Chapter 13

9.2K 172 11
                                    

Continuation

Jema's POV

"Anong un Jems?" Tanong sa akin ni Deanna.

"Uhm..." Nag iisip ako ng pwede sabihin sht naman kasi Jema bat mo nasabi un baka makasira ka pa ng relasyon nang wala sa oras. Lupa kainin mo na ako! Sana lumindol na lang bigla or gumuho ung mundo pero syempre joke lang un.

"Uhm Deans si-" di ko na natuloy ung sasabihin ko nang biglang pumasok si Sisi. Omyghad you're my savior Rondina thank you!

"Guys done na daw practice other day naman daw since Sunday ngayon kaya sandali lang." Masayang sabi niya sa amin and nadivert naman ung atensyon naming tatlo sa kanya kaya napasigh ako as a relief.

Nagvibrate naman ung phone ko and nagtext si Kring na gala daw kami. Nagreply naman ako.

To: Aswang kong bespren
'Geh pick me up sa Ateneo now na. Sama ba ung gang?'

Nagreply naman siya.

From: Aswang kong bespren
'Nope si Ced na lang since nandyan din naman siya sama mo na.'

"Oyy Ced gala daw tayo with Kring." Yaya ko sa kanya. Tumango lang naman siya and nagstart magligpit ng gamit. Nagreply naman ako ng okay kay Kring and papunta na rin daw siya.

Tahimik lang kami dito sa music room habang hinihintay ung sundo namin ni Ced. Hindi na rin naman naalala ni Deanna ung sinabi ko kanina kaya di na rin ako nagsalita dahil baka makagulo lang ako.

Nagvibrate na ulit ung phone ko.

From: Aswang kong bespren
'Yow little shit saan kayo?'

To: Aswang kong bespren
'Music room te dito ka muna'

After a while may kumatok and binuksan naman ni Deanna ung pinto.

"Oh hi Deans sila Jema?" Tanong niya kay Deanna.

"Heyyy!" Tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya sa amin ni Ced.

"Ano meron bat naisipan mo magyaya?" Tanong ko sa kanya.

"Malamang gutom yan te tinatanong mo pa ba un haha." Natatawang sabi ni Ced kaya napasimangot naman si Kring.

"Vikings tayo dali!" Excited na sabi ni Kring.

"Libre mo?" Sabay na tanong namin ni Ced sa kanya.

"Oo na kung di ko lang nakuha allowance ko today naku." Nasabi na lang niya and nag apir naman kami ni Ced.

"Sama ka Deans?" Tanong niya kay Deanna.

"Di na bonding niyo yan eh tsaka may gagawin din kami sa dorm." Nakangiting sabi niya at tumango na lang si Kring.

"Tara na guys." Yaya ni Kring. Nagpaalam naman na kami kay Deanna and nagwave naman siya pabalik.

We're on our way na sa Trinoma since may Vikings naman dun (AN: di ko po sure tagaprobinsya po ako eh hehe) and gusto kasi nila maglaro sa arcade kaya sa mall kami.

After almost 1 hour nakarating na kami and lunch muna daw kami since mag 1pm na rin kaya kain na kami.

Tahimik lang kaming kumakain kasi syempre galit galit muna gutom na kami eh hehe hanggang sa magsalita si Ced.

"Lintek naman Kring nakakatatlong plato ka na nagsisimula pa lang tayo!" Singhal niya kay Kring. Napatingin naman ako sa mesa namin and totoo ngang nakakatatlo na si Kring habang kami ni Ced isa pa lang wow!

"Oh bakit may angal ka? Ikaw magbayad ng pinagkainan mo sige." Pagbabanta sa kanya ni Kring.

"Eto naman di na mabiro sige lang bes kain ka pakabusog ka ah." Pabirong sabi ni Ced at inirapan lang siya ni Kring and sumubo ng isang buong chicken haha.

After AllWhere stories live. Discover now