P1 - The First

10.7K 181 3
                                    

JEMA's POV

"Jem! Tara na! Oh eto na yung banner ng Deanna Wong mo! Magsisimula na yung game!" tawag sakin ni Jia.

May gusto kasi ako dun kay Deanna Wong! Inaya lang ako nina ate Jia na magcheer sakanya nung sinabi kong bet ko tong setter ng Ateneo!

"Deanna!!!" nasa patron kami kaya naman rinig na rinig ni Deanna ang sigaw ni Jia.

"Hi ate Jia kinakabahan ako huhu paano ba!!?"

"Ano ka ba deanna wag ka kabahan edi pag walang nagana sa mga spikers mo i running attack mo si maddie!"

"Syempre naman ate Jia! Andiyan na ba si Celine?"

"Wala pa eh, oh deanna eto nga pala si Jema Galanza, crush ka niyan! Haha!"

Ang cute talaga ni Deanna jusko ang puso ko!!

"Hala Jia hindi ah!"

"Hi Jem. Parang familiar ka?"

"Taga lasalle yan Deanna, kalaban niyo next week haha!"
(kunyari lasalle si Jema)

"Nice to meet you and goodluck Jem—"

"Babe!" nagulat kami nung sumulpot yung babaeng taga feu sa tabi namin at tinawag na babe si Deanna.

"Oh babe, why are you here? You should rest may game kayo later."

"Syempre susuportahan ka hihi, perfect girlfriend ako diba? Hahaha."

"Thank you, my Celine. I love you, cheer moko ha?"

Hindi ko masikmura ang mga naririnig ko, although sweet pero ang sakit huhu, ano ba Jema crush palang to noh!!

Tinutok sakanila yung camera kaya naman kilig na kilig ang mga fans, puro iritan ang mga naririnig ko.

"Goodluck babe, I love you." kita sa camera na kiniss ni Deanna si Celine..

Halos magwala ang fans sa Arena, kaya naman napalingon ako kay Jia na nakatingin rin sakin.

"She's Celine Domingo. Girlfriend ni Deanna, they've been together for 3 years. Kaya ayan, baliw din ang mga fans nila."

"Anong meron sa Celine nayan?"

"Oh bakit selos ka!? Hahaha sikmurain mo dahil mahal na mahal ni Deanna yang si Celine."

"Eh yung Celine? Mahal ba siya?"

"Oo. Manloloko si Deanna noon, si Celine lang nakapagpabago sakanya. Kwentuhan kita pag may oras ako hahaha."

"Ahhh"

Sa sobrang hiya ko dahil katabi ko ang girlfriend ni Celine, hindi ko na nailabas yung banner. 

"Go deanna!" sa sobrang gulat ko na nasabi ko yon, napatingin sakin si Celine!

OMG! Katapusan ko na!!!

"Fan ka ni Deanna? Ang effort mo naman bumili ka pa talaga ng ticket para sakanya, taga saan ka po?" mabait naman yung pagkakasabi niya pero hello!? Fan lang ako!!?

eh balak ko nga jowain yung bebe niya! charot!

"Nope. I am a Lasallian, I will be playing for DLSU next week. I have a ticket for free because I am a UAAP Player as well, not a fan. Thanks." maayos kong pagkakasabi sakanya pero natriggered ko yata tong si Celine.

"Ahuh? Are you really a Lady Spiker!? I haven't seen you play? Ilusyonada ka fren?"

"I was injured though, that's why I was unable to play. Please make sure to ask before stating offensive words against me 'cause It made you look disgusting."

"So you like Deanna, hindi ba?"

"If I say so, pakeelam mo?"

"Girlfriend ako, baka mamatay ka sa selos ah?"

"Talaga? Hindi halata."

Hindi na siya umimik kaya tahimik akong nanood ng game, patay sakin tong Celine na to pag nagkaharap kami sa Court.

