho ang mundo ni Andrea nang malaman niya yun. Wala yatang oras na hindi siya umiyak. Sobra ka kasing mahal nun."

Tinanong ko na din sa kanya ang kanina ko pa iniisip.

"Bakit wala siya sa tabi ko paggising ko sa ospital?" Sa kwento niya, mahal na mahal ako ni Andrea pero bakit wala man lang siya noon?

"Ah. Isa pang asar sa buhay niyo. Sinisi ng mga magulang mo si Andrea kung bakit muntik ka na mamatay. Kapag pupunta si Andrea sa ospital, lagi siyang tinataboy ng mommy mo. Walang magawa si Andrea. Araw araw siyang nandun pero araw araw din siyang sinisigawan para lang paalisin pero matibay si Andrea e. Itaboy man siya, Dun lang siya uupo sa sahig habang nakasandal sa labas ng pintuan ng kwarto mo. Maghihintay ng balita kung ano na ba ang lagay mo." Tumayo na siya at nagsabing aalis na dahil may importante pa siyang pupuntahan.

"Kung nagtataka ka pala kung bakit hindi ka niya malapitan kahit ayos ka na, May mga mata parin kasi ang mga magulang mo sa kanya. Hindi parin nila pinapatawad si Andrea. Isa pa, Importante ang last page. " Pagkasabi niya noon, naglakad na siya palayo.

**

Dali dali akong umuwi sa bahay upang basahin ang last page na sinasabi niya.

December 12, ****

Maraming nangyari ngayong araw na 'to. I tried giving Tyler a cake but he threw it away. I saw him kissing some girl AGAIN. Sanay na ako pero kahit pala sanay ka na hindi mo pa rin maiiwasang masaktan. I gave him a cheesecake but I saw his friend eating it. Wala lang ang mga nangyaring yan kumpara sa nangyari nung gabi sa bar. I felt terrified. I was shaking with fear while a guy was forcefully kissing me. I felt relieved when I saw Tyler but my heart was shattered when he walked away. I cried and before I was in total darkness, I saw Allen. He saved me.

And here I am in the hospital again. I hate it here. It always reminds me how fragile I already am. My choice is the reason why I'm dying. Pinili kong manatili sa Pilipinas para lang makita lagi ang mahal ko. Hindi ako pumunta ng Canada for treatment. But I don't feel any bit of regret about my decision. Kuntento na ako sa naging buhay ko kahit puno ng pasakit. Makita ko lang na okay na siya, Kuntento na ako. Hindi ko na kaya. My body already gave up but my heart is still holding on. Saan pa nga ba kumakapit ang puso ko? Wala na. Binitawan na niya matagal na. Maybe I should also give up now. Let go. It's time for me to rest. It's time for my heart to rest.

I love you, Tyler. Always and forever. 

The Casanova's Regret (His Painful Journey)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon