P20 - She Knew

5.5K 162 25
                                    

DEANNA's POV

Lumipas din ang mga araw na may mga absent si Jem, ayon kay Seanna.. May sakit pa rin daw siya.

Hindi tuloy niya nakikita ang mga bulaklak na ipinapadala ko sa drawer niya, ilang beses ko siyang sinubukang lapitan, sinubukan ko siyang suyuin... pero lumalayo siya.

Lumabas si Celine para kausapin ang boards, may mga nagpupull out na naman kasi ng iniinvest nila, kailangan na agad solusyonan.

Papunta lahat sa meeting office ngayon, nanatili ako sa loob ng opisina dahil May mga papel akong kailangang dalhin.

Bumukas ang pinto at nakita kong dumiretso si Jem sa table niya, makikita mo pa rin na maputla siya :(


Lumapit ako sakanya..


"Jem.. ayos ka lang ba?" Tinanong ko siya, baka sakaling bigyan niya ako ng pagkakataong makausap siya.

May mga binabasa at pinipirmahan siya, ilang araw rin siyang nawala. Batid kong nahihirapan siya kasi Panay ang hawak niya sa ulo niya.

"Ano bang nakikita mo Deanna? Hindi ako okay diba? That's why you shouldn't ask." nagagalit na naman siya, kaya kailangan kong pag isipan ang mga sasabihin ko.

"Bakit ka pa pumasok Jem? Magpahinga ka na lang, ihahatid kita."

"Papasok ba ako kung hindi kailangan? Damn deanna, galit na galit na ang girlfriend mo."

"Kung alam ko lang, jem na yung pagsama ko kay Celine nung gabing yon ang magiging dahilan kung bakit ka nagkaganito.. Sana hindi nalang ako umalis.."

"Ginusto mo naman yon diba? Ginusto mo yon. Isisisi mo sakin kung bakit ako nagkaganito? Hahaha nagbago ba ako? O sadyang hindi nalang ako madaling saktan kagaya noon?"

"Nagbago ka Jem.. kailangan kong maging matalino pag kausap ka para makaiwas sa pambabara mo. Kailangan kong maging ibang tao para makaiwas sa masasakit na salitang nagmumula sa bibig mo.."

"Sino bang umalis Deanna? Nakakalimutan mo na yata kung sino ang unang sumama sa iba?"

"Pero sinabi kong babalik ako... sinabi kong uuwi pa rin ako sayo, mahal kita jem.. sobra. Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang mga hakbang ko papalayo sayo. Sana hindi ko nalang ginawa.. mahal kita jem.. mahal na mahal kita."

"Hindi ka bubuhayin ng pagmamahal na yan deanna, isa yan sa dapat mong matutunan."

"Binigay ako ng pagmamahal mo, jem. May mga bagay akong pinagdaanan na hindi mo nalaman Jem.. nahihirapan ako.. kasi wala ka sa tabi ko. Ang hirap gumising na alam kong wala ka, ikaw ang mundo ko Jem.. hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong umalis."

"Kasi nasasaktan ako! Alam ko nung una, ako lang naman ang may gusto nito diba!? Ako lang! Kung hindi ka pa nagkaamnesia, hindi mababaling sakin ang nararamdaman mo!"

"Hindi totoo yan jem.. naramdaman mong mahal mo ako.. hindi ba't yun ang totoo?"

"H-hindi porket matigas ako sa paningin niyo.. h-hindi na ako nasasaktan.. tao pa rin ako.. May n-nararamdaman.."

At saka siya umalis.. dun nagsimulang pumatak ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan.. Sana hindi nalang ako umalis..


JEMA's POV

Dumiretso ako sa meeting office at lahat sila ay nandoon na, problema na naman ito sa kumpanya.

"Nagpupull out ang mga investor dahil mababa pa rin ang rates kahit dumating ka Jema!" Galit na galit na naman si Celine, lintek talaga oh.

My Only SetterWhere stories live. Discover now