CHAPTER TWELVE

1.2K 81 16
                                    

Napapansin ni Sabina ang pagiging matamlay at tahimik ni Saireem nitong mga nakalipas na linggo. Mag-iisang buwan be a silang magkasintahan ni Ryu, at si Saireen ang unang nakaalam n'yon. Kung hindi siya magkamali noong araw na ipagtapat niya rito ang tungkol sa kanila ng kapatid huling ngumiti at tumawa ang dalaga.

Ito yata ang pinakamasayang nilalang na makaalam ng pagkakamabutihan nila ni Ryu. Ngunit makalipas ang ilang araw lagi nanitong tahimik at nakatingin sa malayo na animo may malaking bumabagabag sa kaniya.

"Saireen..." Tatlong beses pa niya itong tinawag bago makuha ang atensyon mula sa malalim ba pag-iisip. Nakatingin na naman ito sa buong ciudad ng Manila mula sa terasa ng kuwarto nito. "puwede ba kitang makausap?"

Tumango lang ito at muli na bamang bumaling sa kawalan.

"Nakaalis na ang kuya mo sa trabaho, tayong dalawa na lang sa bahay. Matiyaga akong makikinig sa anumang sasabihin mo, Saireen. Hindi ka man iimik, alam kong may problema ka." masuyo niyang himok sa dalagang maulap ang mga mata.

Mapait na ngumiti si Saireen at humagulgol ng iyak nang yumakap sa kaniya. Hinagod niya ang likod nito para kumalma.

"Sab, ano ang gagawin ko ngayon? Natatakot ako. I'm such a big disappointment to my family." animo batang sumbong nito.

"Sshh...huwag mong sabihin iyan. Alam kong anuman ang ginawa mo, masaya ang parents mo, lalo ang kuya mo. Mahal ka nila kaya huwag mong sabihin iyan, Saireen."

"Mali ka, Sabina. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila ngayong...ngayong..." Nilamon ng iyak ang sasabihin ng dalaga.

‌"Saireen, anuman ang pagkakamali mo, sigurado akong mauunawaan ka ng pamilya mo."

‌"No, Sabina. You don't understand. Ako lang ang babae sa pamilya at hindi maganda sa reputasyon ng mga magulang at ni kuya ang ginawa ko."
‌"Oh, Sabina...ang tanga-tanga ko kasi. Akala ko sapat na ako. Akala ko mahal din niya ako pero..."

‌ "Si Xavier ba?" tumbok niya. Babae rin siya at noon pa ma'y halata nang malaki ang gusto ni Saireen sa bestfriend ni Ryu.

‌Hindi umimik ang dalaga. Hindi na ito histerikal pero hindi pa rin maampat ang mga luha. Hindi man nito sasabihin kung sino ang lalaking tinutukoy nito at batid niyang tama siya.

‌"Buntis ako, Sabina. At hindi ko alam kung paano ko ito ipagtatapat kay kuya at lalong hindi ko kayang magtapat kina mama at papa. Kuya will kill him. Lalo kung malamang hindi niya ako kayang panagutan."

‌Mariin niyang tinitigan ang dalaga. "Paanong hindi ka niya puwedeng panagutan?"

‌Animo muli itong maiiyak. "He's getting married, Sabina. Kasalanan ko. Akala ko kasi mababaling sa akin ang pag-ibig niya sa fiancée niya kaya ipinilit ko ang sarili ko pero..."

‌"Paano mo nalamang buntis ka? Nagpatingin ka na ba sa doktor?"

‌Umiling ito. "Pregnancy test, Sabina. Limang PT at iisa ang resulta, positive. Hindi ko na kailangang kumpirmahin sa doktor. Hindi na ako dinatnan ng dalaw, mag-two months na."

"Mabuti pa'y magpatingin tayo sa doktor. Para sakali mang buntis ka'y alam natin ang lagayng bata," suhestiyon niya.

Lalong namutla ang mapusyaw na balat ng dalaga. "Gagawin ko iyan, Sabina."

"Kailangan mong magtapat sa kuya mo, Saireen. Walang ibang makakatulong sa iyo ngayon kundi ang kuya mo. Nasa likod mo lang ako, Sai. Hindi kita pababayaan." Pinisil nito ang palad bilang assurance.

Ngumiti ito bagama't hindi umabot sa mga mata.

****

Nakailang mura na ang lumabas sa bibig ni Ryu habang binubukalkal ang mga folder at envelopes sa kaniyang study table. Nagtapon na sa sahig lahat ng mga papel mula sa drawers at file cabinets.

"Damn it!" Badtrip na siya dahil halos maghapon na siyang nagkakalkal sa loob ng pinaka-opisina niya sa bahay pero hindi niya makita ang invoice ng TSL. Kailangan iyon dahil nagkaroon ng problema sa isang shipment nila patungong Singapore. Malaki ang mawawala sa kompanya kung hindi makita ang talaan.

CAPE MONTANA 2: Ryu Jae YoungWhere stories live. Discover now