"Deanna! Sabi ko naman sayo kaya mo eh!" yumakap si Deanna kay Ate Jia kasi nga syempre, player of the game siya.

"Congrats, Deanna." bati ko sakanya at naramdaman ko namang tumingin si Celine sa part namin.

"Thank you, Jema." ngumiti siya kaya ngumiti na rin ako pabalik dahil naghihimutok na naman tong si Celine.

"Babe, you did well." bati ni Celine saka niyakap si Deanna.

"Kuya! Take us a picture."

"Kaya pa ba friend? Tara na!"

Hinila naman ako ni Ate Jia sa dug out ng Ateneo.

"OMG! Jema Galanza!? Hiiii ate omg, idol kita!!" sigaw ni Dani Ravena kaya naman napayakap nalang rin ako sakanya, hahaha ang cute ng batang to!!

"Hi Ate Jem, parang nakita kita sa palarong pambansa?" tanong ni Maddie sakin.

"Girls ano ba kayo palarong pambansa stand out yan si Jem! Hahahaha nirecruit ng lasalle."

"Omg rivals! Huhu" yakap yakap pa rin ako ni Dani habang sinasabi niya yun.

Nag uusap usap kami nung biglang dumating si Celine at Deanna, magkaholding hands pa!

"Ate Celine! I missed youuu!!" sigaw ni Kim G at yumakap sakanya

"Ate celine!!!" sigaw ni Ponggay at lumapit rin, close pala siya sa Lady eagles?

Hindi pwede to malalamangan na ako!! Kailangan kong makuha si Deanna, that's my MISSION!

Nagtama ang paningin namin ni Celine kaya lumabas muna ako dahil siguradong pag iinitan na naman ako ng ulo nito.

"Pasikat ka ba?" nabigla ako nung tawagin niya ako, hello? Sinundan niya pa talaga ako

"Why would I, Celine?"

"Tss, ako ang gf okay? Lumugar ka, I can fight for what is mine."

"Okay, laban lang ah baka hindi mo mamalayan hawak na yan ng iba."

Nag init ang ulo niya sa sinabi ko, aba sya tong nauna! Neknek niya kala niya di ko siya papatulan!?

"Akala mo naman totoong magaling maglaro. If I know, duda rin sayo ang Ateneo na magaling ka. Saan ka pa napulot ng Lasalle?"

"We'll see."

Hindi ko kailangan ipagmayabang ang talento ko, edi kung sino nalang manalo!

"Oh Jema tara na! Andiyan na yung shuttle sa labas." Inaya na ako ni Jia umuwi kaya naman sumabay na ako sakanya.

"Jia. Kwentuhan mo nga ako dun kay Celine at Deanna. Nakakairita yung Celine, ang taray sakin!"

"Eh malamang bakla! May gusto ka kay Deanna! Kaya mo pa yan noh, mag asawa nga naghihiwalay pa!"

"Mabait ba yung Celine? Naiinis na sakin kanina! Aba sabihan ba naman daw akong fan!?"

"Totoo namang fan ka ni Deanna! Hahaha oh charot lang! Sa pagkakaalam ko mabait talaga si Celine, oh tingnan mo ang daming fans!"

Tumingin ako sa labas ng shuttle at oo nga noh?? Daming fans ni Celine, puro tin DeLine ang mga nakikita ko sa labas.

"Bet na bet ng Lady Eagles si Celine, una palang eh gusto nilang magbago si Deanna! Babaero eh."

"So si Celine lang nakapagpabago sakanya?"

"On and off sila nung mga unang araw nila. Kala ko nga di magtatagal at oo, si Celine lang nakapagpabago sakanya."

"Sus kaya ko rin yon!"

"Edi paghirapan mo! Magpabida ka muna sa Lady eagles para matulungan ka! Hahahaha!"

MISSION ON!

KUHANIN ANG PUSO NG SETTER!

My Only SetterWhere stories live. Discover now