P2 - Celine

6.6K 152 2
                                    

JEMA's POV

Rest day kami ngayon kaya naman niyaya ako ni Jia na pumunta sa gym ng ateneo. Creamline player rin naman ako at dun kami nagtratraining kaya ayos lang sakanila yun.

Points pa sakin na makikita si Deanna at wala don yung bwisit niyang girlfriend.

Pinagbawalan akong maglaro para iwas injury daw, kaya naman manonood lang ako dun.

"Friend, tara na! Alam ko namang excited ka ay makikita mo ang deanna wong mo!"

"Syempre! Wag mokong galawin dun kaloka ka! Nasstress ako sayo"

"Kung akala mong sure win ka today, ay day! Nandun minsan si kumareng Celine hahaha pero minsan lang, pero for sure susunduin nun si Deanna."

"Luh sundo? Live in ba sila?"

"Gaga hinde! Malamang sa kanilang dorm natutulog yan, alam mo ba yung date bakla!? Date mamsh! date!"

"Sorry naman! Imbis na nagdadate sila bakit hindi niya nalang pagpahingahin si Deanna noh!"

"Eh ganun ang trip nila girl! Oh akala ko ba sipsip day ka ngayon sa Lady eagles!? Asan na!? Kahit don lamangan mo si Celine!"

"Sus eto na! Istop mo diyan sa Shakeys! Bibili akong pizza."

"Eww jem, si celine pag pumupunta yun don may dalang Filipino food na niluto niya! Magluto ka rin kaya!?"

"Jusko naman Jia! Nandito na ako at lahat, pizza nalang muna. Ay ay ay, baka nakakalimutan mo!? Magaling rin ako magluto!"

"Oh siya order na! Dali!"

Nang makaorder ako, dumiretso agad ako kay Jia na nilantakan yung isang box. 6 box lang yung binili ko at feel ko namang kasya na yun.

"Ate Jiaaa!!!" tawag nina Dani sakanya, nag hi rin naman sila sakin.

"Hiii ate Jem!!!" sigaw naman nina Kim G sakin

"Oh pizza para sa inyo yan. Hahaha."

"Oh aatake na naman mga patay gutom!" sirit naman ni bea na nilalantakan na yung isang box hahaha

"Wow capt ha!?"

Hinanap ng mata ko si Deanna pero wala pa siya, siniko ko si Jia at mukang alam na niya agad yung ibig sabihin ko.

"Asan si Deanna girls?"

"Lumabas lang, sinundo si ate Celine hahaha magkaaway eh."

Lihim naman akong napangiti hahaha syempre point ko yun!

"Aba girl birthday mo ba ngayon!? Hahaha swerte ka ah!"
bulong sakin ni Jia na nakapagpatawa sakin

"Syempre naman noh!"

Natahimik ang lahat nung pumasok si Deanna nang nakasimangot kasama si Celine.

"Hi ate celine hehe." awkward na bati ng lady eagles pero ngumiti lang siya

"Girls gusto niyo ng food? Nag cook ako ng champorado here oh."

"Ay hindi na Ate Celine! Busog na kami sa dalang pizza ni Ate jema ehh"

Kumunot naman ang noo ni Celine at tumingin sa direksyon namin.

Binigyan ko siya ng matagumpay na ngiti, yun bang nakakasar!?

"Uy 1-0 hahaha nice one" bulong ni Jia sakin.

Umupo si Celine sa malapit samin kaya kitang kita kung gaano siya naiirita, buti nalang mag kaaway sila hahaha

Kelan ba magbrebreak tong dalawang to!? Grr, naiinip nako maging gf ni deanna! Charot!

"Thank you sa pizza, Jem." nagulantang naman talaga ako nung umimik si Deanna sa harap namin!

ANG PUSO KO JUSKO ANG LAKAS NG TIBOK!!!

"W-welcome hehe.." literal na nautal talaga ako nung umimik si Deanna jusko pano ba naman!?

"Goodluck sa game natin next week ah? Wag mong galingan." pagkasabi niya nun ay ginulo niya ang buhok ko!!!!!

LITERAL NA JUSKO JUSKO TUMIGIL ANG MUNDO!!! IFREEZE NIYO MUNA ANG MOMENT!!!

"Bakla!!! Asensado kana ah!?" pabulong na sabi ni Jia sa tabi ko!!

"Bakla!!!!!!! Jusko!!!!! Hindi ko kinakaya!!! Grabe ang powers ni Deanna nakuha nya puso ko!!!" syempre pabulong na may diin kong sinabi yan sakanya!

"Excuse me?" ayan na ang kontrabida, syempre si Celine!

"Ay.. yon lang." dismayadong bulong ni Jia sa tabi ko, tss epal naman kinikilig pako!!!

"Yes?" mataray na tanong ko sakanya

"Could you distance yourself from Deanna? Nakakairita ka eh."

"Ay girl, bulag ka ba? Siya lumapit diba?"

"Obvious naman na patay na patay ka sa girlfriend ko!"

"Ay ako celine tigilan moko sa kapraningan mo. Sa susunod talian mo si Deanna lagay mo sa poste tapos sulatan mo na property mo with signature ok gets!?" iritadong iritado na talaga ako sa katarayan ni Celine!

"Damn you!" akmang sasampalin na niya ako nang magtinginan sakanya ang ateneo lady eagles, aba si praning ang lakas ng pagkakasabe!

"Celine!" sigaw ni Deanna sakanya.

"Ate celine??" takang taka naman ang lady eagles sa inasal ni celine.

"I-im sorry n-nabigla lang a-ako."

"Naks bet!! Bidang bida ka dun ah." bulong na naman ni Jia

"Come with me, Celine." halos mapalunok ako sa kung gaano kaseryoso si Deanna.

Omg, break up naba!?

DEANNA's POV

"What you did is so unacceptable Celine! Ano bang nangyayari sayo!?"

"That girl is insulting me!"

"Sino? Si Jem? Ano bang insulto don!?"

"She likes you! Anong gusto mong gawin ko!? Hayaan siyang kunin ka!?"

"Damn Celine! Wala ngang ginagawa si Jem eh! 3 years na tayo, hindi yan ang Celine na minahal ko!"

"Then sorry! Sorry ha!? Eto lang ako!"

Dammit! Mabilis siyang tumakbo habang umiiyak!

"Celine.." hinawakan ko siya sa kamay at hinarap sakin

"Please don't cry.. I'm sorry, okay? I'm sorry."

hinalikan ko siya sa noo, at niyakap.

"I need space, Deann."

"Para saan? Hindi natin kailangan nun okay? Ayusin natin ngayon."

"I need space, we need it."

"Ano ba naman Celine, wag ganun." kumalas siya sa yakap ko  at pinahidan yung mga luha niya

"Please."

"I'll send you home."

Tahimik lang kaming dalawa sa kotse, nakatingin lang siya sa labas.

Ilang beses na rin naman siyang humingi ng space noon pero nasasaktan pa rin ako.

"I love you, Celine."

My Only SetterWhere stories live. Discover now