Chapter 31: Checkmate!!

759 29 18
                                    

A/N: Sorry naman if medyo nakakalungkot ‘yung previous chapters. HAHA!

Malapit nang magpasukan.  Kailangan nang mag-HANDA!

Dedicated to Glory Ann : )) *Enjoy po*

_______________________________________________

Chapter 31

Checkmate!!

“I’ve never felt rejected because of a girl.. Ngayon lang!!”

Nhiel’s Point of View

Nang  tanungin niya ako kung seryoso ba talaga ako, hindi ko rin alam kung bakit “Ewan” ang naisagot ko.

Mahirap talaga kapag hindi ka sigurado  kung ano talaga ang totoong meron sainyo.

Paano na lang kung ako seryoso  pero siya pala, hindi?!

Lalo pa’t!! EWAN!!  Naasar talaga ako.

Bakit ba kailangan niya pang itago ang relasyon namin?

Bakit minsan, pakiramdam ko, dinideny niya lang ako? Tss..

ASAR!!

Bakit minsan, hindi siya sumasabay sakin kapag maraming nakakakita na kakilala niya daw..

Pakialam ko sa kanila!

Pero, may pakialam ako sa kanya.

 Gusto kong liwanagin ang lahat sa kanya.

Ang tungkol samin, kaya naman napagpasyahan kong kausapin siya.

Nang Makita ko sila ni Belle na lumabas mula sa room nila, inabangan ko silang bumalik.

Hinintay ko siya sa labas ng isang room na malapit lang sa room namin.

Mabuti na lang at nang bumalik siya, mag-isa na lang siya kaya mas lumakas ang loob ko.  Nang matapat na siya sakin, hinawakan ko siya sa wrist.

“Kailangan kitang maka-usap..”

Sabi ko.

“Para saan?”

“Mamayang uwian.. Hintayin kita sa may waiting Shed..”

Pagkasabi ko niyan sa kanya, bumalik na ako sa room.

***

Alam kong mas maaga kaming lumabas ng klase kaya naman pagkalabasan namin, dumiretso na ako sa

Waiting Shed para hintayin siya.

Ngunit, saka naman humingi ng pabor si Dorothy.  Emergency daw kasi kaya naman hinatid ko na muna siya sa bahay nila.

Pagbalik ko naman sa school, nakita ko na si Aleisha na kasama si Jamel. TSSS!!

Ganun pala..

PSH!!

“I’ve never felt rejected because of a girl..NGAYON LANG!! Tss..”

Nakaka-asar talaga!! Kailangan ko talaga siyang maka-usap.

____________________________________________

Belle’s Point of View

Sa nakita ko kanina, mas napatunayan ko na ngang si Couz talaga ang gusto ni Jamel at hindi ako.

A Chess Match(Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon