7

301K 6.8K 1.2K
                                    

Five years later..

Chylee POV

After five long years, I'm here again. Makikita at makakasama ko na ulit ang pamilya ko. I missed them so much!

"Chylee, hindi halatang excited ka. Tch. You didn't notice your shoe lace." He said then umupo siya para itali yun. 

Napatingin ako sa shoes ko. Yeah. Nakalas pala ang shoelace ko. Hindi ko napansin kase masyado akong excited na makita ang sundo namin. Syempre ang family ko. 

We're here at NAIA. Kakababa lang namin from US. And I'm so, so, so excited!

Nang matapos siya isintas ang shoes ko, tumayo na ulit siya. "Thank you, Phoenix."

Yeah. Kasama ko si Phoenix and Sky. Si Phoenix, ilang months lang bago kami umalis, sumunod siya dun at doon na rin siya nag-aral. Nakasama pa namin siya sa bahay. Kaya masaya din ako. I have brother and I have friend. 

"Nasusuka ako 'pag nagngingitian kayo. Tch." Masungit na sabi ni Skyler. Lagi niya kami inaasar. 

We're graduates na nga pala. But I don't have job pa. Si Skyler, nag-train siya sa company namin sa US then now, alam ko dito sa Pilipinas, he will handle one of our company. 

Ang daming nangyari pero unti-unti ko nalang iku-kwento. Para hindi boring. 

"CHYLEE HERA! PHOENIX! Kayong dalawa! Aissssshhh! Talagang hindi nakapagpigil ang mokong at humabol!"

Wala talagang pagbabago si Shanice. My bestfriend. She's here! Nasa waiting area na sila with my family. Si Shanice, every occasion, pumupuntang US para dalawin kami. May times nga na mas nakakausap pa niya si Sky dun kesa samen kase dapat daw masolo kami ni Phoenix. Baliw talaga. 

"Mahiya ka nga, Shan. Umaalingawngaw ang boses mo dito." Suway ko saka siya bineso at niyakap. "I miss you, Shan. Graduate ka na din ba? O lumandi ka lang?"

"Grabe, Chy! Sarap mo sabunutan. Graduate na kaya ako!"

"Ate Chylee! Kuya Sky! We miss you!"

Jusko. Ang triplets ang tatangkad na! Ang ga-gwapo na tapos makikita mong sabay sabay na tumatakbo payakap samen ni Sky. Ang cutteee!

"Enzo, Renzo, Kenzo. Am I right?" Tanong ko. Tinuro ko sila isa isa. Kase naman magkakamukha talaga sila. 

"Yes Ate! You're right!" Sagot ni Enzo. "Pasalubong?"

Haha. My siblings are cute. After five years ngayon ko lang ulit sila nakita in person. Sina Mom and Dad dumadalaw dun pero ang triplets hindi, kase baka daw lalo lang kami ma-miss kapag once lang makikita. Mas okay ng pag-uwi nalang namin. 

Lumapit na ang triplets kay Sky. Tapos ako naman, eto. Kalalapit lang nina Mom and Dad. 

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon