CHAPTER THREE

1.9K 115 5
                                    

Sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpagising kay Sabina ng bandang alas sais ng umaga. Napakamot siya ng ulo nang masulyapan ang orasan sa dingding.

"Ang aga namang mambulabog kung sinuman 'yan."

Agad siyang bumangon sa pag-aalalang baka masira pa ang pinto dahil sa lakas ng mga katok. Hindi na siya nagsuklay at nag-abalang humarap sa salamin, hindi na rin siya nakapag-banyo at mumog. Gigil niyang binuksan ang pinto.

"Balak mo yatang gibain..."

Napanganga siya nang bumungad sa kaniya ang tatlong mukha ng dalawang lalaking pulis.

"Magandang araw, Miss," bati ng isang mama. May hawak itong papel at seryosong bumaling sa kaniya. "Nandiyan ho ba si Miss Sabina Inosenciano?"

Biglang nanlamig ang kaniyang sikmura.

"A-ako ho si Sabina. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong niya kahit may hinala na siya kung ano ang pakay ng mga ito. Pilit niyang pinakalma ang sarili.

"May conplain po kayo galing kay Mr. Tan. Kung maari po'y sumama kayo sa amin sa presinto nang makapagpaliwanag." Inilahad nito sa kaniya ang summon.

Napalunok siya.

"Teka lang ho, Sir. Ano raw po ang atraso ka sa Mr. Tan na iyan?"

"Sa police station na lang ho pag-usapan ito, Miss. Mas mainam na makaharap ninyo ang complainant." turan ng isang patpating pulis.

Ayaw niyang sumama pero nang imuwestra ng kaharap ang posas sa mukha niya'y nataranta na siya nang husto.

"Aba'y teka lang, mamang pulis. Sasama naman ako nang malugod kaya huwag na ninyo akobg posasan. Babae ho ako at walang baril. Hindi ko kayo...."

Sasama naman siya nang malugod sa mga pulis na ito kaya hindi ba kailangang iposas siya. Anong laban niya sa dalawang mama? Ayaw niyang pagtsismisan siya ng mga kapitbahay dahil sa karay siya ng pulis na nakaposas.

"Naninigurado lang ho kami, Miss. Napag-alaman namin na magaling kang manuntok at manuhod.  Wala ka ngang baril pero may suman ka."

Aba't nagsumbong talaga ang singkit na 'yon.

"Para namang nakakamatay ang suman, Sir."
Pinigil niya ang sarili at baka matulad ang isa sa kaharap sa singkit na iyon.

"Sumama ka na lang at huwag magreklamo, Miss. Ginagawa lang namin ang aming tungkulin."

Gusto na niyang murahin ang mga ito dahil ayaw pumayag na hindi siya iposas. Wala siyang nagawa kundi ilahad ang dalawang kamay sa pulis na nakahawak ng posas.

Tulog pa ang lola niya kaya hindi siya nakapagpaalam. Nawala na sa isil niya dahil sa kinasasadlakan.  Napuyat kagabi ang lola niya dahil sa panabakit ng tuhod at kasukasuan kaya himbing pa rin ito at hindi man lang nabulabog sa pagdating ng mga pulis.

Ilang oras na ang biyahe at nalagpasan na ang unang presinto sa bayan pero hindi pa rin siya ibinababa ng dalawang pulis. Bumangong bigla ang kaba.
Pulis ba talaga ang mga ito? tanong niya sa isip.

"Teka lang ho, mamang pulis, saang presinto ho ba ninyo ako dadalhin?" lakas-loob niyang tanong.

Sumidhi ang hinala niya na hindi tunay na pulis ang dalawa dahil nagkatinginan lamang ang mga ito at waring nagkaintindihan sa pamamagitan ng mga mata nila.
Walang umimik sa dalawa.

"H-hindi kayo tunay na pulis. Kidnapper!" tili niya at pinaghahampas ang pulis na nasa passenger seat.

"Tumigil ka, Miss at baka mabangga tayo!" sigaw ng nasa driver side.

CAPE MONTANA 2: Ryu Jae YoungWhere stories live. Discover now