KABANATA 6

1K 17 2
                                    

Pagdating ko sa klasrum, kumpol-kumpol yung mga babaeng nagtsitsismisan. Ang aga-aga, nilalangaw yung klase namin. Hindi ko masyadong maintindihan yung pinaguusapan nila, dahil ang ingay. Tuloy-tuloy na lang akong umupo.

"Hindi kasi siya sinipot o sinagot nung isang araw. Hindi ko alam kung tama ang dinig ko. Aamin na yata siya nun. Ede s'yempre ang sakit nun sa kanya. Kawawa naman si Bam. Ang panget tuloy nung laro niya sa practice nila kanina."

BAMBAM ALERT! BAMBAM ALERT!

"Naku, kung ako lang 'yung babaeng nagustuhan ni Bam, hindi niya na kailangang umamin, manligaw o kahit na ano. Pakakasalan ko na agad siya."

"Eh bakit ba kasi hindi siya sinipot ni Cathy?!"

"Baka naman sinipot siya, pero hindi siya sinagot?"

Busted si Bambam?

"ANO BANG PINAGBUBULUNGAN NIYO HA?!" Natahimik ang buong klasrum nang kumalabog ang pinto. Kitang kita ko yung galit sa mga mata ni Cathy. "WAG NIYO NGANG PAGPIYESTAHAN ANG BUHAY NG IBA!!! BUHAY NIYO ANG ASIKASUHIN NIYO!!!"

Hindi na siya tumuloy sa pagpasok sa klase. Hindi na rin siya umattend sa mga sumunod naming klase.

DEAR CRUSH,
BALI-BALITA SA ROOM
NA BINUSTED KA NI CATHY.
NAIINTINDIHAN KO NA NGAYON
KUNG BAKIT ANG SAMA
NG UGALI MO KAHAPON.
DAPAT PALA 'DI AKO UMALIS
SA BAR NUNG NA-BUSTED KA.

NGAYON, GUSTO KO MANG I-COMFORT KA,
PAANO KO 'YUN MAGAGAWA NANG MASAYA?

P.S. KUNG WALA KA TALAGANG MAGAWA
BAKIT 'DI NA LANG AKO ANG LIGAWAN MO?

"Ano ba kuya Bryan, akin na kasi 'yan" pagmamakaawa ko kay Bryan, habang inaabot yung scatch tape sa nakataas niyang kamay. Kanina pa kami nagkukulitan dito dahil ayaw akong tantanan ni Bryan.

"Hoy kayong dalawa. Tigilan niyo na 'yang paglalaro niyo, baka datnan kayo ni ate Laine nang ganyan mapagalitan tayo."

"Wag ka mag-alala, Jane. Papaaminin ko lang 'tong si Cassy" sabi ni Bryan kay Jane. Saka lumingon ulit sa akin, "Sabihin mo na kasi sa akin kung sino yung crush mo. Hindi ko naman ipagsasabi ah, ano ba kala mo sa akin."

Nakita niya kasi akong nagsusulat sa Handy Dandy Panty Notebook ko. Buti na lang 'Dear Crush' lang ang nabasa niya.

"Bakit ba ayaw mong maniwala. Embento ko lang mga sinusulat ko dun. Ginagamit ko lang 'yon sa pagko-conceptualize nung bagong kwentong sinusulat ko."

"Weh? Hindi ako naniniwala sa'yo" sabi niya at saka tumakbo. Hinabol ko naman siya, hanggang sa magpaikot-ikot na kami sa Theater. Napayuko na ako habang nakahawak sa dalawang tuhod ko at hingal na hingal dahil sa kakahabol kay Bryan.

"Sige na nga. Oh, eto na" sabi niya, kaya lumakad na ako papalapit sa kanya.

Maabot ko na sana yung scatch tape, kaso bigla akong natapilok sa nakausling carpet. Pero hindi ako nasubsob, dahil nasalo ako ni Bryan. Sakto namang pagbukas ng pinto ng Theater, na nasa likod ko.

Bambam...?

Napangiti ako nang makita ko si Bambam. Pero hindi tulad ko, nakasimangot na naman siya.

"Ayusin niyo nga yung itsura niyo." Noon ko lang napagtantong magkayakap pala kami ni Bryan. Agad akong humiwalay at dumiretso ng tayo. "Kung maglalampungan kayo, wag dito. Hindi 'to lugar para maglandian kayo, kumuha kayo ng kwarto."

"Dude. Sobra ka naman yata."

Hindi pinansin ni Bambam yung sinabi ni Bryan. Lumingon siya sakin, "Ito lang ba ang ipinunta mo dito? Kaya ka ba sumali dito? Puwes. Umalis ka na lang. Mag quit ka na."

Dear Crush (Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon