P12 - Finding Truth

5.6K 132 3
                                    

JEMA's POV

"Kung hindi niya ako minahal, bakit nasa akin siya ngayon? At kung minahal mo rin talaga siya, bakit nakalimutan ka na niya ngayon?"

Napatigil siya sa sinabi ko, at bigla nalang tumulo yung mga luha ko.. Hindi ko kinakaya.

"Kampante ka na bang talaga, jem? Hahaha, pansamantala lang ang ala ala ni deanna, wag kang tanga!"

"Okay lang, hindi ko naman hiniling eh. Tapos maalala niya yung kalokohang ginawa mo sakanya nung gabing yon kaya sakin siya napunta?" napangiti ako nang mapait

Hindi ko maintindihan si Celine, sobra siya mag isip. Napaka advance, ke toxic toxic

"At kung ikinakatakot mo ang pag agaw ko sa posisyon mo sa buhay ni Deanna, wag kang matakot, dahil kung mahal ka niyang talaga? Gagawin niyang lahat para maalala ka niya."

Patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko, siguro dahil natatakot rin ako. Natatakot rin ako sa kung anong pedeng mangyari, at sa kung anong pede kong kalagyan

"Gagawa ang lahat ang tadhana para bumalik siya sakin, jema hahaha kaya pede ba? Wag kang ambisyosa!"

"Hahaha. Huling salata para sa katulad mong makitid ang utak. Hindi tanga si kupido, celine. Papana lang siya pag inlove kayong dalawa, eh nasa sakin eh so paano ba?"

Kahit natatawa ako nang mapait eh hindi ko mapigilan ang mga luha ko, ganito lang ang mga nasasabi ko sakanya dahil nauunahan ako ng emosyon ko damn..

"Shhh stop crying." rinig kong sabi ni Mads kay Deanna, nagulat nalang rin ako nung nakita ko siyang umiyak.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya.

"Shhh, hindi ako aalis sa tabi mo.."

"S-sobrang sama na ng pakiramdam ko, jem.." niyakap ko lang siya nang sobrang higpit.

Mahal ko si Deanna, at kahit ano mang kahinatnan ng pagmamahal ko sakanya, masaya na akong maranasan na akin siya.

Nakatulog siya sa lap ko habang hawak hawak ko ang muka niya, napaka anghel ng muka ng mahal ko..

Sana hanggang dulo na to, sana ako ang piliin mo..

—————————————

"Jemii, check up ko today. Nagpa sched ka na po kay Dra?" tanong niya sakin pagkagising niya

Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako, napaka bigat pa rin ng pakiramdam ko.

Tuwing check up niya, kakabahan nalang ako. Baka kasi bumalik na ang ala ala niya, at makalimutan ako

—————————

Nang makarating kami kay Dra. Hanes, punong puno pa rin ng kaba ang puso ko pero ayokong ipahalata.

"Ms. Wong, how's your day?"

"Ang sakit lagi ng ulo ko doc eh, bigla bigla na lang rin akong mahihilo."

"That's normal at good sign yan, Ms. Wong. Eto yung meds mo, and eto rin yung para sa head injury mo. Don't forget to drink your medicines, and if may maramdaman kang kakaiba, wag kakalimutang pumunta sa ospital Ms. Wong."

My Only SetterWhere stories live. Discover now