Season 2: Chapter 6

524 14 15
                                    

Aleisha’s Point of View

Nang makita ko si Nhiel na kasama si Dorothy, wala naman akong kakaibang naramdaman.  Marahil, dahil na rin sa kasiyahan ko sa resulta ng UPCAT.

Si Eris, nakatingin pa rin kila Dorothy.

“Eris, okay ka lang?” tanong ko sa kanya.

“Oo naman.” Sagot niya.  Tumayo siya at tumingin sakin.

“Pres, gusto mong sumama?”  tanong niya sa akin. 

“Saan?” tanong ko.  Imbes nang sagutin ako, hinawakan niya ako sa kanang pulso at hinila ako ng mahina.

Sa peripheral vision ko, nakita ko si Nhiel na palapit na sa amin.  Nang tingnan ko, nasa malapit ko na siya.  Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha niya. 

“Hey. “ sabi niya sabay hawak sa kaliwang pulso ko naman.  Kaya tuloy, daig ko pa ang pinag-aagawan nila.  Si Eris sa kanan, at si Nhiel naman ang sa kaliwa.

Tumingin sa akin si Dorothy at sinunod na tingnan si Eris.

Naguguluhan na ako.  Parang may kakaiba sa paligid ngayon.  Inalis ko ang pagkakahawak  nilang dalawa. 

“Tara na..”  sabi ko sa kanila.  Hinawakan ko si Nhiel at nagsimula nang maglakad.  Kung saan pupunta, hindi ko pa alam. 

Mula sa pagkakahawak ko sa pulso niya, gumalaw ang kamay ni Nhiel para hawakan ang kamay ko.  Kakaiba ang naging epekto nun sakin.

Bago pa kami tuluyang makalayo, tiningnan ko muna sila Eris mula sa likod.  Pero, pareho sila ni Dorothy na nakatayo at nakatingin lang sa amin.  Maya-maya pa, naglakad na palayo si Dorothy.  Bakit kaya?  Sinundan din naman ni Eris.

“Kanina pa kita hinihintay..”  bulong sa akin ni Nhiel.  Nagpatuloy na siya sa paglalakad.  Hawak-hawak pa rin ang kamay ko.  Holding hands while walking? NAKU!

“Uy.. “ hinila ko ang kamay ko at ngumiti sa kanya.  Ngumiti din siya.

Pagtingin ko ulit sa lugar kung saan sila Eris naroon kanina, wala na sila.  Hmm.

“So, saan tayo?” tanong ni Nhiel.

“Gabi na kaya uwian na..” sagot ko.  Kumunot naman ang noo niya. HAHA!

“Joke lang..”  dagdag ko.

“Good.” Sagot niya.

***

As always, naging masaya  ulit ang mga oras na kasama ko si Nhiel.  Kumain lang naman kami at naglakad-lakad sa Park.  Mabuti na lang at marami pa din naman ang mga Tao dun.  Ang saya nga eh.

Around 8:00 PM na ako naka-uwi.  Hinatid niya pa din ako pauwi sa amin. 

Pagdating ko sa bahay, medyo nasermonan ako at nagtanong kung saan daw ako galing.  Ayokong magsinungaling kaso, alam ko kung ano iisipin nila kapag sinabi kong “Nakipagdate po kasama Boyfriend ko..” 

As if naman di ba? NAKU!  Ayokong mag-isip sila na napapabayaan ko ang pag-aaral ko ng dahil dun.  Kaya siguro ganun.   Sinabi ko na lang na pumunta ako sa bahay ng schoolmate ko para may asikasuhin na school stuff.  Aw >.<

TSK!  Haaay >.< Nakapagsinungaling ako.  Nakakakonsensya.  Pero kapag naaalala ko ‘yung mga oras na kasama ko si Nhiel kanina, napapangiti ako.  Hay.  Yun na lang siguro ang isipin ko.  TAMA!

A Chess Match(Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon