Chapter 32

10K 190 8
                                    

Continuation

Jema's POV

"Bes."

"Bes uyy gising!"

Nagising naman ako nang may yumugyog sa akin and pagtingin ko si Kring pala. Napatingin naman ako sa paligid ko and nasa sinehan pala kami, tsaka ko lang naalala na nanonood pala kami ng movie hayyshh anubayan di ko man lang natapos.

"Sarap ng tulog natin ah." Pang aasar sakin ni Kring pero di ko na lang siya kinibo and nilibot ung paningin ko.

"Asan sila?" Tanong ko sa kanya. Wala na kasi halos tao dito pero di pa rin naman nila sinisindi ung ilaw.

"Nauna na sila lumabas magccr daw and pinagising ka nila sa akin so tara na gutom na kami!" Sabi niya and hinila naman niya ako palabas sa exit.

"Gutom kayo or ikaw lang?" Pang aasar ko sa kanya habang hila hila pa rin niya ako.

"Wag na maraming satsat gutom na talaga kami." Sabi niya and nakarating na rin kami sa labas ng cinema.

"Baka kayo ng alaga mo haha." Natatawang sabi ko sa kanya. Binitawan na rin naman niya ako and humarap sa akin.

"Di ka ba talaga titigil - Omyghad Jema taksil ka huhu!" Kunwaring iyak iyak ni Kring sa akin.

"Pinagsasabi mo?!" Singhal ko sa kanya. Unti unti na rin naman dumating ang iba pwera kay Deanna.

"Sup!" Bati ko sa kanila pero lumaki lang naman ang mga mata nila, well not in a literal way pero parang medyo nagulat sila.

"Welcome to our alma mater Jems haha." Natatawang sabi ni Anton sa akin.

"Teka di ko kaya maintindihan!" Medyo sigaw ko sa kanila.

"Ayan oh!" Sabi nilang lahat and tinuro ung damit ko. Napatingin naman ako and paksht, oo nga pala suot ko ung jacket ni Deanna na Ateneo WTF?!

"So lilipat ka na ba ng school Jema haha." Natatawang sabi ni Kyla and tumawa naman sila lahat hanggang sa dumating si Deanna.

"Hey anong nakakatawa?" Takang tanong niya kila Ced bago tumingin sa akin.

"Di mo naman sinabi lodi may pajacket ka pala haha." Natatawang sabi sa kanya ni Johnvic. Napatingin naman si Deanna sa akin and narealize niya siguro na ako ung tinutukoy ni Johnvic kaya napakamot siya ng ulo.

"Bat nasa iyo ba jacket ni Deanna huh Jems?" Tanong ni Ced sa akin and hindi naman ako agad makasagot dahil nakatingin sila sa akin na parang inuusisa. Tumingin naman ako kay Deanna na parang humihingi ng tulong and nakuha naman niya un kaya nagsalita siya and tumingin naman sila sa kanya.

"Ah ano kasi nilalamig siya kanina sa sinehan and manipis lang ung damit niya kaya ano binigay ko ung jacket ko." Sabi niya habang nagkakamot ng batok na parang batang nakabasag ng vase sa bahay. Cute niya hihi.

Wait ano daw? Erase. Erase!

"How sweet naman Deans." Sabi ni Thirdy kay Deanna haha.

"Nilalamig din ako Anton peram ng jacket." Kunwaring sabi ni Kyla kay Anton and hinimas himas ung braso.

"Sa taba mong yan lalamigin ka hahaha." Natatawang sabi ni Anton kay Kyla and tumawa naman kaming lahat dahil dun and nabaling ung atensyon namin sa kanilang dalawa.

"Tsk tara na nga kumain na tayo, ikaw magbayad ng pinagkainan mo Asistio!" Sabi niya kay Anton. Birthday niya kasi two days after kaya ttreat niya daw kami today. Aalis kasi sila sa mismong birthday niya

"Huyy joke lang naman Kyla ang sexy mo kaya!" Hirit ni Anton sa kanya pero inirapan lang naman siya ni Kyla and naglakad na. Sumunod lang naman kami sa kanya since siya nakakaalam kung saan ung restaurant nila haha yup dun niya daw kami ttreat haha di naman siya magbabayad dahil sa daddy niya un so yeah haha.

After AllWhere stories live. Discover now