PROLOGUE

3.1K 146 8
                                    

AKSIDENTENG natapon sa basaw ang mga sumang nasa bilaong pasan ni Sabina nang may humahagibis na kotse at bumusina nang pagkahaba-haba't pagkalakas-lakas na ikinagulat niya. Dahilan para matapon ang mga sumang paninda sa basaw.
Isinumpa niyang magbabayad ng mahal ang driver ng kotseng iyon. Itinaga niya ang sumpang iyon sa kaniyang mga sumang nalunod sa putikan.

Matalas pa sa mga mata ng owl ang mga mata niya nang tingnan ang plate number ng kotse. At sinlagkit pa ng mga suman niya ang utak niya nang imemorya ang mga numerong nakita sa plaka ng kotseng iyon.

Makikita ng walanghiyang may-ari ng kotseng iyon ang gagawin niya!


Sa kumpol ng mga kalalakihan sa harap ng construction site ng mga Montana... inimbitahan siya roon ni Xander Montana para magdala ng kakaning miryenda ng mga trabahador ng ipinapatayong gusali. Hindi sinasadyang nakita roon ang kotseng may atraso sa kaniya. Walang anumang sali-salita, pinulot niya ang dos-por-dos na kahoy at hinataw ang salamin ng kotse. Basag iyon.
Lahat napatingin sa kaniya, larawan ang pagkabigla sa mga mukha. Hinihintay niyang may umalma para malaman kung sino ang may-ari ng kotse. Hindi nga siya nabigo, galit ang isang lalaking lumapit sa kaniya at marahas na sinaklit siya sa balikat.

"Ano'ng problema mo? Bakit mo binasag ang salamin ng kotse ko?!"
May pagkasingkit ito at lalong lumiit ang cute nitong mga mata dahil sa galit. Naniningkit ito sa galit at matigas siyang isinalya sa hood ng kotse.

"Oh, so ikaw pala ang may-ari ng kotseng ito? Hindi mo ba alam ang ginawa mo kahapon, ha?"

"Damn it, Lady! Ano ba'ng pinagsasabi mo? Hindi nga kita kilala, paano..."

"Dahil sa pagbusina mo nang pagkalakas-lakas ay natapon ang mga paninda ko sa basaw. Nasira lahat. At nasabuyan ang bago kong daster ng putik ng dahil sa iyo!"

"For your information, wala akong matandaan sa sinasabi mo. Hindi nga ako lumabas kahapon sa..." Damn! Posibleng si Xavier ang may kagagawan sa sinasabi ng babae. Hindi ba't ipinahiram nito kay Xavier ang kotse niya kahapon dahil may sinaglit ito sa bayan? Hindi pa kasi ayos ang kotse nito at nasa talyer pa lang.

"Oh, naalala mo na?" Nanggagalaiti ang magandang babae. Maamo ang mukha nito. Parang anghel dahil sa mahahabang pilik-mata. Ngunit tila nagkaroon ng sungay sa paningin ni Ryu.

"Hindi," kaila ni Ryu. Kailangang turuan ng leksyon ang babaeng ito. Presyo ng panindang suman kumpara sa halaga ng salamin ng kaniyang kotse ang isyu rito. At hamak na mas mahal ang salamin kaysa sa suman. Mas malaki ang damage niya.

"Sa susunod, magtanong ka muna sa may-ari bago magbasag ng kotse ng may kotse, ha?!" Walang pasabing kinayumos ng halik ang babae.

Nagpumiglas ito pero hindi niya tinantanan.

Ngunit maparaan si Sabina. Malakas niya itong tinuhod. Dahilan para mapaaringking ito sa sakit. Hindi pa nakontento si Sabina, sinamantala niyang nakanganga ang lalaki habang namimilipit sa sakit at sapo-sapo ang pagkalalaki. Marahas niyang isinudsod sa bunganga nito ang hawak na isang balkot ng suman bago inundayan ng suntok ang isang mata nito.

Tingnan lang niya kung hindi lalong liliit ang mata nitong singkit dahil sa pamamaga.

CAPE MONTANA 2: Ryu Jae YoungWhere stories live. Discover now