Chapter 23: A Match to be closer again : )

786 23 13
                                    

Dedicated to you : ) Feeling ko, magaling kang mag-chess : ) Hehe :D

BTW, sana magustuhan niyo : )

____________________________________________________

Chapter 23

A Match to be closer again : )

Dahil sa Registration na for NLTSGO ngayong araw, pumunta na kami sa teacher’s Camp sa may malapit sa Benitez Hall.  Doon kasi ang registration pati na din kung saan kukunin yung mga kit for the training.

Sabay-sabay kaming pumunta.  Hindi ko naman tiningnan lahat kasi nabadtrip ako kaninang umaga.  Hindi niya pa rin kasi ako pinapansin.  Nakakainis lang eh! TSSS!!

Pagdating namin sa place kung saan magreregister, napansin ko agad ang mga nagsisidating pa lang na mga participants din.  Wiiii :D May mga gwapo at magaganda. Promise! May mga half-foreigners  pa nga akong nakita eh.

“Ouch!”

Sa kakatingin ko, hindi ko na namalayan na may nabangga na pala ako sa likod ko. 

Hmmmm..

“Ah Sorry..”  sabi ko doon sa babaeng nabangga ko.  Maganda naman siya.  Mukhang sosyal.  Ang lamig-lamig sa Baguio pero naka short. Tsk!! Pero, bagay naman sa kanya.  Maganda nga kasi.

Umirap lang siya nang mag-sorry ako. ANTARAY!! 

May mga kasama din siya.  Mga taga saang school kaya ‘to?!  Mukha kasing mayayaman.

Nginitian ako ng ibang kasama nung babae kaya nginitian ko lang din.  Mababait din pala maliban dun sa isa na nabangga ko.  Medyo mataray eh! But anyway, moving on..

Nilapitan ko na ulit ang mga kasama ko.  Mukha namang tapos na para sa  Registration si Ma’am kaya yung kit na lang ang dapat kunin.

“Ahm Pres, pinapatanong ni Belle kung bakit di ka daw nagrereply..”

Sabi sa akin ni Jamel. 

Sandali.. Magkatext na sila?

Hmmm… Bago ko ‘yun isipin, kelangan ko na munang kunin ang phone ko.

Hanap sa bag pero..  TSK!! Kinapa ko pa ang bulsa ng jacket ko pero, wala dun.. WAAH!! Asan na yun?!

“Tin, naiwan ko ba yung phone ko sa Lodging house?”

Tanong ko kay Tin.  Nagbabakasakali na  napansin niya since room mate ko naman siya.

Umiling-iling siya. TSK!! Asan na ‘yun? Sana, naiwan ko lang sa Lodging house!!

Nagpaalam muna ako kay ma’am para bumalik doon.

Sumakay na ako ng Shuttle pababa.  Nasa taas kasi ang  hall para sa registration at nasa baba naman ‘yung Lodging house namin.  Hindi na din ako nagpasama.  Kaya ko naman eh!

Pagkatapos ng ilang sandali, naka-abot din.  Pumasok agad ako subalit, nabigla naman ako kung sino ang naabutan kong naroon pa..

Nagkatinginan kami sandali tapos, ngumiti siya.. Shems lang eh!!   Ang gwapo niya!! TSK!!

Kahapon lang nang hindi niya ako pansinin eh tapos ngayon, nakikipag-ngitian?

Since na shock ako, dumiretso lang ako paakyat sa ikalawang palapag.  Waaah!

A Chess Match(Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon