KABANATA 10

199 5 0
                                    

Napasinghap ako paggising ko. "Panaginip 'yon 'di ba?! Panaginip 'yon!"

"Hoy bobita ka! Buti naman gising ka na!" sabi ni Jaireh na mukhang kanina pa ako  hinihintay na magising. "Oh, kumain ka na. At uminom ng gamot para hindi sumakit ulo mo."

Nun ko lang napagtantong ang sakit ng dibdib at tiyan ko.

"Inom-inom ka nang nalalaman ngayon? Pariwara ka na? Adik ka na?" Walang tigil ang bunganga ni Jaireh kakaratrat sa akin, habang kumakain."Nakakahiya dun sa mga naghatid sa'yo. Oo nga pala, may ibibigay daw si Bryan sa'yo. Makipagkita ka raw sa kanya dun sa coffee shop na palagi niyong pinupuntahan."

Alauna pa kami magkikita ni Bryan, kaya may oras pa ako para makapag-ayos kahit papaano. Mukha kasi akong taeng-tae sa gulo ng buhok at mukha ko. Kasing gulo ng puso at isip ko. Bakit ba gumulo nang ganito ang buhay ko.

"Ayos ka lang ba talaga?" pang-1,346 na beses niya nang tinatanong kung ayos lang ba ako.
"Oo nga, kuya Bryan. Ang kulit mo. Hindi naman ganun karami yung nainom ko, eh. Yung sapat lang..."

"Ahhh... Sapat lang para magkalakas ka ng loob na umamin kay Bam?" At kanina pa rin niya ako inaasar dahil sa nangyari kagabi.

"Kuya Bryan naman, eh."

"Pero sigurado ka bang maayos na ang lagay mo?"

Ayan na naman siya. Sobrang nag-aalala na naman siya sa akin. Sobrang bait na naman siya sa akin.

"Kuya Bryan, umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba sa akin, ha?"

Nanlaki ang mata niya, at napatigil siya sa pagsasalita.

"Sabihin mo yung totoo, kuya Bryan."

Saka siya tumawa nang sobrang lakas. Mata ko naman ang nanlaki ngayon. Ang saya-saya niya na halos mag-headbang na siya katatawa.

"Grabe Cassy, ang lakas ng tama mo ah!" pinilit niyang sabihin ang mga 'yon sa kalagitnaan nang pagtawa niya. "Porket umamin si Bam sa'yo, feeling mo naman ang ganda mo-aw!"

Kinotongon ko siya, dahil sa tatlong rason. Una, para tumigil na siya katatawa. Pangalawa, dahil napahiya ako sa tanong ko sa kanya. At pangatlo, dahil pinaalala niya sa akin yung nangyari kagabi na pilit kong tinatabunan para lang hindi maalala.

"Hey that hurts, Cassy."

"Eh ikaw eh!"

Ngumiti naman siya at umayos na nang postura.

"Fine, fine. Let's put everything in their places. Firstly, oo. I like you. But not 'like' in a romantic way. Para na kitang kapatid. Kamukhang-kamukha mo kasi yung kapatid ko na nasa probinsiya, kaya gustong gusto na kita nung simula pa lang." Para naman akong nabunutan ng tinik sa paa nung marinig ang mga paliwanag niya. "Isa pa, fan ako ng love team niyo ni Bam. Simula pa lang, tawang-tawa na ako sa inyong dalawa, dahil mukha talaga kayong mga tanga."

Nagtaka naman ako sa mga sinabi niyang 'yon.

"Oo, matagal ko nang alam na may gusto sa'yo si Bam. Eh kasi badtrip na badtrip sa kanya yun kaibigan niyang si Mark. Ang torpe raw kasi ni Bam sa crush niya. Hindi ko pa alam kung sino yung crush niya nun. Eh tanga-tanga pa 'yan, dahil pinahiram niya sa akin yung cellphone niya habang ikaw ang wallpaper niya. Kaya lang ang slow niya, kaya tumulong na ako. Mark told me to provoke him. Nung nakita kong hawak mo yung poster para sa audition namin, I took it as a chance na makatulong sa tatanga-tangang si Bam."

Tahimik lang ako habang nagkwekwento si Bryan.

"Karamihan sa mga kulitan natin, meant for Bam. Eh isa ka pang tatanga-tanga. Naalala mo pa yung ulan? Nung nahimatay ka? Sobrang panic si Bam noon, dahil sarado na ang clinic. Dinala ka niya sa theater, ginamot niya mga sugat mo. Tapos galit na galit siya sa akin. Huwag daw kitang hahawakan. Tawang-tawa nga ako nun eh. Pero sa akin siya nagpasama na ihatid ka sa bahay niyo."

Dear Crush (Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon