Chapter 47

10.2K 235 78
                                    

Sorry guys kung may delay nakatulog si otor kagabi eh hehe

@7pm

Deanna's POV

Nasa labas kami ngayon and kumakain ng dinner namin. Safe naman kaming nakabalik ni Jema dito and buti na lang di nila kami tinanong sabi ko lang nagswimming kami sa may malayo haha.

Un nga lang, isang batok ung natanggap ko kay Jema nung bumaba kami haha. Nakakadami na ako sa kanya eh haha.

"Hey guys dali niyo kumain para makapagpahinga pa tayo haha." Sabi sa amin ni Johnvic.

"At bakit natin kailangan magpahinga?" Tanong naman sa kanya ni Kring.

"Kaseeee..." sabi niya sabay labas ng dalawang malaking bote ng Alfonso. Sabi na may balak sila eh haha.

"Huyy tago mo baka makita tayo." Bulong naman ni Anton and dali daling binaba ni Johnvic ung alak.

"Hoy paano mo napuslit yan?!" Tanong sa kanya ni Ced.

"Secret haha." Sabi lang naman ni Johnvic at napailing na lang kami.

Natapos na rin naman kaming kumain and nagligpit lang naman kami. Pumasok muna kami sa loob ng villa para makapagpalit and everything para diretso tulog na daw pagkatapos malasing haha.

Nauna naman si Jema sa kwarto at sinundan ko lang naman siya. Hanggang ngayon di pa rin niya ako kinakausap after naming magjetski. Kumuha naman siya ng damit and ng towel.

"Jema." Tawag ko sa kanya.

"Oh?" Mataray niyang tugon sa akin.

"Ah wala lang hehe." Sabi ko na lang at tumalikod.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin kaya napaharap ako sa kanya.

"Uhm lalabas?" Sagot ko sa kanya in a questioning way.

"Dito ka lang!" Sabi niya bigla sa akin at hinila ang damit ko papalapit sa kanya.

"O-opo dito l-lang." Utal utal na sagot ko sa kanya. Okay under na under ang peg ko ngayon sa kinatatayuan ko.

"Good." Sabi niya and nagulat naman ako sa sumunod na ginawa niya.

Hinila niya ung damit ko papalapit sa kanya at...

Kiniss niya ako sa cheeks.

😮😮😮😮😮

"Got you!" Sabi niya after niya ginawa un and binitawan na ung damit ko.

"Jema I-i uh-"

"We'll talk later." Seryosong sabi niya and lumabas na ng room namin. Napasalampak naman ako sa sahig pagkaalis niya.

Fuck Deans ano un ughhhh!!!!

Naramdaman ko naman na sobrang bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niyang un sa akin.

Pigilan mo Deans, hanggang kaya pa!

Dahil baka pag umamin ka,

Iiwasan ka na naman niya,

At masasaktan ka na naman ulit.

------

"Kailan ka pa natutong magmagic De Guzman?" Takang tanong ni Anton kay Johnvic.

Nandito kami ngayon sa sala ng villa namin para sa isang 'session' na naman and nakaupo kami sa floor. Nasa harap naman namin ung dalawang bote ng Alfonso at mga shot glass. By looking at the alcohol, ito yata ung pinakamatapang sa mga Alfonso na tatak.

After AllWhere stories live. Discover now