P23 - Healed

4.9K 152 22
                                    

JEMA's POV

Nagising akong mahinang mahina ang katawan ko, hindi ako makagalaw nang ayos.. basta ang alam ko lang.. kailangan kong magising.

Tumingin ako sa paligid ko, hindi ito ang mga taong inasahan kong makikita ko.

Ponggay, Maddie, Bea.. kulang kayo nang isa at hindi ko maintindihan, kung bakit kailangang kayo ay umiiyak..

"K-kamusta ang p-pakiramdam mo, jem?" pongs...

"A-ayos lang ako..."

"Kakatapos lang ng operasyon mo j-jem.."


"Operasyon? Anong operasyon ang sinasabi niyo?"


"Kailangan kang maoperahan dahil
may liver cancer ka jem.."


"Alam ko na yan. Naririnig ko kayo, hindi kayo ang kauna unahang taong inaasahan kong maririnig at makikita ko. Alam niyo kung sino."

Hindi sila nakasagot.

"Paano akong maooperahan!? Kailangan ko ng donor! San kayo kumuha ng donor ko!!!" nag uumpisa nang pumatak ang mga luha ko..

Narinig ko lahat... lahat lahat ng sinabi mo deanna... tulog ako, pero naririnig ko kayo.

Lahat ng sinabi mo sakin, narinig ko.

"J-jem.."

"Nasan si deanna! Bea! Nasan si deanna!"

"H-hindi ko alam jem.."

"Naririnig ko kayong lahat! KAILANGAN KO NG DONOR BAGO AKO MAOPERAHAN HINDI KO ALAM KUNG SINO ANG DONOR KO!!!!"

"Pinaalis na agad kami ng mga doctor nung pumasok si deanna para sa operasyon.." umiiyak na sabi ni maddie..

"H-hindi niya kailangang ibigay kung anong meron siya! Siya ba ang donor ko!? SIYA BA!!!"

Wala silang naisagot sa tanong ko..

"Hindi niya kailangang gawin yon... handa na akong mawala, wag lang siya.. nasasaktan ako."

"Ang unang bagay na natutunan ko ay wag kagalitan ang mundo sa mga bagay na binibigay nito.. pero hindi ko maiwasan.. bakit ang daya ng tadhana.. hindi man lang kaming pinagtagpo ulit.. bago mawala.." halos mawalan ako ng hininga sa mga pinagsasabi ko..


Hindi ko matanggap.. hindi ko matanggap..

"Good morning, how are you feeling, Ms. Jessica?" pumasok ang doctor.

"I f-feel so weak.."

"It's normal, 5 hours palang since your operation has been done. Drink your medicines, babalik ang mga nurse para icheck ang lagay mo. Mauna na ako."

"Ah, doc.." pagpigil ko sa doctor..

"Yes?"

"W-who's my donor?"

"Every donor's informations are all confidential, Ms. Jessica. We can't tell you, lalo na at hinabilin niyang wag sasabihin kung sino siya."

"Please, doc.. I'm begging you, please..."

"Before I forget, the donor wants to tell you that she's sorry for everything that she did. That's all I could say."

Lumabas na agad ang doctor...

"bakit!!! Deanna bakit hindi mo ako hinintay.. please ibalik niyo siya sakin please!!"

Kailangan kong puntahan ang naghahawak ng impormasyon ng mga donor, gagawin ko lahat, lahat lahat!


"Ponggay, k-kailangan kong p-pumunta sa opisina n-nila.. kailangan ko talaga tulungan mo ako please.."

"Naiintindihan ko jem.." tinulungan niya akong tumayo at inakay sa wheel chair..

Ang kailangan ko lang talaga ay malaman ang totoo... please sabihin niyo...

"Yes Ma'am? Ano pong kailangan nila?" bungad ng nurse pagkapasok namin..

"I just want to find out who's my donor, My name is Jessica Margarette Galanza."

Tumingin siya sa mga files na hawak niya.

"I'm sorry Ma'am, but It's really confidential. Private po ang impormasyon na hinabilin ng donor niyo."

"P-please.. I'm begging you.. tell me please... please."

"Ma'am Jessica, I'm sorry pero hindi po talaga pwede. Pasensya na kayo Ma'am."


"Kahit konting information lang about my donor please tell me.."


"Ma'am, all I can say is namatay po ang donor niyo. Nasa Aria Cemetery po siya."

Oh God.. no please no.. nananaginip lang ako..

"I-it's not true.. hindi yan totoo!"

"Jem.." batid kong umiiyak si ponggay sa pag alalay sakin...

"I'm sorry Ma'am."

"Hindi yan totoo... hindi to pwedeng maging totoo..."

Lumabas ako ng opisina.. tumungo sa sarili kong kwarto..

Paano ko kakayaning mabuhay pa.. kung ako mismo ang sanhi ng pagkamatay ng taong rason kung bakit nandito pa din ako ngayon.

"Kung nananaginip ako.. please gisingin niyo nalang ako.."


"It's the truth jem.. we need to be brave for her.."

"Ang sakit... ang sakit sakit.."

My Only SetterWhere stories live. Discover now