CHAPTER TEN

1K 67 6
                                    

Panaginip lang ang lahat nang nangyari kagabi, iyon ang pilit niyang isinisiksik sa isip niya paggising niya sa umaga. Ngunit hindi siya lasing nang may mamagitan sa kanila ni Ryu.

Maaaring nasa espirito ng alak ang binata pero siya... nasa tama siyang huwisyo. Sariwang-sariwa pa sa isip niya ang bawat detalye ng pinagsaluhan nila ng lalaki kagabi. Nakadikit pa rin sa balat niya ang amoy ni Ryu. Muli siyang ninulayan ng init sa mga ugat na siyang nagpamulat sa kaniya. It wasn't a dream. Her body... mostly her-precious down there is aching.

Ang pinakaiingatan niya... naangkin na ng lalaking sa una'y kinainisan niya pero lihim namang itinatangi ng puso niya. Kinapa niya ang sariling dibdib kung may pagsisisi ba siyang nararamdaman. Wala. Wala siyang pagsisis bagkus masaya siya. Yes. Deep in her heart is unexplainable happiness.

"Good morning, sunshine!"
Ang guwapong si Ryu na niluwa ng bumukas na pinto. Sa kamay ay tray na may lamang pagkain. Inasulto agad ng masarap na amoy ng sopas ang kaniyang pang-amoy. Bigla siyang nakaramdam ng gutom.

"Morning," malat niyang tugon sa binata. Ang kislap sa mga ng guwapong tsinito ay dumilim. Hinagod nito ang kaniyang katawan ng mainit na tingin

"Ikaw ang pinakamaganda at pinakaseksing nasilayan ko ngayong umaga, sweetheart." Isang pilyong ngiti ang iginawad nito bago inilapag ang tray sa harap niya at dumukwang para siilin siya ng maalab na halik.

Agad niya itong itinulak nang maramdaman ang paglalim ng halik nito. Bigla niyang naalalang hindi pa siya nakapagsepilyo. Amoy mint ang hininga nito samantalang siya, amoy panis na laway pa.

He chuckled. "At ikaw pa rin ang pinakamabangong bagong gising. Pinaghalong ikaw at ako. You smell like sex, sweet."

Tinampal niya ito sa balikat pero hindi niya maiwasang mapangiti sa kabila nang pamumula ng pisngi.

Gusto niya munang magbanyo bago kumain kaya walang nagawa ang binata kundi pakawalan siya. Sa loob ng banyo niya ibinuhos ang sobrang saya at kilig sa pagiging sweet ni Ryu sa kaniya. Ngunit sa sulok ng isipan ay nagtatanong sa dahilan sa pagbabago ng binata.

Pero ang taong nagmamahal, hindi iyon bibigyang pansin. Ang mahalaga sa ngayon ay mabait at sweet na si Ryu sa kaniya. Ang mahalaga'y masaya siyang kasama ang binata.

Hindi rin niya mapigil na sariwain ang namagitan sa kanila kagabi. Ang kapusukan ng binata. Dinama niya ang bawat sulok ng katawan niyang dinantayan ng magaspang na kamay at mainit na labi ng binata.

****

"Oh, dahan-dahan lang, sweetheart. Dito tayo." Iginiya siya ni Ryu pakanan.

"Ano ba kasi iyon, Ryu? Baka matisod ako. Bakit may pa piring ka pang nalalaman diyan?" angal niya.

Nang sunduin siya nito kanina sa silid niya, inabutan siya ng isang emerald night gown at may mga kasamang alalay na minanduhan para ayusan siya. Kahit nagtataka'y hindi siya nagtanong. Sa ilang araw na magkasama sila'y hindi mabibilang kung ilang surprises na ang ginagawa sa kaniya ni Ryu. Kulang na lang dito ang pukyutan, magiging pulot na ito sa katamisan. Alagang-alaga at sweet na sweet ito sa kaniya.

"Here we are, sweet. Open your eyes." Malambing nitong saad pagkatapos alisin ang piring.

Ipinikit-mulat niya ang nanlabong mga mata dala ng pagkakapiring bago inilibot ang paningin sa paligid. Nasa deck sila ng yate. Sa gitna'y isang round table na maayos na nasapinan ng puti at pulang tela, may scented candle sa candle holder at stemmed white and red roses sa ibabaw ng mesa at may nakalaang dalawang upuan para sa kanila. Napasinghap siya nang mapansin ang isang lalaki sa harap ng piano. Nagsimula itong tipain ang mga tiklado nang makita sila ni Ryu.

CAPE MONTANA 2: Ryu Jae YoungWo Geschichten leben. Entdecke jetzt