KABANATA 9

48.4K 1K 13
                                    

KABANATA 9: PLANNING TO MAKE HIM FALL

"Zea! Bruha!" Tili ni Charice nang magkita sila sa Starbucks. Her favorite place to unwind. Gusto niya ang lasa ng kape dito. Kaya they decided to meet up here. Kararating lang nito from states, Charice is considered her besftriend in a long distance.

Nakangiti niyang niyakap ang kaibigan, they giggled to each other. Matagal nila namiss ang isa't-isa since they are only communicating through social media. When they were in college, sila ang lageng magkasama even though they are opposites almost in everything. Charice is nosy, loud and tough. Napaka-strong ng personality nito. She is also liberated and independent. Habang siya ay mahinhin, naive, pessimistic sometimes and medyo mataray kaya walang nagtiyatyagang manligaw sa kanya.

"Ang ganda mo parin talagang bruha ka!" She laughed out loud while scrutinizing her from head to toe.

Charice is always dressing like this, labas ang mga hita, backless, and sometimes she was wearing croptop. Mga damit na hindi niya kayang suotin. Liberated na talaga ang kaibigan niya even before na hindi ito naglagi sa USA.

"Magkwento ka nga. I was so shock na ikakasal ka na pala. Nakakainis! Inunahan mo pa ako." She rolled her eyeballs. Pumuwesto ito sa kanyang tapat sa mesa. Tipid siyang ngumiti at marahang tumango.

Humigop ito ng black coffee sa tasa. At tinitingnan siya nito na ready na sa mahabang pagsasalang. Noong nagchat sila sa viber, binalitaan niya ito na next week na ang kasal nila ni Jamie. Agad itong nagbooked ng flight pauwi ng Pilipinas.

Isang pribadong kasalan ang magaganap. Tinago nila ito sa press. Besides, walang maitatago sa Pilipinas—knowing how nosy the Filipino are. Sikat ang mga Zamora dahil sa negosyong namamayagpag—even the whole angkan dahil mataas ang antas ng kinabibilangan nito sa kanilang society. Also, her father is a politician. Kaya tiyak na babaha ng mga issues sakaling may mga conflict ang pamilya. Anyway, wala naman siyang pakialam sa mangyayari, as long as kaya niyang iparaos ang election ng ama. Wala na din siyang pakialam sa gustong mangyari sa kasunduan nila ni Jamie. Sisipot siya sa kasal sa ayaw at sa gusto nito.

"You're marrying one of the Zamora brothers, wow. That's fantastic, knowing how good-looking they are." Ngisi nito.

"Hmm...you know naman na bonus na lang sa akin ang physical na aspect ng isang guy. What matters to me is the... the attitude. I mean ang pag-uugali at kagandahang loob." Napalunok siya dahil hindi pa naman niya gaanong nakikila si Jamie, kahit kalaro at kaibigan niya ito.

People change according to their age or maturity, life experiences, and even their values in life, kung paano ito pinalaki ng mga magulang really matters. Also, she cannot deny the fact, ang environment ay may malaking contribution sa isang tao.

Charice knew about her first young love. Naikuwento niya ito sa kaibigan noon pa. Kaya naman ay masyado itong na-excite na makipagkwentuhan sa kanya.

"Now, tell me what happened. It's a dream come true. You're marrying the person you have loved from the start."

She shrugged. It's not a dream come true dahil hindi naman siya mahal nito. Jamie loves her sister so much at hindi niya alam kung paano sasabihin sa binata ang totoong nangyari ng kapatid, once the election is over.

She sighed and sipped her coffee. "It is not what you expect, Cha. Naikuwento ko sayo diba na naging sila ni ate."

Charice moved forward at nangalumbaba ito at tipid na napangiti. "Yeah, it saddened me when you told me your sister cheated on him. How sad."

Naikuwento niya kay Charice two days after nang mangyari ang pamimikot niya pero hindi pa niya nasasabi ang tungkol sa kanila ni Jamie.

"Now you owe me a story on how Jamie and you became lovers."

The Desperate MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon