Chapter 7

10.1K 192 4
                                    

Deanna's POV

After one week

Nandito ako ngayon sa music room ulit to meet my band members para nga sa UAAP fans day. It's been one week after namin nagkakilala and sa one week na un, Ponggay has been avoiding me hayyy I don't know why. Pag magkasama naman kaming dalawa minsan, sobrang cold niya sa akin. Mas gusto ko pa nga siyang sinusungitan ako eh kaysa ganito na hindi ko siya nakakausap nang maayos. Tulad na lang nung isang araw na nasa dorm kami and kaming dalawa lang, triny ko siyang kausapin.

Flashback

Kumakain kami ng lunch ngayon ni Ponggay sa dorm since may pasok ung iba and kami lang nandito ngayon so pinagluto ko siya ng makakain. Tahimik kaming kumakain hanggang sa bigla naman siyang nabulunan kaya dali dali akong kumuha ng tubig pero sa kasamaang palad ayaw niya tanggapin and kinuha na lang niya ung tubig niya. Nalungkot naman ako pero nagpatuloy naman ako kumain.

"Hey you okay?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang naman siya and tumayo na para iligpit pinagkainan namin. Pinigilan ko naman siya.

"Hey love ako na po upo ka na lang dun." Pigil ko sa kanya and kinuha ung hawak niyang plate pero winaksi niya ang kamay ko.

"Ako na Deanna." Mahinahong sabi niya akin.

"Pero lo-"

"Ako na nga sabi eh!" Biglang sigaw niya sa akin at natigilan naman ako dun at nanahimik na lang. Pumunta na lang ako sa sofa at kunwaring nagpphone pero deep inside gusto nang tumulo ng mga luha sa mata ko. Hayyy bat ba ganito anong nangyayari?

EOFB

Ayun nga nasigawan niya ako haha pero wala eh mahal ko pa rin siya and hindi mawawala un love na love ko un eh. But that's not the first time na nasigawan niya ako last week, eto pa.

Flashback

Nasa labas ako ng kwarto namin ngayon and papasok na sana ako nang may narinig akong parang sumisigaw sa kwarto nila Ponggay. Dinikit ko naman ang tenga ko sa door nila and I heard it's my babe. May kausap ata siya sa phone.

"Dad ginagawa ko naman pinapagawa mo ano pa ba gusto mo?!!" Sigaw niya sa kausap niya and I believe it's her dad.

"Dad give me more time please humahanap ako ng paraan!" Dugdong pa niya and nung hindi na siya sumasagot I tried to hold the knob habang nakadikit pa rin ang tenga ko sa door pero sa kasamaang palad bigla itong bumukas and nakita ko ang babe ko na galit na galit ang mukha.

"Deanna Wong nakikinig ka ba sa usapan namin?!" Sigaw niya sa akin at natameme naman ako.

"So-sorr-ry." Nauutal na sabi ko at napayuko.

"Tsk!" Sabi na lang niya and bumaba na. Hayyy.

EOFB

I don't know what's going on between her and her dad pero nakikita ko lately na madalas sila mag usap sa phone. Minsan naman kung hindi ung dad niya ung kausap niya it's someone else and hindi ko naman alam kung sino un and it's killing me, nakakamatay sa sakit ng ulo ko on how am I going to fix what's going on between us hayy.

"Deans okay ka lang? You're spacing out." Nag aalalang tanong sa akin ni Isa and hinipo ang noo ko. I forgot mmeet pala namin prof namin today and try na magpractice kahit konti.

"Yeah I'm okay. Saan si Ced?" Tanong ko sa kanya.

"Andun sa labas kausap bestie ko haha." Natatawang sabi niya and sakto naman pumasok si Ced.

After AllWhere stories live. Discover now