Chapter 23

9.6K 166 2
                                    

Thursday

Deanna's POV

It's Thursday na so ibig sabihin bukas na ang alis namin papuntang Batangas para sa training camp namin for UAAP. After one month pa lahat kami makakabalik dito so yeah sabi ni coach sulitin na ung free day kasi pagdating dun puspusan na ung training.

Andito ako ngayon sa tambayan ko and yeah nasa taas ako ng puno ofcourse mas gusto ko dito. Nag iisip isip lang ako dito ng mga kung ano ano habang nakahiga.

Ano kayang mangyayari sa Batangas? Makakapagtraining kaya kami nang maayos? Kakayanin ko kaya? Kakayanin kaya namin? Hayyy

"Sana nandito ka, Love. Miss na miss na kita, balik ka naman oh." Nasabi ko na lang sa hangin and pumikit na lang ako nang maramdaman kong biglang gumalaw galaw ung puno and pagkaupo ko and pagdilat nagulat ako sa sumulpot sa tabi ko.

"Tangina san ka galing?!" Singhal ko sa kanya. Naupo lang naman siya tabi ko and tinura ung taas. Nakita ko naman na may isa pa palang sanga ng puno doon and medyo mataas siya compared sa inuupuan namin ngayon.

"Paano ka nakaakyat dun unggoy ka ba?" Takang tanong ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Umaakyat kasi ako talaga ng puno eh tas sumusungkit ako ng bunga pero nagtago ako nung nakita kitang umaakyat and humiga haha." Sabi niya sa akin.

"Delikado ung ginagawa mo baka wala pa mang season maACL ka na." Sabi ko sa kanya.

"Wag ka mag alala Deans kaya ko. Ikaw kaya mo na ba?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Kaya ang ano?" Takang tanong ko sa kanya.

"Wag ka na magbiro Deans narinig ko mga sinabi mo kanina. So si ate Ponggay ba tinutukoy mo?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ung lakas ng loob niya para tanungin sa akin toh pero wala na akong magagawa nacorner na ako kaya tumango na lang ako.

"Hayyy lovers nga naman nakukuhang magtago bilang friends." Nasabi na lang niya and luminga linga kung saan.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"May friends din kasi ako na ganyan dati and they are also hiding. Akala ng iba friends lang sila pero may more than that pa pala and then ayun biglang nalaman ng parents nung isang friend ko, pinaghiwalay sila. Now ung friend ko na un nagkaboyfriend siya habang ung isa naman ayun di niya alam na ganun pala ung nangyari akala niya pinagpalit lang siya but I think it's the best for her para magmove on na kasi di naman siya nagawang ipaglaban nung mahal niya." Mahabang sabi niya sa akin.

"Kilala ko ba sila?" Tanong ko sa kanya.

"I think so, kasama ko silang nagtryout dito eh." Sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Wait sila Jaycel and Yumi ba?" Tanong ko sa kanya.

"Yup haha kilala mo pala sila Deans." Sabi ni Vanie. Yup siya ung kausap ko ngayon and kung nagtataka kayo kung bakit wala lang ang gaan niya kasi kausap. Nung lumipat siya sa dorm namin kinukulit kulit niya ako kung bakit ako broken kaya ayan wala na akong takas sa kanya ngayon.

"Yeah nakita ko rin sila nung tryouts eh I never thought they had something." Sabi ko naman.

"Yeah, kabbreak lang nila last 5 months pero nakiusap si Yumi na maging friends pa rin sila, pumayag lang naman si Jaycel pero ayun di ko na ulit siya nakitang ngumiti not until these past few weeks lagi ko siyang nakikita sa may UP na may kasamang girl. Bago niya ata ewan haha." Natatawang sabi niya. Natawa na lang din ako.

"Pero seryoso Deans, do you think you'll end with the same love story?" Tanong niya sa akin.

"Hindi siguro. I don't think her parents knows us ang alam ko lang alam nila na bestfriends kami and mabait sila sa akin and isa pa, she really did left me, hindi nga niya ako binigyan ng chance kahit makipagfriends lang sa kanya sa kabila ng mga nangyari sa amin." Malungkot na sabi ko sa kanya. Nagulat naman ako na bigla niya na lang ako niyakap and tinap tap ang likod ko.

After AllWhere stories live. Discover now