TDM: EXCERPT

60K 944 9
                                    

CRUSH AT FIRST SIGHT

Eight years ago...

...

Like an old days, pangkaraniwang na sa kanya ang araw na ito. Nandirito na naman siya sa isang hotel kung saan nag-aabang sa lalaking matagal na niyang hinahangaan. Pinapantasya ng palihim. Stalker. It may sound crazy, but talagang patay na patay siya kay Jaime ng palihim.

Zamora World Hotel

This is the place where the first time she saw him. And she called it Crush at first sight. Sa isang taon, isang buwan niyang inaaligiran ang binatilyo dahil once a year lang naman umuuwi ang mga ito from States. Doon kasi lahat nag-aaral ang mga Zamora siblings sa pagkakaalam niya. Labas-masok na siya dito since his Dad is a shareholder of this prestigious hotel. Pero ang alam ng lahat, pamangkin siya ng Daddy niya. But the truth is, anak siya sa labas. Pero dahil isang politician ang ama niya, pinalabas muna nitong pamangkin siya. Nasasaktan man ay pilit niyang iniintindi ang lahat. Her Dad's image is very important for now dahil may plano itong tumakbo sa senado sa mga susunod na eleksyon. Pinaliwanag naman sa kanya ang lahat, kaya lang hindi niya maiwsang magtampo sa ama. Well-supported naman siya simula sa pag-aaral, needs at kahit anong hinihingi niya ay binibigay nito kaya lang hindi lang talaga siya maluhong tao kaya nakakaipon siya ng malaki sa binibigay ng Daddy niya. Subra-subra pa nga ito maghulog ng allowance niya sa sariling bank account.

Patuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa suite na kung saan siya namamalagi kapag ganitong buwan. May sarili siyang suite room, at hindi ito pinapapasukan ng kanyang ama kahit kaninong guest sa hotel.

Pinihit niya ang doorknob pero nakalock yata. Nagtataka siya dahil hindi naman niya ito inilock pag-alis niya kanina. Wala din naman siyang mahalagang belongings na naiwan sa loob maliban sa mga damit at debit card na pang-allowance niya na may lamang three hundred thousand.

"Ano ba 'to, bakit hindi ko mabuksan?" Naiirita niyang kausap sa sarili.

Hinagilap niya ang card pero naiwan niya yata sa loob. She stamp her foot dahil sa inis. Nakakainis! Pinihit niya ulit ang doorknob at bumukas yon kasabay ang biglaang paghila ng pwersa papasok sa loob at natangay siya. She closed her eyes dahil tingin niya mababangga siya sa taong nagbukas ng pinto.

Sa biglaang impact ng kanilang katawan bigla na lamang silang nabuwal sa sahig. She found herself on top of that hard thing. No, not that thing! It's a huge muscles dahil tao itong nadaganan niya.

Parang sumubsob ang labi niya sa isang malambot at mabasang bagay. Bagay a yon? Eh medyo warm sa pakiramdam niya ang bagay na yon eh pero talagang may mali itong pag-aassume niya.

Dumilat siya at kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Naduling siya at nagising ang diwa niya nang magkadikit ang kanilang mga labi! Agad niyang iniangat ang ulo at sa hindi maipaliwanag na nadarama, uminit ang buo niyang sistema. Hindi pala isang bagay yon, kundi isang labi! Namula ang buong mukha niya. He look so familiar. Pero wala siyang panahong titigan ito ng matagal.

Bigla siyang bumangon. Nakakahiya ang posisyon niya kanina dahil nakahiga talaga siya sa ibabaw nito at kinilabutan siya nang biglang maisip ang posisyon ng mga taong nagsisiping.

Dahan-dahan itong tumayo at nahihiyang inayos ang bestida. Magsasalita na sana siya nang mapuna ang ayos nito. From his expensive slippers up to his khaki shorts. Then his plain white T-shirt. And there, medyo makisig pa siya. Dumako ang mga mata niya sa mukha nito.

Nalaglag ang panga niya nang magtama ang kanilang mga mata.

It's him!

Biglang tumambol ng malakas ang dibdib niya.

The Desperate MarriageWhere stories live. Discover now